Chinese Christian Song | "Piniperpekto ng Diyos ang Tao sa Pamamagitan ng Mga Salita sa Kapanahunan ng Kaharian" (Tagalog Subtitles)

Mayo 9, 2020

Sa kapanahunang ito,

gagawin ng Diyos ang realidad na ito sa gitna ninyo:

na ang bawat tao ay maisasabuhay ang salita ng Diyos,

makakayang isagawa ang katotohanan, at maalab na magmamahal sa Diyos;

na ang lahat ng tao ay gagamitin ang salita ng Diyos

bilang saligan at kanilang realidad

at mayroong mga puso ng paggalang sa Diyos;

at na, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng salita ng Diyos,

ang tao sa gayon ay mamumuno kasama ng Diyos.

Ito ang gawain na makakamit ng Diyos.

Ginagamit ng Diyos ang salita upang pamunuan ang tao;

mabuti ang iyong pakiramdam kung kumakain at umiinom ka ng salita ng Diyos,

at kung hindi, wala kang magiging daan upang sumunod.

Ang salita ng Diyos ay nagiging pagkain ng tao

at ang lakas na nag-uudyok sa kanya.

Sinabi ng Biblia na "Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao,

kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Diyos."

Ito ang gawain na tutuparin ng Diyos sa araw na ito.

Gaganapin Niya ang katotohanang ito sa inyo.

Sa kapanahunang ito, pangunahing ginagamit ng Diyos

ang salita upang pamunuan ang lahat.

Sa pamamagitan ng salita ng Diyos, hinahatulan at ginagawang perpekto ang tao,

at sa huli ay dinadala tungo sa kaharian.

Tanging ang salita ng Diyos ang nakapagtutustos ng buhay ng tao,

at tanging ang salita ng Diyos ang makakapagbigay sa tao ng liwanag

at ng daan ng pagsasagawa,

lalo na sa Kapanahunan ng Kaharian.

Hangga't araw-araw kang kumakain at umiinom

sa Kanyang salita nang hindi iniiwan ang realidad ng salita ng Diyos,

makakaya kang gawing perpekto ng Diyos.

Makakaya kang gawing perpekto ng Diyos.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin