Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Disposisyon ng Diyos at Kung Ano ang Mayroon Siya at Ano Siya | Sipi 241

Agosto 15, 2020

Sa lupa, Ako ang praktikal na Diyos Mismo na nasa puso ng mga tao; sa langit, Ako ang Panginoon ng buong sangnilikha. Naakyat Ko ang mga bundok at tinawid ang mga ilog, Ako rin ay naglabas-pasok na sa kalagitnaan ng sangkatauhan. Sino ang hayagang mangangahas na sumalungat sa praktikal na Diyos Mismo? Sino ang mangangahas na makaalpas sa paghahari ng Makapangyarihan-sa-lahat? Sino ang mangangahas na igiit na Ako ay, nang walang alinlangan, nasa langit? Muli, sino ang mangangahas na igiit na Ako ay, nang walang katiting na posibilidad na magkamali, nasa lupa? Walang ni isa sa buong sangkatauhan ang may kakayanang ipaliwanag nang malinaw sa bawat detalye ang mga lugar na Aking tinitirhan. Maaari kaya, na kapag Ako ay nasa langit, Ako kung gayon ang di-pangkaraniwang Diyos Mismo? Maaari kaya, na kapag Ako ay nasa lupa, Ako kung gayon ang praktikal na Diyos Mismo? Na Ako ang Tagapamahala ng buong sangnilikha, o na Ako ay nakararanas ng mga pagdurusa sa mundo ng mga tao—siguradong ang mga ito ay hindi magpapasiyahan kung Ako o hindi ang praktikal na Diyos Mismo? Kung ganyan ang iniisip ng tao, hindi ba siya mangmang sa lahat ng pag-asa? Ako ay nasa langit; Ako rin ay nasa lupa; Ako ay kasama sa di-mabilang na mga bagay ng sangnilikha at gayundin ay nasa kalagitnaan ng di-mabilang na mga tao. Mahihipo Ako ng tao araw-araw; bukod pa rito; maaari niya Akong makita araw-araw. Kung pagkatao ang pag-uusapan, Ako minsan ay tila nagtatago at minsan ay nakikita; tila may tunay na pag-iral Ako, ngunit Ako rin ay tila walang katauhan. Nasa Akin ang mga hiwagang hindi maarok ng sangkatauhan. Ang lahat ng tao ay tila sinisilip Ako sa pamamagitan ng isang mikroskopyo upang maghanap ng lalong higit pang kahiwagaan sa Akin, umaasang sa gayon maiwaksi ang duda sa kanilang mga puso. Ngunit kahit na sila ay gumamit ng pluroskopo, papaano maisisiwalat ng sangkatauhan ang mga lihim na nakatago sa Akin?

Kapag ang Aking bayan, sa pamamagitan ng Aking paggawa, ay luluwalhatiing kasama Ko, sa sandaling iyon ang pugad ng malaking pulang dragon ay mahuhukay, lahat ng putik at dumi ay nalinis, at ang nadumhang tubig, na naipon sa di-mabilang na mga taon, na natuyo sa Aking mga nag-aalab na apoy, ay hindi na muling iiral. Dahil diyan, ang malaking pulang dragon ay mamamatay sa dagat-dagatang apoy at asupre. Kayo ba ay nahahandang manatili sa ilalim ng Aking maingat na pagkalinga upang hindi maagaw ng dragon? Tunay bang kinamumuhian ninyo ang mapanlinlang na pakana nito? Sino ang may kakayanang magtaglay ng matapat na pagpapatotoo para sa Akin? Alang-alang sa Aking Pangalan, alang-alang sa Aking Espiritu, alang-alang sa Aking plano sa pamamahala—sino ang may kakayahang mag-alay ng lahat ng kanyang lakas ng pangangatawan? Ngayon, kapag ang kaharian ay nasa mundo ng mga tao, ang panahon na Ako ay personal na darating sa mundo ng mga tao. Kung hindi, mayroon bang sinuman, nang malakas ang loob, na lumalaban sa digmaan alang-alang sa Akin? Upang ang kaharian ay mabuo, upang ang Aking puso ay makuntento, at muli, upang ang Aking araw ay dumating, upang ang panahon ay dumating na ang di-mabilang na mga bagay sa sangnilikha ay isilang muli at lumagong masagana, upang ang sangkatauhan ay mailigtas sa dagat ng pagdurusa, upang makarating ang kinabukasan, upang ito ay maging kamangha-mangha, at mamulaklak at yumabong, at muli, ang kaligayahan ng hinaharap ay mangyari, ang buong sangkatauhan ay nagpupunyagi nang buong kalakasan nila, walang itinitira sa pag-aalay ng kanilang sarili para sa Akin. Hindi ba ito ang hudyat na ang tagumpay ay Akin na, at isang tanda ng kaganapan ng Aking plano?

Mas maraming tao ang nabubuhay sa mga huling araw, mas mararamdaman nila ang pagka-hungkag ng mundo at ang di-gaanong lakas ng loob mayroon sila sa pamumuhay. Sa dahilang ito, hindi na mabilang ang mga taong namatay sa kabiguan, hindi na mabilang ang ibang nabigo sa kanilang paghahanap, at hindi na mabilang ang ibang mga dumanas mismo ng pagmamanipula ni Satanas. Napakarami Kong taong iniligtas, napakarami Kong sinaklolohan, at, madalas pa, kapag nawala ng mga tao ang liwanag, naibabalik Ko sila sa lugar ng liwanag, upang makilala nila Ako sa gitna ng liwanag, at Ako ay kagiliwan sa gitna ng kaligayahan. Dahil sa pagdating ng Aking liwanag, sumisibol ang pagsamba mula sa puso ng mga tao na naninirahan sa Aking kaharian, sapagkat Ako ay isang Diyos na iibigin ng sangkatauhan, isang Diyos kung kanino ang sangkatauhan ay kumakakapit sa kawili-wiling kaugnayan, at ang sangkatauhan ay puno ng nananatiling pagkakilala sa Aking kaanyuhan. Ngunit, kapag ang lahat ay nasabi at nagawa na, wala nang nakakaintindi kung ito ba ay ang pagkilos ng Espiritu, o ginagawa ng laman. Ang isang bagay na ito lamang ay sapat na para sa tao upang maranasan sa pinakamaliit na detalye nito sa buong habambuhay. Hindi kailanman Ako hinamak ng tao sa kaibuturan ng kanyang puso; bagkus, kumapit siya sa Akin sa kaibuturan ng kanyang espiritu. Ang Aking karunungan ay pinalalaki ang kanyang paghanga, ang mga kababalaghan na Aking ginagawa ay kasiyahan sa kanyang mga mata, ang Aking mga salita ay lumilito sa kanyang isip, ngunit itinatangi pa rin niya ang mga ito nang buong paggiliw. Ang Aking katunayan ay pinapaging nag-aapuhap ang tao, gulat na gulat at naguguluhan, ngunit, handa pa rin niyang tanggapin ang lahat ng ito. Hindi ba ito ang tiyak na sukatan ng kanyang tunay na pagkatao?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 15

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin