Christian Dance | "Ang Mga Hinirang na Tao ng Diyos ay Nagpupuri at Umaawit sa Kanya" | Praise Song

Hunyo 25, 2024

I

Nagpakita na sa Silangan ang Makapangyarihang Diyos,

ipinapahayag Niya ang katotohanan para iligtas ang sangkatauhan.

Dinala Niya ang daan ng buhay na walang hanggan;

ang lahat ng tao at bansa ay dumadakila at umaawit sa Kanya.

Narinig natin ang tinig ng Diyos

at mapalad tayo na bumalik sa harap ng Kanyang trono.

Kinakain at iniinom natin ang Kanyang mga salita,

nauunawaan ang katotohanan, at tinatamasa ang Kanyang pagmamahal.

Maski sa ating mga panaginip ay hindi natin inasahang

suswertehin tayong makita ang mukha ng totoong Diyos.

Natatamo natin ang pagpapastol at pagdidilig Niya;

ito ay talagang biyaya ng Diyos.

II

Ipinapakita ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos

ang Kanyang pagkamakapangyarihan-sa-lahat,

nalupig at nakamit ng mga ito ang aming puso.

Tayo ay nilinis dahil sa pagtanggap sa paghatol ng Diyos,

yumuyuko tayo sa Diyos at sumasamba sa Kanya.

Pinupuri Ka namin, Makapangyarihang Diyos,

nakabuo Ka na ng isang grupo ng mga mananagumpay.

Ganap Mo nang nagapi ang malaking pulang dragon;

nagkamit na ng kaluwalhatian ang Makapangyarihang Diyos.

Sumasayaw at umaawit ng mga bagong awit ang mga hinirang ng Diyos,

pinupuri ang pagbabalik sa Sion ng Makapangyarihang Diyos.

Naghahari Siya sa lahat ng bansa nang may kapangyarihan ng isang hari,

at tinatamasa magpakailanman ang kasiyahan ng isang sambahayan.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger