Tagalog Christian Song | "Ang Kaharian ng Diyos ay Nagpakita na sa Lupa"

Hulyo 2, 2020

A ... a ... a ... a ... a ... a ... a ... a ...

Ang makapangyarihang tunay na Diyos,

Hari sa trono, naghahari sa buong sansinukob,

buong sansinukob, nakaharap sa lahat ng bansa't mga tao.

Nagniningning l'walhati ng Diyos sa buong mundo.

Hanggang sa dulo ng sansinukob,

lahat ng buhay dapat makita.

Mga lawà, ilog, dagat, lupa, bundok,

lahat ng nabubuhay nabubunyag sa liwanag

ng presensya ng tunay na Diyos,

napanumbalik, nagising sa panaginip,

sumisibol sa lupa!

O! Ang tanging tunay na Diyos nagpapakita sa mundo.

Sinong may tapang upang lumaban?

Lahat nanginginig sa takot, napapaniwalang ganap,

patuloy na nagmamakaawa.

Lahat ng tao'y yumuyukod sa Kanya't

lahat ng dila'y sumasamba!

Lahat ng dako sa mundo, lahat ng bagay sa lupa,

di kailanman huminto sa kanilang papuri sa Diyos.

Sa pagdating ng tagsibol,

maalinsanga't kaaya-ayang simoy dala'y ulan ng tagsibol.

Lagaslas at ngawa ng mga sapa, gaya ng tao,

masaya't mapanglaw, lumuluha, luha ng pagsisisi.

Mga ilog, lawa, alon ng karagata't daluyong umaawit lahat,

pinupuri ngalang banal ng tunay na Diyos,

ngalan N'yang banal!

O! Himig ng papuri nila, himig ng papuri'y kaylinaw!

Mga tiniwali ni Satanas noon,

mga tiniwaling bagay noon, lahat mapapanibago,

lahat iyo'y mapapanibago, mapapanibago't mapapalitan,

papasok sa katayuang bago…

Ito ang banal na trumpeta, banal na trumpeta'y tumutunog!

Makinig maigi: Kaytamis ng tunog!

Pagbigkas mula sa trono!

Nagpapahayag sa lahat ng bansa't mga tao.

Ang oras dumating na. Wakas ng mga huling araw.

Planong pamamahala ng Diyos ay natapos na.

Kaharian ng Diyos nagpakita na nang hayagan sa lupa.

Mga bansa sa mundo'y naging kaharian ng Diyos.

Mga bansa sa mundo'y naging kaharian ng Diyos.

Pitong trumpeta ng Diyos tumutunog mula sa trono.

Anong kahanga-hanga't kamangha-manghang mga bagay

ang mangyayari!

Minamasdan ng Diyos ang bayan N'yang may galak;

kilala nila ang tinig N'ya.

Mula sa bawa't bansa't dako,

bayan ng Diyos nagsasama-sama.

O! Mga tao'y 'di-makahinto

sa pagpupuri't paglukso para sa tunay na Diyos.

Sumasaksi sa tunay na Diyos, sumasaksi sa mundo,

tinig nila'y madagundong, parang lagaslas ng maraming tubig.

Mga tao'y dadagsa sa kaharian ng Diyos,

kaharian ng Diyos, kaharian ng Diyos.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger