
Christian Dance | "Lahat ng Tao ng Diyos ay Pinupuri Siya sa Abot ng Makakaya Nila" | Praise Song
Abril 4, 2025
I
Itinaas na tayo sa harap ng Diyos,
at dumadalo tayo sa masaganang piging.
Tinatamasa natin ang mga salita ng Diyos at nauunawaan ang katotohanan,
ang ating espiritu ay napalaya at malayang-malaya.
Habang kumakawala tayo mula sa ating mga makamundo at makalamang gusot,
tumatahak tayo sa landas ng liwanag sa buhay.
Ang mga puso nati'y punong-puno ng pasasalamat at pagpupuri
at nakararamdam tayo ng hindi maipaliwanag na kagalakan.
II
Tinatamasa natin ang mga salita ng Diyos araw-araw,
tinatanggap ang paghatol, at nakikila ang ating sarili.
Nagsasagawa tayo ng mga salita ng Diyos at nagsisisi sa Diyos,
at isinasabuhay ang wangis ng mga bagong tao.
Sa pamamagitan ng paghatol ay nalilinis tayo
at naiwawaksi natin ang ating satanikong katiwalian.
Talagang nagbago na tayo ngayon,
at lahat ng ito ay dahil sa pagliligtas at biyaya ng Diyos.
III
Ang Makapangyarihang Diyos ay tinalo si Satanas.
Pineperpekto ng mga pagsubok at kapighatian ang isang grupo ng mga tao,
ginagawa silang mga mananagumpay.
Ganap na nabunyag ang matuwid na disposisyon ng Diyos
at ang lahat ng lumalaban sa Diyos ay mamamatay.
Iyong mga tunay na nananampalataya sa Diyos ay tumatanggap ng Kanyang biyaya;
iyong mga naghahangad sa katotohanan ay nagkakamit ng Kanyang pagliligtas.
Pinupuri namin ang disposisyon ng Diyos sa pagiging tunay na matuwid
at ang mga awit namin ng papuri ay nakaaabot sa kalangitan.
IV
Tunay na mapaghimala ang gawain ng Makapangyarihang Diyos.
Lahat ay isinasakatuparan ng mga salita ng Diyos.
Ang lahat ng tao ay nagpapasailalim sa harap ng Diyos,
pinupuri na naisakatuparan na ang dakilang gawain ng Diyos.
Nagpupuri at nagbubunyi kami sa kagalakan sa abot ng aming makakaya;
karapat-dapat ang Makapangyarihang Diyos sa karangalan at kaluwalhatian.
Isinasakatuparan ang kalooban ng Diyos sa lupa,
lahat ng tao ng Diyos ay pinupuri Siya sa abot ng makakaya nila.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video