Tagalog Christian Song With Lyrics | "Diyos ay Diyos, Tao ay Tao"

Agosto 15, 2020

I

Nabuklat mo man ang aklat ng salita ng Diyos

upang manaliksik o ito'y tanggapin,

huwag mo itong basta isantabi.

Matapos mong basahin lahat, saloobin mo'y mababago,

batay 'yan sa motibo mo at antas ng pag-unawa.

Ngunit may dapat kang malaman:

Ang salita ng Diyos ay 'di sa tao,

ang salita ng tao'y 'di sa Diyos.

Ang taong ginamit ng Diyos at ang Diyos

na nagkatawang-tao'y hindi iisa.

Ito'y 'di hamak na magkaiba.

'Pag natapos na'ng lahat, ang Diyos ay Diyos, ang tao'y tao.

Ang Diyos ay may diwa ng Diyos, ang tao'y may diwa ng tao.

Salita ng Diyos ay 'di kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu;

ang salita ng mga propeta'y 'di sa Diyos.

Mali kung gan'to ang isip ng tao.

II

Kung matapos mong basahin ang mga salitang ito,

at 'di matanggap na ito'y sa Diyos,

kundi sa taong naliwanagan,

nabubulagan ka ng kamangmangan.

Ang salita ng Diyos ay 'di tulad

ng kaliwanagang natanggap ng tao.

Ang salita ng naging-taong Diyos ay nagbubukas ng bagong kapanahunan,

nagbubukas ng bagong kapanahunan.

Kaya nitong gumabay sa sangkatauhan,

hiwaga'y mahayag, landas ay matanglawan.

Ang kaliwanagan ng tao'y gabay

sa pagsasagawa at kaalaman.

'Di ito makagagabay sa tao sa bagong panahon

o makahahayag ng hiwaga ng Diyos.

'Pag natapos na'ng lahat, ang Diyos ay Diyos, ang tao'y tao.

Ang Diyos ay may diwa ng Diyos, ang tao'y may diwa ng tao.

Salita ng Diyos ay 'di kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu;

ang salita ng mga propeta'y 'di sa Diyos.

Mali kung gan'to ang isip ng tao.

III

Huwag gawing mali ang tama,

mataas ang mababa, at malalim ang mababaw,

huwag pasinungalingan ang katotohanan.

Sumuri nang may tamang pananaw,

tanggapin bagong gawa at salita ng Diyos

bilang isang nilikha Niya.

Ganito'ng dapat gawin ng nananalig,

kung hindi ay aalisin ka ng Diyos.

'Pag natapos na'ng lahat, ang Diyos ay Diyos, ang tao'y tao.

Ang Diyos ay may diwa ng Diyos, ang tao'y may diwa ng tao.

Salita ng Diyos ay 'di kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu;

ang salita ng mga propeta'y 'di sa Diyos.

Mali kung gan'to ang isip ng tao.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger