Matagal nang Inihanda ng Diyos ang Lahat para sa Sangkatauhan

Mayo 24, 2020

Tagalog Christian Song | "Matagal nang Inihanda ng Diyos ang Lahat para sa Sangkatauhan"

I

Nagtatakda ng panahon ang Diyos

kung kailan gagawin ang mga bagay-bagay.

At kung hindi pa dumarating ang panahong iyon,

hindi kikilos ang Diyos bago sumapit iyon.

Ang mga kilos ng Diyos

ay may kumpas na sinasabayan,

eksakto at ginagawa ayon sa patakaran.

Ang Diyos ay kalmado't di nag-aalala.

Di mo ba alam na Siya ang makapangyarihan?

Wag mabalisa, lahat ay nasa mga kamay Niya.

Mapalad ang matatapat sa Diyos,

na nakatitiyak na tinitingnan ng Diyos

ang niloloob ng tao.

At dumarami ang mga pagpapala,

matatamasa magpakailanman

ang mabubuting pagpapala sa Kanyang kaharian.

Ito ang pinakaepektibong paraan

para si Satanas ay mapahiya.

II

Matagal nang naihanda ang lahat ng bagay.

Paglilingkod sa Diyos, di nila mahintay.

Mukhang magulo ang mundo mula sa labas,

nguni't mukha itong maayos sa Diyos.

Ang naihanda ng Diyos ay para tamasahin n'yo.

Wag kayong makialam sa Kanyang mga plano.

Ipapakita Niya sa mga bansa

ang Kanyang pagka-makapangyarihan.

Pupurihin nila ang Kanyang ngalan

dahil sa Kanyang nakamamanghang mga gawa.

Mapalad ang matatapat sa Diyos,

na nakatitiyak na tinitingnan ng Diyos ang niloloob ng tao.

At dumarami ang mga pagpapala,

matatamasa magpakailanman

ang mabubuting pagpapala sa Kanyang kaharian.

Ito ang pinakaepektibong paraan

para si Satanas ay mapahiya.

III

Sabi ng Diyos walang nagagawa na walang basehan,

nguni't puspos ng karununga't kapangyarihan,

puspos ng kamahalan at katuwiran,

at puspos lalo na ng Kanyang pagkapoot.

Mapalad ang matatapat sa Diyos,

na nakatitiyak na tinitingnan ng Diyos ang niloloob ng tao.

At dumarami ang mga pagpapala,

matatamasa magpakailanman

ang mabubuting pagpapala sa Kanyang kaharian.

Ito ang pinakaepektibong paraan

para si Satanas ay mapahiya.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger