Christian Dance | "Ang Kaharian ni Cristo ay Tahanang Magiliw" | Praise Song

Hunyo 30, 2025

I

Ang kaharian ni Cristo ay ang aking magiliw na tahanan,

ito ay para sa lahat ng tao ng Diyos.

Si Cristo ay naglalakad at nagsasalita sa iglesia at namumuhay kasama natin.

Ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos ay narito,

pati gawain ng Banal na Espiritu.

Ang pagdidilig, pagtutustos, at paggabay ng mga salita ng Diyos

ang nagbibigay-kakayahan na lumago ang buhay natin.

Ito ang kahariang pinamumunuan ni Cristo, isa itong patas at matuwid na mundo.

Ang kaharian ni Cristo ay tahanang magiliw.

II

Ang kaharian ni Cristo ay ang aking magiliw na tahanan,

ito ay minamahal nang lubos ng mga tao ng Diyos.

Salita ng Diyos ay naghahari sa iglesia.

kumikilos tayo batay sa katotohanan

at binibigyang-karangalan si Cristo bilang dakila sa puso natin.

Wala nang awayan o intrigahan,

hindi na kailangan ang pagdedepensa o pagkatakot.

Si Cristo ang pahingahan ng kaluluwa ng tao,

hindi na ako pagala-gala.

Ito ang kaharian ni Cristo na inaasam ng sangkatauhan,

ito ang kanilang mabuting destinasyon.

Ang kaharian ni Cristo ay tahanang magiliw.

III

Ang kaharian ni Cristo ay ang aking magiliw na tahanan,

ang lahat ng tao ng Diyos ay itinatangi ito.

Dito ay nararanasan ko ang mga pagsubok ng Diyos,

at ang tiwaling disposisyon ko ay nalilinis at nababago.

Cristo ng mga huling araw, ang aming kagiliw-giliw na minamahal,

mamahalin at pupurihin Ka namin magpakailanman.

Narito ang mga salita ng Diyos, gayundin ang gawain ng Banal na Espiritu.

Ang kaharian ni Cristo ay tahanang magiliw.

Kuwento ng paglago ng buhay ko ay narito,

ang aking mga pribadong salita para sa Diyos ay narito rin.

Ang mga hindi ko makalilimutang alaala ay narito,

isang rekord ng dugo ng puso na iginugugol ng Diyos.

Naaantig ako sa lahat ng narito,

hindi maipapahayag ng mga salita ang aking mga sinsero, taos-pusong damdamin.

Ang kaharian ni Cristo ay tahanang magiliw.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin