Christian Dance | "Napakapraktikal ng Pagliligtas ng Diyos sa Tao" | Praise Song

Abril 29, 2025

I

Pagkatapos kong maranasan ang paghatol ng mga salita ni Cristo,

nagising sa wakas ang puso ko.

Nakikita ko kung gaano kalalim ang aking katiwalian,

at na ako ay tunay na inapo ni Satanas.

Gumagawa at nagdurusa lang ako para pahalagahan at idolohin ako ng iba.

Nagyayabang ako para magpasikat

at makipagkompitensiya sa iba para sa kasikatan at pakinabang.

Buong puso kong hinahangad ang reputasyon at katayuan,

at palaging gustong mangibabaw sa iba.

Pinagninilayan ko ang aking mga gawa

at tinitingnan kung gaano ako kamapagmataas at kahangal.

Kung wala ang paglalantad at paghatol ng mga salita ng Diyos,

mawawalan ako ng kakayahang kilalanin ang sarili ko.

Salamat sa paghatol ng Diyos kaya ako ay tunay na nakapagsisi.

II

Mabagsik ang mga salita ng Diyos,

tumutusok ang mga ito sa aking puso at tumatagos sa kaibuturan ng aking kaluluwa.

Bagama't dumaranas ako ng sakit,

nauunawaan ko sa puso ko na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan.

Ang Diyos ay pinakamataas at marangal, pero mapagpakumbaba Siya

at hindi Niya iginigiit ang sarili Niya batay sa Kanyang katayuan;

mas wala akong kuwenta kaysa sa dumi,

pero hinahangad ko pa rin ang katayuan—talagang wala akong katwiran.

Dahil nakikita kong napakabuti at napakaganda ng diwa ng Diyos,

mas lalo akong namumuhi sa aking sarili.

Nakararamdam ako ng labis na kahihiyan at nagpapatirapa ako sa harap ng Diyos

nang may lubos na pagsisisi.

Kung tatanggihan ko muling tanggapin ang katotohanan

at magpasakop sa Diyos,

hindi ako ako karapat-dapat na tawaging tao.

Inaasam ko lang na tuparin nang maayos ang tungkulin ng isang nilikha

nang may dalawang paang matatag na nakaapak sa lupa.

III

Sa pagdanas ng paghatol ng mga salita ng Diyos,

naunawaan ko ang maraming katotohanan.

Malinaw kong nakikita na ang disposisyon ni Satanas

ang nagdadala sa akin sa kasalanan at paglaban sa Diyos.

Kung hindi ko tatanggapin ang paghatol at paglilinis ng Diyos,

matitiwalag lang ako sa huli.

Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos

ang nagpahinto sa mga hakbang kong gumagawa ng kasamaan.

Ang paghatol ng Diyos sa tao ang nagbubunyag

sa Kanyang pagkamakatuwiran at pagmamahal.

Na natatanggap ko ang paghatol ng mga salita ng Diyos

ay tunay na pagliligtas ng Diyos.

Ang magawang sundan ang Diyos at basahin ang mga salita ng Diyos

ay ang pinakamalaking pagpapala sa aking buhay.

Ang makitang inililigtas ng Diyos ang tao sa gayong kapraktikal na paraan,

nagpapasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos!

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin