Christian Dance | "Ipinahahayag ng Diyos ang Katotohanan para Gisingin ang Sangkatauhan" | Praise Song
Pebrero 22, 2025
I
Tumunog na ang trumpeta ng katotohanan.
Ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan para gisingin ang sangkatauhan.
Pagkarinig ko sa tinig ng Diyos, bumalik ako sa harapan Niya.
Kumakain, umiinom, at nagsasaya ako sa salita ng Diyos at dumadalo sa piging.
Sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos araw-araw,
nauunawaan ko ang katotohanan at nagkakamit ng pagkilatis.
Ang mundo ay madilim at puno ng kasamaan—
tanging sa paghahangad sa katotohanan may liwanag.
Tinalilikuran ko ang lahat para sundan ang Diyos, ginagawa ang aking tungkulin.
Sa pagtanggap sa katotohanan at pagkilala sa aking sarili,
nakakamtan ko ang tunay na pagbabago.
Lumalago ako sa gitna ng paghahatol ng mga salita ng Diyos,
at sa gitna ng pagpupungos.
Sa pag-unawa sa katotohanan, unti-unting lumalago ang aking buhay.
Nakikita ang katuwiran at kabanalan ng Diyos,
tunay kong nadarama na Siya ay labis na kaibig-ibig.
Mamahalin ko ang Diyos
at magpapatotoo ako sa Kanya magpasawalang hanggan.
II
Sa pagdanas ng paghatol ng Diyos,
nalilinis ako at natitikman ko ang pagmamahal ng Diyos.
Ang mahihigpit na salita ng Diyos na tumuturok sa aking puso
ay lahat para sa layunin ng pagliligtas sa akin.
Tanging sa pagdanas ko nauunawaan ang maiingat na layunin ng Diyos.
Ang makatanggap ng paghatol ng Diyos ay pagpapala Niya.
Sa pamamagitan ng maraming kapighatian at pag-uusig,
nakikita natin ang tunay na mukha ng malaking pulang dragon.
Napagtatantong ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat,
nagkakamit tayo ng pananalig at lakas.
Nabibisto natin ang mga pakana ni Satanas, at hindi na tayo naduduwag o natatakot.
Masaya tayong hayaan ang Diyos
na mamatnugot sa atin ayon sa Kanyang kagustuhan,
at manindigan sa ating pagpapatotoo sa Kanya.
Tinamasa ko ang labis na pagmamahal ng Makapangyarihang Diyos,
at kung hindi ko ito susuklian,
hindi ako karapat-dapat na matawag na isang tao.
Napagpasyahan kong ibigay ang aking katapatan upang ipakalat ang ebanghelyo
at magpatotoo sa Diyos.
Mamahalin ko ang Diyos
at magpapatotoo ako sa Kanya magpasawalang hanggan.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video