Tagalog Christian Song With Lyrics | "Hinahanap ng Diyos ang Iyong Puso at Iyong Espiritu"

Setyembre 28, 2021

I

Taong nilisan tustos-buhay mula sa Makapangyarihan

'di alam ba't umiiral, nguni't takot sa kamatayan.

Walang suporta at tulong,

ngunit nag-aatubili pa ring ipikit kanilang mga mata,

sinusuong ang lahat,

inilalantad walang dangal na buhay sa mundo

sa katawang kaluluwa ay walang malay.

Buhay nang walang pag-asa't layunin.

Ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat,

ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat

na magliligtas sa nagdurusa

at matinding naghahangad ng Kanyang pagdating.

Sa taong walang-malay,

paniwalang ito'y 'di pa matatanto hanggang ngayon.

Gayunman, tao'y hangad pa rin ito, hangad ito.

II

Ang Makapangyarihan ay may awa sa malubhang nagdurusa.

Kasabay nito, sawa na Siya sa walang malay,

dahil kailangan Niyang maghintay ng kay tagal

tugon mula sa tao, mula sa tao.

Nais Niyang hanapin espiritu mo't puso.

Nais N'yang dalhan ka ng pagkain at tubig.

Nais N'yang gisingin ka.

Upang ikaw ay 'di na uhaw, hindi na gutom.

At kapag ikaw ay pagod,

at kapag nararamdama'y kapanglawan,

kapanglawan nitong mundo,

huwag maguluhan, huwag umiyak.

Makapangyarihang Diyos, ang Tagabantay,

yayakapin iyong pagdating anumang oras.

III

S'ya'y nakabantay sa 'yong tabi, hinihintay kang bumalik.

Hinihintay ang biglang pagbalik ng alaala mo,

nalalaman na nagmula ka sa Diyos,

ang katotohanan na nagmula ka sa Diyos.

Minsan ka nang nawala sa landas,

o, nawawalan ng malay sa daan,

at 'di nalalaman na may ama.

Lalo mong natatantong Makapangyariha'y naro'ng nakabantay.

Naghihintay Siya, sa pagbabalik mo,

sa buong panahon, sa buong panahon.

IV

S'ya'y mapait na nananabik.

Naghihintay Siya, naghihintay ng tugon na walang sagot.

Pagbabantay Niya'y 'di matawaran

at ito'y para sa puso, sa puso't espiritu ng tao.

Pagbabantay na maaaring magpakailanman,

o maaaring ito'y nagwakas na.

Ngunit dapat mong malaman,

nasaan puso't kaluluwa mo.

Oh… Nasaan?

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin