Tagalog Dubbed Full Movie | "Ang Diyos ang Awit sa Loob ng Puso ko" Paralisado, May Amnesia, at Nasa Bingit ng Kamatayan—Sino ang Lumikha ng Himala ng Buhay?

Hulyo 7, 2025

Naaresto at malupit na pinahirapan si Chen Jing ng Partido Komunista ng Tsina dahil sa pananampalataya sa Diyos. Isang malupit na pulis ang humampas sa ulo niya gamit ang isang pamalo, na naging sanhi ng pagkaparalisa ng kalahating bahagi ng kanyang katawan. Matapos makapasok sa bilangguan, dahil hindi siya ginamot at inabuso rin siya ng mga guwardiya sa kulungan, lumala ang kondisyon ni Chen Jing; nasira ang kanyang pag-iisip, nawalan ng alaala, at hindi niya kayang alagaan ang sarili niya. Ayon sa diagnosis ng doktor sa kulungan, hindi na siya tatagal pa ng higit sa tatlong buwan. Sa kawalan ng pag-asa, ang mga salita ng Diyos ang naging tanging maaasahan ni Chen Jing. Ang mga salita ng Diyos na binibigkas ng ibang mga nakakulong na sister ay nagbigay sa kanya ng pananalig at lakas, at unti-unting bumalik ang sensasyon ng kanyang paralisadong binti. Dahil sa takot ng warden ng kulungan na baka mamatay siya roon, inaprubahan nito ang medical parole ni Chen Jing. Pagkauwi, walang pera si Chen Jing para magpagamot, pero patuloy siyang umasa sa Diyos. Isang milagro na makalipas ang dalawang taon, lubos siyang gumaling. Sa prosesong ito, tunay niyang naramdaman ang pagkamakapangyarihan-sa-lahat at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at na ang Diyos lang ang pinagmumulan ng buhay ng tao. Pagkatapos, patuloy siyang nangaral ng ebanghelyo at nagpatotoo sa Diyos para suklian ang pagmamahal ng Diyos.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin