Christian Dance | "Tunay na Minamahal Ako ng Makapangyarihang Diyos" | Praise Song

Oktubre 8, 2024

I

Tunay na minamahal ako ng Makapangyarihang Diyos, at naranasan ko ito.

Araw-araw nagsasalita ang Diyos

at personal na dinidiligan at pinapastol Niya ang mga tao.

Ang pagkain, pag-inom, at pagtamasa ng salita ng Diyos

ay nagpapalinaw sa aking isip at nagpapaningning sa aking mga mata.

Sa pag-unawa sa katotohanan,

napalalaya ako sa espiritu at nakapamumuhay sa harap ng Diyos.

Mahal ako ng Diyos, mahal ako ng Diyos,

at ang pagmamahal na ito ng Diyos ang nakabihag sa akin.

Isinantabi ko ang lahat para sundan ang Diyos,

ginagawa ko nang tapat ang aking tungkulin para igugol ang sarili ko para sa Diyos;

sinusundan ko ang Diyos sa maliwanag na landas ng buhay.

II

Tunay na minamahal ako ng Makapangyarihang Diyos, at naranasan ko ito.

Ang salita ng Diyos ang naglalantad at humahatol sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao.

Sa tunay na pagkilala sa aking sarili, nagbago ang aking disposisyon.

Namumuhay ako sa wangis ng tao,

nagkakamit ng pagsang-ayon ng Diyos, at nagbubunyi ang aking puso.

Mahal ko ang Diyos, mahal ko ang Diyos,

at ang salita ng Diyos ang nakapagpabago sa akin.

Inihahandog ko ang tunay kong puso sa Makapangyarihang Diyos,

at anuman ang isaayos o ipamatnugot Niya,

wala akong ibang pagpipilian kundi ang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos.

III

Tunay na minamahal ako ng Makapangyarihang Diyos, at naranasan ko ito.

Binabantayan ako ng Diyos sa gitna ng pang-uusig at mga kapighatian.

Ang salita ng Diyos ang nagbibigay-liwanag at gumagabay sa akin

at nagbibigay sa akin ng pananalig.

Nauunawaan ko ang mga layunin ng Diyos at matunog akong nagpapatotoo sa Kanya.

Sinusunod ko ang Diyos at nagpapatotoo ako sa Diyos;

ito ang landas na nais kong tahakin.

Anuman ang mga balakid sa aking daan,

hinihikayat ako ng pagmamahal ng Diyos na magsikap sumulong.

Mananatili akong tapat sa Diyos hanggang kamatayan

para mahalin ang Diyos at magpatotoo sa Diyos.

IV

Tunay na minamahal ako ng Makapangyarihang Diyos, at naranasan ko ito.

Isinasaisip ko ang atas ng Diyos at hindi na ako makapagpapaliban pa.

Ang pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos

ay dapat gawin kaagad-agad;

aktibo dapat akong makipagtulungan sa Diyos para mapalugod Siya.

Dapat akong magmalasakit sa Diyos, palugurin ang Diyos,

at suklian ang pagmamahal ng Diyos.

Dapat ihandog ko ang buo kong pagkatao para igugol ang aking sarili sa Diyos

at gawin ang aking makakaya para kompletuhin ang atas ng Diyos,

para ang Diyos ay magawang maluwalhati sa lalong madaling panahon.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin