Christian Dance | "Napakadakila ng Pagmamahal ng Diyos" | Praise Song
Pebrero 6, 2025
I
Pumarito ang Makapangyarihang Diyos para ipahayag ang katotohanan,
at naririnig ng mga tupa ng Diyos ang tinig ng Diyos.
Itinaas tayo sa harap ng trono at nagtatamasa tayo ng mga salita ng Diyos.
Ang pag-unawa sa katotohanan ay nagpapasigla sa ating puso,
at tayo ay nadidiligan at natutustusan.
Lumalago tayo sa buhay bawat araw, at ito ay tunay na pagpapala ng Diyos.
Sa pagsunod sa Diyos, nakakamit natin ang katotohanan,
at ang pagpapatotoo sa Kanya ay ating tungkulin.
Tinutupad natin ang ating mga tungkulin para suklian ang pagmamahal ng Diyos,
at nagbibigay tayo ng maganda at malakas na patotoo.
Ang pagsunod sa Diyos ay isang napakalaking pagpapala,
at may moral na pananagutan tayong ipakalat ang ebanghelyo.
Anuman ang mga paghihirap, hindi tayo aatras;
maninindigan tayo sa ating patotoo para luwalhatiin ang Makapangyarihang Diyos.
II
Ang paghatol at paglalantad ng mga salita ng Diyos
ay tumatagos sa ating puso at espiritu.
Nakikita natin kung gaano kalalim ang ating pagiging tiwali,
at na wala tayong wangis ng tao.
Sa pagtanggap sa paghatol ng Diyos at pagwawaksi sa katiwalian,
nalilinis at namumuhay tayo sa harap ng Diyos.
Inililigtas tayo ng paghatol ng Diyos, at isinabubuhay natin ang bagong wangis ng tao.
Sa pagsunod sa Diyos, nakakamit natin ang katotohanan,
at ang pagpapatotoo sa Kanya ay ating tungkulin.
Tinutupad natin ang ating mga tungkulin para suklian ang pagmamahal ng Diyos,
at nagbibigay tayo ng maganda at malakas na patotoo.
Ang pagsunod sa Diyos ay isang napakalaking pagpapala,
at may moral na pananagutan tayong ipakalat ang ebanghelyo.
Anuman ang mga paghihirap, hindi tayo aatras;
maninindigan tayo sa ating patotoo para luwalhatiin ang Makapangyarihang Diyos.
III
Personal tayong dinidiligan at pinapastol ng Diyos,
at sinasabi at ibinabahagi Niya ang katotohanan araw-araw.
Pinagkakalooban Niya tayo
ng anumang kailanganin natin sa anumang sandali,
at labis na nag-aalala ang Kanyang puso para sa atin.
Pinupungos, sinusubok, at pinipino Niya tayo
para maging mas dalisay ang pagmamahal natin para sa Kanya.
Lubos tayong naligtas at pupurihin natin ang Diyos sa lahat ng oras!
Sa pagsunod sa Diyos, nakakamit natin ang katotohanan,
at ang pagpapatotoo sa Kanya ay ating tungkulin.
Tinutupad natin ang ating mga tungkulin para suklian ang pagmamahal ng Diyos,
at nagbibigay tayo ng maganda at malakas na patotoo.
Ang pagsunod sa Diyos ay isang napakalaking pagpapala,
at may moral na pananagutan tayong ipakalat ang ebanghelyo.
Anuman ang mga paghihirap, hindi tayo aatras;
maninindigan tayo sa ating patotoo para luwalhatiin ang Makapangyarihang Diyos.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video