Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 17 (Ikalawang Bahagi)
Ang katotohanang “Hindi mo pinagkakautangan ang iyong mga magulang” ay ang tamang prinsipyo ng pagsasagawa na dapat maunawaan ng mga tao pagdating sa kung paano nila harapin ang kanilang mga magulang. Ano ang iba pang prinsipyo ng pagsasagawa? (Hindi ang mga magulang mo ang mga tagapamahala ng iyong buhay o ng iyong kapalaran.) Hindi ba’t ang “Hindi ang mga magulang mo ang mga tagapamahala ng iyong buhay o ng iyong kapalaran” ay mas madaling unawain at bitiwan kumpara sa “Hindi mo pinagkakautangan ang iyong mga magulang”? Sa panlabas, tila ang iyong mga magulang ang nagluwal ng iyong pisikal na buhay, at na ang iyong mga magulang ang nagbigay sa iyo ng buhay. Ngunit, kung titingnan natin ito mula sa perspektiba ng Diyos, at mula sa ugat ng usaping ito, ang iyong pisikal na buhay ay hindi binigay sa iyo ng iyong mga magulang, dahil hindi kayang lumikha ng mga tao ng buhay. Sa simpleng pananalita, walang tao ang makakalikha ng hininga ng tao. Ang dahilan kung bakit nagiging tao ang laman ng bawat tao ay dahil taglay nila ang hiningang iyon. Ang buhay ng tao ay nakasalalay sa hiningang ito, at ito ang tanda ng isang buhay na tao. Ang mga tao ay may ganitong hininga at buhay, at ang pinagmulan at ugat ng mga bagay na ito ay hindi ang kanilang mga magulang. Sadyang nilikha ang mga tao sa pamamagitan ng pagsilang sa kanila ng kanilang mga magulang—sa pinaka-ugat, ang Diyos ang nagbibigay sa mga tao ng mga bagay na ito. Samakatuwid, hindi ang mga magulang mo ang mga tagapamahala ng iyong buhay o ng iyong kapalaran, ang Tagapamahala ng iyong buhay ay ang Diyos. Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, nilikha Niya ang buhay ng sangkatauhan, at binigyan Niya ng hininga ng buhay ang sangkatauhan, na siyang pinagmulan ng buhay ng tao. Samakatuwid, hindi ba’t ang linyang “Hindi ang mga magulang mo ang mga tagapamahala ng iyong buhay o ng iyong kapalaran” ay madaling unawain? Ang hininga mo ay hindi binigay sa iyo ng iyong mga magulang, at lalong hindi binigay sa iyo ng iyong mga magulang ang karugtong nito. Ang Diyos ang nangangasiwa at namumuno sa bawat araw ng iyong buhay. Ang iyong mga magulang ay hindi makapagpapasya kung ano ang magiging takbo ng bawat araw sa iyong buhay, kung ang bawat araw ay magiging masaya at maayos, kung sino ang makakasalamuha mo araw-araw, o kung sa anong kapaligiran ka mamumuhay sa bawat araw. Sadya lamang na pinangangasiwaan ka ng Diyos sa pamamagitan ng iyong mga magulang—ang iyong mga magulang ang mga taong ipinadala ng Diyos para mag-alaga sa iyo. Nang ipinanganak ka, hindi ang iyong mga magulang ang nagbigay sa iyo ng buhay, kaya’t sila ba ang nagbigay sa iyo ng buhay na nagpapahintulot sa iyo na mabuhay hanggang ngayon? Hindi rin. Ang pinagmulan ng iyong buhay ay ang Diyos pa rin, at hindi ang iyong mga magulang. Sabihin nating isinilang ka ng iyong mga magulang, ngunit noong ikaw ay isa o limang taong gulang, nagpasya ang Diyos na bawiin ang iyong buhay. May magagawa ba ang mga magulang mo tungkol doon? Ano ang gagawin ng iyong mga magulang? Paano nila ililigtas ang iyong buhay? Dadalhin ka nila sa ospital at ipagkakatiwala ka sa mga doktor, na siyang magsisikap na gamutin ang sakit mo at iligtas ang iyong buhay. Responsabilidad ito ng iyong mga magulang. Gayunpaman, kung sasabihin ng Diyos na ang buhay na ito at ang taong ito ay hindi na dapat mabuhay, at na dapat kang muling magkatawang-tao sa ibang pamilya, kung gayon ay walang kapangyarihan o paraan ang iyong mga magulang na iligtas ang buhay mo. Maaari lang nilang panoorin ang paglisan ng iyong munting buhay mula sa mundong ito. Kapag nawala ang isang buhay, wala silang magagawa—ang magagawa lang nila ay gampanan ang kanilang responsabilidad bilang mga magulang, at ipagkatiwala ka sa mga doktor, na siyang magsisikap na gamutin ang iyong sakit at iligtas ang iyong buhay, pero hindi ang mga magulang mo ang makapagpapasya kung magpapatuloy ang buhay mo o hindi. Kung sasabihin ng Diyos na maaari kang patuloy na mabuhay, kung gayon ay iiral ang iyong buhay. Kung sasabihin ng Diyos na hindi na dapat umiral ang iyong buhay, kung gayon ay mamamatay ka na. May magagawa ba ang mga magulang mo tungkol doon? Ang magagawa lang nila ay tanggapin ang iyong kapalaran. Sa madaling salita, sila ay mga ordinaryong nilikha lamang. Kaya lang, mula sa perspektiba mo, mayroon silang isang espesyal na pagkakakilanlan—ipinanganak at pinalaki ka nila, sila ang iyong mga amo at ang iyong mga magulang. Ngunit mula sa perspektiba ng Diyos, sila ay mga ordinaryong tao lamang, sila ay mga miyembro lamang ng tiwaling sangkatauhan, at walang espesyal sa kanila. Maging sila ay hindi ang mga tagapamahala ng sarili nilang buhay, kaya paano sila magiging mga tagapamahala ng buhay mo? Bagamat ipinanganak ka nila, hindi nila alam kung saan nanggaling ang buhay mo, at hindi nila maitatakda kung anong panahon, anong oras, at kung saang lugar darating ang iyong buhay, o kung paano ang magiging buhay mo. Wala silang alam sa mga bagay na ito. Para sa kanila, sila ay pasibong naghihintay lamang, naghihintay sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at sa Kanyang mga pagsasaayos. Masaya man sila tungkol dito o hindi, naniniwala man sila rito o hindi, ano’t anuman, ang lahat ng ito ay pinangangasiwaan at nangyayari sa ilalim ng mga kamay ng Diyos. Hindi ang mga magulang mo ang mga tagapamahala ng iyong buhay—hindi ba’t madaling unawain ang usaping ito? (Madali lang.) Isinilang ng iyong mga magulang ang iyong laman, ngunit hindi nila isinilang ang buhay ng iyong laman. Ito ay isang katunayan. Makokontrol man lang ba ng iyong mga magulang ang mga bagay tulad ng kung gaano ka katangkad, kung ano ang iyong pangangatawan, kung ano ang kulay ng iyong buhok o kung gaano ito kakapal, kung ano ang mga libangan mo, at iba pa? (Hindi.) Hindi maitatakda ng iyong mga magulang kung magiging maganda o pangit ang iyong balat, o kung ano ang magiging hitsura ng iyong mukha. May mga magulang na mataba, pero nagsisilang sila ng mga anak na payat at pandak, maliit ang ilong at mga mata. Kapag nakikita sila ng mga tao, iniisip ng mga ito: “Sino kaya ang kamukha ng mga batang ito? Talagang hindi sila kamukha ng mga magulang nila.” Ni hindi maitakda ng mga magulang kung sino ang magiging kamukha ng kanilang mga anak, tama ba? May mga magulang din na may napakalalakas na katawan, pero nagsisilang sila ng mga napakapayat at mahinang anak; may mga magulang naman na napakapayat at mahina ang katawan, pero nagsisilang sila ng mga anak na kasinglakas ng kalabaw. May mga magulang na matatakutin kagaya ng mga daga, pero nagsisilang sila ng mga anak na sobrang mapangahas. Ang ibang magulang ay maingat at mapagbantay, pero nagsisilang sila ng mga anak na may napakataas na ambisyon, at sa huli, ang ilan sa mga ito ay nagiging emperador, ang iba ay nagiging pangulo, at ang ilan ay nagiging pinuno ng mga grupo ng bandido at tulisan. May mga magulang na magsasaka, pero ang mga anak nila ay nagiging matataas na opisyal. Mayroon ding mga magulang na mapanlinlang, pero nagsisilang sila ng mga anak na may magandang asal at inosente. Ang ibang magulang ay hindi mananampalataya, o maaaring sumasamba pa nga sila sa mga diyos-diyosan at mga diyablo, pero nagsisilang sila ng mga anak na gustong manampalataya sa Diyos, na hindi kayang patuloy na mabuhay kung wala ang pananalig ng mga ito sa Diyos. Sinasabi ng ilang magulang sa kanilang mga anak, “Papaaralin kita sa unibersidad,” at sinasabi ng kanilang mga anak, “Hindi maaari, ako ay isang nilikha, dapat kong gampanan ang aking tungkulin!” Pagkatapos, sinasabi ng mga magulang sa kanilang mga anak: “Bata ka pa, hindi mo kailangang gumampan ng isang tungkulin. Ginagampanan namin ang maliit na bahagi ng mga tungkulin namin dahil matanda na kami, at wala na kaming mga inaasam; magkakamit kami ng ilang pagpapala para sa pamilya natin sa hinaharap, kaya hindi mo na kailangang gawin ito. Kailangan mong mag-aral nang mabuti, at kapag nakatapos ka na sa unibersidad, kailangan mong maging isang mataas na opisyal, upang matamasa ko ang tagumpay kasama mo.” Sumasagot ang kanilang mga anak: “Hindi. Isa akong nilikha, ang paggampan sa tungkulin ko ang pinakamahalagang bagay.” Siyempre, may ilang magulang na nananampalataya sa Diyos at tumatalikod sa kanilang mga pamilya at bumibitiw sa kanilang propesyon, ngunit tumatanggi ang mga anak nila na manampalataya sa Diyos. Ang mga anak nila ay hindi mananampalataya, at paano mo man tingnan ang mga anak na ito at ang kanilang mga magulang, hindi sila mukhang isang pamilya. Bagamat mukha silang isang pamilya batay sa kanilang hitsura, mga gawi sa buhay, at maging sa ilang aspekto ng kanilang mga katangian, hilig, interes, paghahangad, at sa mga landas na tinatahak nila, sila ay ganap na magkaiba. Sila ay sadyang dalawang magkaibang uri ng tao na tumatahak sa dalawang magkaibang landas. Kaya, mayroong mga kaibahan sa pagitan ng buhay ng mga tao, at ang mga ito ay hindi itinatakda ng kanilang mga magulang. Hindi maitatakda ng mga magulang kung magiging ano ang uri ng buhay ng kanilang mga anak, o sa kung anong uri ng mga kapaligiran isisilang ang kanilang mga anak. Hindi ang mga magulang mo ang mga tagapamahala ng iyong buhay o ng iyong kapalaran. Ang buhay ay hindi ibinibigay sa mga tao ng kanilang mga magulang—ang kapalaran ba ng isang tao ay isang mas malaki o mas maliit na bagay kaysa sa kanyang buhay? Para sa mga tao, kapwa malalaking bagay ang mga ito. Bakit ganoon? Dahil ang mga ito ay hindi mga bagay na kayang unawain, isakatuparan, o kontrolin ng mga tao gamit ang kanilang mga likas na gawi, abilidad, o kakayahan. Ang kapalaran at takbo ng buhay ng mga tao ay itinatakda at pinamumunuan ng Diyos. Walang taong makagagawa ng anumang mga pasya hinggil sa dalawang ito. Hindi ikaw o ang iyong mga magulang ang magpapasya kung saang pamilya ka isisilang, o kung ano ang mga magiging magulang mo sa buhay na ito. Pasibo rin ang pagsilang sa iyo ng iyong mga magulang. Kaya, hindi rin maitatakda ng iyong mga magulang kung ano ang magiging takbo ng iyong kapalaran, hindi nila maitatakda kung ikaw ba ay magiging napakayaman at napakasagana sa iyong buhay, mahirap at aba, o isang karaniwang tao lamang; hindi nila maitatakda kung saan ka pupunta sa buhay na ito, kung saang lugar ka titira, o kung ano ang magiging kalagayan ng iyong pag-aasawa, kung kumusta ang magiging mga anak mo, o sa kung anong uri ng materyal na kapaligiran ka mamumuhay, at iba pa. Mayroong mga taong bago sila magkaanak ay asensado ang pamilya nila, may maisusuot at makakain, at may sobra-sobrang salapi, ngunit nang lumaki na ang kanilang anak, nilustay nito ang kayamanan ng kanilang pamilya, at gaano man kalaki ang kinikita ng mga magulang na iyon, hindi nila mabawi ang lahat ng perang sinayang ng kanilang gastador na anak. Mayroon ding mga taong mahirap, subalit ilang taon matapos silang magkaanak, nagsimulang umunlad ang negosyo ng kanilang pamilya, gumanda ang kanilang buhay, umayos nang husto ang takbo ng mga bagay-bagay, at patuloy ring umunlad ang kanilang kapaligiran. Kita mo na, ang mga ito ay pawang mga bagay na hindi inaasahan ng mga magulang na ito, hindi ba? Hindi maitatakda ng mga magulang ang kapalaran ng kanilang mga anak, at likas na wala rin silang kinalaman sa kapalaran ng kanilang mga anak. Ang uri ng landas na tinatahak mo, kung saan ka pumupunta at kung anong mga tao ang nakatatagpo mo sa buhay na ito, gaano karaming sakuna ang kinakaharap mo, gaano karaming dakilang bagay at gaano kalaking yaman ang dumarating sa iyo—ang lahat ng bagay na ito ay walang kaugnayan sa iyong mga magulang, o sa kanilang mga ekspektasyon. Ang bawat magulang ay nangangarap na umangat ang kanilang anak sa mundo, ngunit lagi bang natutupad ang pangarap na ito? Hindi laging ganoon. May ilang anak na umaangat nga sa mundo, gaya ng ninanais ng kanilang mga magulang, at sila ay nagiging matataas na opisyal, yumayaman, at nakapamumuhay nang maginhawa, subalit nagkakasakit at namamatay ang mga magulang nila sa loob ng ilang taon nang hindi natatamasa ang magandang kapalarang ito o nakakasalo sa tagumpay na ito. May kinalaman ba ang kapalaran ng isang tao sa kanyang mga magulang? Wala. Hindi ibig sabihin na maisasakatuparan mo ang anumang ekspektasyon ng iyong mga magulang sa iyo. Ang kapalaran ng isang tao ay walang kinalaman sa kanyang mga magulang, at hindi maitatakda ng mga magulang ng isang tao ang kanyang kapalaran. Kahit na ipinanganak ka ng iyong mga magulang, at kahit na gumawa sila ng maraming bagay para maitatag ang pundasyon ng iyong mga inaasam, iyong mga mithiin, at ang iyong kapalaran sa hinaharap, hindi nila maitatakda kung ano ang iyong kapalaran o ang iyong landas sa buhay sa hinaharap—ang mga bagay na ito ay walang kinalaman sa kanila. Samakatuwid, hindi ang mga magulang mo ang mga tagapamahala ng iyong kapalaran, at hindi nila mababago ang kahit ano tungkol sa iyo. Kung nakatadhana kang maging mayaman, kung gayon, gaano man kahirap o kawalang-kakayahan ang mga magulang mo, makakamit mo ang yaman na dapat mong makamit. Kung nakatadhana kang maging isang mahirap na tao, isang ordinaryong tao, o isang abang tao, kung gayon, gaano man kahusay ang iyong mga magulang, hindi ka nila matutulungan. Kung pinili ka ng Diyos, at isa ka sa mga hinirang ng Diyos, ibig sabihin, kung ikaw ay paunang itinalaga ng Diyos, gaano man kamakapangyarihan o kahusay ang iyong mga magulang, hindi nila mahahadlangan ang pananampalataya mo sa Diyos, kahit pa naisin nila. Sapagkat nakatadhana kang maging miyembro ng sambahayan ng Diyos at isa sa mga hinirang Niya, hindi mo ito matatakasan. Ang kapalaran ng isang tao ay nauugnay lamang sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at ordinasyon ng Diyos; wala itong kinalaman sa mga ninanais at ekspektasyon ng kanilang mga magulang. Natural na wala rin itong kinalaman sa mga hilig, libangan, katangian, inaasam, kakayahan, o abilidad ng indibidwal na iyon. Samakatuwid, batay sa katotohanang “Hindi ang mga magulang mo ang mga tagapamahala ng iyong buhay o ng iyong kapalaran,” paano mo dapat harapin ang mga ekspektasyon ng iyong mga magulang? Dapat mo bang tanggapin nang buo, balewalain, o makatwirang harapin ang mga ito? Pagdating sa usapin ng iyong buhay o ng iyong kapalaran, ang mga magulang mo ay mga normal na tao lamang, maaari nilang asahan ang anumang gusto nila, at maaari nilang sabihin ang anumang gusto nila. Hayaan silang sabihin kung ano ang gusto nila, at gawin mo lang ang dapat mong gawin. Hindi na kinakailangang makipagtalo sa kanila, dahil anuman ang tunay na sitwasyon ng mga bagay-bagay, iyon na talaga ang magiging takbo ng mga ito. Hindi ito nagmumula sa anumang argumento, at hindi ito nagbabago batay sa kalooban ng tao. Hindi mo maitatakda ang sarili mong kapalaran, lalo na ang iyong mga magulang! Hindi ba’t totoo iyon? (Totoo.) Kahit na mas nakatatanda sa iyo ang iyong mga magulang, wala pa rin silang kaugnayan o koneksiyon sa iyong kapalaran. Hindi dapat subukang diktahan ng iyong mga magulang ang iyong kapalaran dahil lang sa lubos silang mas matanda sa iyo, at dahil sa isang henerasyon ang tanda nila sa iyo. Hindi ito makatwiran, at ito ay kasuklam-suklam. Samakatuwid, sa tuwing may masasabi ang iyong mga magulang tungkol sa landas na tinatahak mo sa buhay, o sa kanilang mga ekspektasyon sa iyo, dapat mo itong harapin nang mahinahon at makatwiran, dahil hindi sila ang tagapamahala ng iyong kapalaran. Sabihin mo sa kanila: “Nasa mga kamay ng Diyos ang kapalaran ko—hindi ito kayang baguhin ng sinuman.” Walang taong may kakayahang kontrolin ang sarili niyang kapalaran o ng ibang tao, at ang mga magulang mo ay hindi rin kwalipikadong gawin ito. Ang iyong mga ninuno ay hindi kwalipikadong gawin ito, lalo na ang iyong mga magulang. Sino lang ang kwalipikado? (Ang Diyos lamang.) Tanging ang Diyos ang kwalipikadong mamuno sa kapalaran ng mga tao.
Inaamin ng ilang tao, sa teorya, na: “Hindi makapanghihimasok ang mga magulang ko sa aking kapalaran. Bagamat sila ang nagsilang sa akin, hindi sila ang nagbigay sa akin ng buhay, kundi ang Diyos. Ang lahat ng mayroon ako ay ibinigay sa akin ng Diyos. Pinalaki lang ako ng Diyos hanggang sa hustong gulang sa pamamagitan nila, at binigyan ako ng Diyos ng lakas na mabuhay hanggang ngayon. Ang totoo, ang Diyos ang nagpalaki sa akin.” Mahusay at malinaw nilang binibigkas ang mga salitang ito, ngunit sa ilang natatanging sitwasyon, hindi madaig ng mga tao ang kanilang pagmamahal, o matanggap ang pahayag na: “Hindi ang mga magulang mo ang mga tagapamahala ng iyong buhay o ng iyong kapalaran.” Sa ilang natatanging sitwasyon, ang mga tao ay mapangingibabawan ng kanilang mga damdamin at mahuhulog sa mga tukso, o magiging mahina. Dahil dinanas nila ang pang-uusig at pagkondena ng gobyerno at ng mundo ng relihiyon at sila ay inaresto at pinakulong, ang ilang mananampalataya sa Diyos ay nagiging determinado na hindi sila kailanman magiging Hudas, at hinding-hindi nila ipagkakanulo ang sinuman sa kanilang mga kapatid, o ang anumang impormasyon tungkol sa iglesia, kahit anong uri pa ng pagpapahirap ang danasin nila—mas gugustuhin pa nilang mamatay kaysa maging Hudas. Dahil dito, pinahihirapan at binubugbog sila hanggang sa hindi na sila mukhang tao, ang mga mata nila ay sobrang namamaga na halos hindi na sila makamulat at hindi na makakita nang malinaw, ang kanilang mga tainga ay nabibingi, ang kanilang mga ngipin ay natatanggal, ang mga sulok ng kanilang bibig ay nagsusugat at dumudugo, hindi na makagalaw nang maayos ang kanilang mga binti, namamaga at nababalot ng mga pasa ang kanilang buong katawan. Subalit, gaano man sila pinapahirapan, hindi sila nagkakanulo—determinado silang huwag maging Hudas, at manindigan sa kanilang patotoo para sa Diyos. Hanggang ngayon, mukha silang malakas, at nagtataglay ng patotoo, hindi ba? Dumaan sila sa pagpapahirap at pananakot nang hindi nagiging Hudas, at pinapahirapan sila nang ganito sa loob ng maraming araw at gabi. Kapag nakakita ang isang diyablo ng ganitong tao, iniisip nito: “Talagang matigas ang taong ito, nalason na siya nang husto. Talagang naging maka-Diyos na siya. Napakabata pa niya, at pinahirapan na siya nang husto nang hindi nagbibitaw ng kahit isang salita. Ano ang gagawin ko rito? Mukhang isa siyang importanteng tao, marahil ay marami siyang alam tungkol sa iglesia. Kung makakakuha ako ng ilang impormasyon mula sa kanyang bibig, maaaresto namin ang maraming tao, at kikita kami ng maraming pera!” Pagkatapos ay nagsisimula ang diyablo na pag-isipan ito: “Paano ko siya mapagsasalita, para mailantad niya ang ilang impormasyon tungkol sa ilang tao? Ang lahat ng malalakas na tao ay may mga kahinaan din—tulad ng mga taong nagsasanay sa kung fu. Kahit gaano pa kahusay ang isang tao sa kung fu, sa huli ay mayroon pa rin siyang Achilles heel. Ang bawat tao ay may mahinang parte, kaya’t puntiryahin natin ang sa kanya. Ano ang kanyang kahinaan? Nabalitaan kong nag-iisang anak lang siya, at na masyado siyang pinalayaw ng kanyang mga magulang simula pagkabata niya. Balita ko ay talagang nagmamalasakit sila sa kanya at mahal na mahal siya, at na tunay siyang mabuting anak sa kanila. Kung susunduin ko ang kanyang mga magulang, at gagamitin ko sila para impluwensiyahan ang isipan niya, marahil ay gagana ito kung sila ang kakausap sa kanya.” Pagkatapos, susunduin ng diyablo ang kanyang mga magulang. Hulaan mo kung ano ang mangyayari sa sandaling makita ng taong ito ang kanyang mga magulang? Bago niya makita ang mga magulang niya, inisip niya: “O Diyos, determinado akong manindigan sa aking patotoo. Talagang hindi ako magiging isang Hudas!” Ngunit sa sandaling makita niya ang kanyang mga magulang, halos madurog ang puso niya. Ang una niyang nararamdaman ay, “Binigo ko ang aking mga magulang, tiyak na napakasakit para sa kanila na makita akong ganito,” at pagkatapos ay magugupo siya ng emosyon. Iginigiit pa rin niya sa kanyang puso na: “Hindi ako magiging Hudas, kailangan kong manindigan sa aking patotoo para sa Diyos. Hindi ako tumahak sa maling landas, tinatahak ko ang tamang landas sa buhay. Dapat kong ipahiya si Satanas at patotohanan ang Diyos!” Sa puso niya, matatag siya, at paulit-ulit niya itong iginigiit, ngunit hindi na ito kinakaya ng damdamin niya, at sa isang iglap ay malapit nang madurog ang kanyang puso. Ano sa palagay mo ang mararamdaman ng kanyang mga magulang kapag nakita nila ang kanilang anak na pinapahirapan nang ganito? Hindi Ako magsasalita tungkol sa ama niya, ngunit ang puso ng kanyang ina ay nadudurog. Kapag nakikita ng ina na pinapahirapan ang kanyang anak hanggang sa puntong hindi na ito mukhang tao, mararamdaman ng ina ang matinding pagkabagabag, pagkabalisa, at pasakit, at manginginig siya habang lumalapit sa kanyang anak. Ano ang magiging reaksiyon mo sa ganoong sandali? Hindi ka maglalakas-loob na tumingin, hindi ba? Tingnan mo, wala ka pang sinasabi, wala pang sinasabi ang iyong mga magulang, ngunit nasisiraan ka na ng loob, hindi mo madaig ang iyong mga damdamin. Iisipin mo: “Matanda na ang mga magulang ko, hindi na gaanong malakas ang katawan nila, at umaasa sila sa isa’t isa para makaraos. Nagsilang sila ng isang batang katulad ko, at hanggang ngayon ay hindi ko pa natutupad ang anumang ekspektasyon nila, at ang dami ko nang nabigay na problema sa kanila, pinahiya ko sila nang sobra, at kinailangan pa nila akong puntahan at makita sa ganitong kalagayan ng pagdurusa.” Hindi namamalayan na sa kaibuturan ng iyong puso, mararamdaman mo na hindi ka isang mabuting anak, na sinaktan at binigo mo ang iyong mga magulang, at na nag-aalala at dismayado sila sa iyo. Pareho kayong makakaramdam ng iyong mga magulang ng matinding paghihirap, dahil sa magkakaibang mga dahilan. Para sa mga magulang mo, ito ay dahil nalulungkot sila para sa iyo at hindi nila kayang makitang magdusa ka nang ganoon. Para sa iyo, ito ay dahil nakita mo kung gaano nalulungkot at nababagabag ang mga magulang mo, at hindi mo kayang makita silang malungkot at nag-aalala tungkol sa iyo. Hindi ba’t ang mga ito ay parehong epekto ng mga damdamin? Hanggang sa sandaling ito, maituturing pa rin na normal ang lahat ng ito, at hindi pa ito makakaapekto sa iyong paninindigan sa iyong patotoo. Ipagpalagay na sa sandaling iyon ay sasabihin ng iyong mga magulang: “Napakalusog at napakalakas mo noon, at ngayon ay binugbog ka nang ganito. Mula noong bata ka pa, trinato ka na namin bilang aming pinakamamahal. Hindi ka namin kailanman pinagbuhatan ng kamay. Paano mo hinayaang mangyari ito sa iyo? Kailanman ay hindi namin ginustong saktan ka; palagi ka naming pinahahalagahan at minamahal—‘iningatan ka namin nang husto, ayaw naming masaktan ka.’ Labis ka naming pinahalagahan, ngunit hindi iyon naging sapat. Ayos lang kung hindi mo kami alagaan, ngunit ngayon ay tumatanggi kang magbigay ng anumang impormasyon, labis kang nagdurusa, at hindi sumusuko sa kabila ng pagpapahirap sa iyo dahil nananampalataya ka sa Diyos at nais mong magpatotoo para sa Kanya. Bakit ganito katigas ang ulo mo? Bakit mo ipinipilit na manampalataya sa Diyos? ‘Ang iyong katawan ay ibinigay sa iyo ng iyong mga magulang.’ Tama ba ang ginagawa mo sa amin kung hinahayaan mong mangyari ito sa iyo? Kung talagang may mangyari sa iyo, sa tingin mo ay kakayanin pa ba naming magpatuloy sa buhay? Hindi kami umaasang aalagaan mo kami kapag matanda na kami o na ikaw ang magsasaayos ng aming lamay, gusto lang namin na maging maayos ka. Ikaw ang lahat para sa amin, kung hindi ka maayos, kung mawawala ka, paano kami magpapatuloy sa buhay? Sino pa ba ang mayroon kami kundi ikaw? May iba pa ba kaming pag-asa?” Talagang tatagos nang masakit sa iyo ang bawat salitang ito, parehong tutugon sa iyong mga emosyonal na pangangailangan, at pupukaw sa iyong damdamin at konsensiya. Bago sinabi ng mga magulang mo ang mga salitang ito, pinanghahawakan mo pa rin ang iyong paniniwala at ang iyong paninindigan sa kaibuturan ng iyong puso, ngunit pagkatapos nilang sabihin ang mga salitang ito ng pagkadismaya, hindi ba’t malulusaw ang depensa sa kaibuturan ng iyong puso? “‘Ang iyong katawan ay ibinigay sa iyo ng iyong mga magulang.’ Nagbitiw ka sa isang magandang trabaho, tinalikuran mo ang iyong magagandang oportunidad, at binitiwan mo ang isang magandang buhay. Iginigiit mong manampalataya sa Diyos, at hinayaan mo ang iyong sarili na masira nang ganito—tama ba ang ginagawa mo sa amin?” Mayroon bang sinuman na hindi maiiyak pagkatapos marinig ang pananalitang ito? May sinuman bang makakapagpigil na sisihin ang sarili pagkatapos marinig ang mga salitang ito? Maiiwasan ba niyang maramdaman na binigo niya ang kanyang mga magulang? May sinuman bang makakaramdam na ito ay si Satanas na tumutukso sa kanya? Maaari bang ang sinumang tao ay maaapektuhan lang nito sa emosyon, ngunit haharapin pa rin ito nang makatwiran? Maaari bang mapanatili ng sinuman ang kanyang paniniwala sa pahayag na, “Hindi ang mga magulang mo ang mga tagapamahala ng iyong buhay o ng iyong kapalaran, at hindi mo sila pinagkakautangan” matapos marinig ang pananalitang ito? Mayroon bang sinuman, sa kabila ng kahinaan ng damdamin, na hindi tatalikod sa kanyang tungkulin at obligasyon, at sa patotoo na dapat panindigan ng isang nilikha? Alin sa mga bagay na ito ang kaya mong tuparin? Kapag medyo masama lang ang loob mo, kung ang iyong damdamin ang pag-uusapan, napapaluha ka pa nga, at naaawa sa iyong mga magulang, ngunit nananalig ka pa rin sa salita ng Diyos, at kumakapit pa rin sa patotoong dapat mong panindigan, at pinanghahawakan mo pa rin ang tungkuling dapat mong gampanan, nang hindi nawawala ang patotoo, responsabilidad, at tungkuling mayroon ang isang nilikha sa harap ng Panginoon ng paglikha, kung gayon, ikaw ay maninindigan. Subalit kung makikita mo ang iyong ina na pinagsasabihan ka habang lumuluha ito, lubos kang maaapektuhan, iisipin mo na hindi ka isang mabuting anak, na nagkamali ka ng pasya, magsisisi ka at ayaw mo nang magpatuloy, gugustuhin mong talikuran ang patotoong dapat taglayin ng isang nilikha, at ang tungkulin, responsabilidad, at obligasyon na dapat tuparin ng isang nilikha, at babalik ka sa tabi ng iyong mga magulang, susuklian ang kanilang kabutihan, at pipigilan ang kanilang pagdurusa o pag-aalala para sa iyo, kung gayon ay hindi ka magkakaroon ng patotoo, at hindi ka magiging karapat-dapat na sundin ang Diyos. Ano ang sinabi ng Diyos sa mga sumusunod sa Kanya? (Hindi ba’t sinabi Niyang: “Kung ang sinumang tao’y pumaparito sa Akin, at hindi napopoot sa kanyang sariling ama, at ina, at asawang babae, at mga anak, at mga kapatid na lalaki, at mga kapatid na babae, oo, at pati sa kanyang sariling buhay man, ay hindi siya maaaring maging disipulo Ko” (Lucas 14:26)? Ang linyang ito ay nasa Bibliya.) Kung nahihigitan ng iyong pagmamahal sa iyong mga magulang ang iyong pagmamahal sa Diyos, kung gayon ay hindi ka karapat-dapat sumunod sa Diyos, at hindi ka kabilang sa Kanyang mga tagasunod. Kung hindi ka kabilang sa Kanyang mga tagasunod, kung gayon ay masasabing hindi ka isang mananagumpay, at na ayaw ng Diyos sa iyo. Sa pamamagitan ng pagsubok na ito, ikaw ay nalantad, hindi mo napanindigan ang iyong patotoo. Hindi ka sumuko sa pagpapahirap ni Satanas, ngunit ang ilang salita ng pagkadismaya mula sa iyong mga magulang ay sapat na iyon para bumigay ka. Isa kang duwag at ipinagkanulo mo ang Diyos. Hindi ka karapat-dapat na sumunod sa Diyos at hindi ka Niya tagasunod. Madalas sabihin ng mga magulang: “Wala na akong ibang hihilingin sa iyo, hindi ko hihilingin na maging sobra kang mayaman, inaasam ko lang na maging malusog at ligtas ka sa buhay na ito. Makita ko lang na masaya ka ay sapat na.” Kaya, kapag pinahihirapan ka, mararamdaman mo na binigo mo ang iyong mga magulang: “Hindi naman masyadong malaki ang hinihingi sa akin ng mga magulang ko, pero binigo ko pa rin sila.” Tama ba ang kaisipang ito? Binigo mo ba sila? (Hindi.) Kasalanan mo ba na pinagmalupitan ka ni Satanas? Kasalanan mo ba na binugbog ka nang husto, pinahirapan, at brutal na pinagmalupitan? (Hindi.) Si Satanas ang nagmalupit sa iyo, hindi mo winasak ang sarili mo. Tumatahak ka sa tamang landas, at ikaw ay tunay na tao. Ang iyong mga pasya at lahat ng iyong kilos ay nagpapatotoo para sa Diyos, at gumagampan sa tungkulin ng isang nilikha. Ito ang mga pagpapasya na dapat gawin ng bawat nilikha, at ang landas na dapat tahakin ng bawat nilikha. Ito ang tamang landas; hindi ito pagwawasak sa sarili. Bagamat pinahirapan ang iyong laman, at dumanas ng brutal, hindi makataong pagtrato, ang lahat ng ito ay para sa isang makatarungang layon. Hindi ito pagtahak sa maling landas, hindi ito pagwasak sa iyong sarili. Ang magdusa ka sa laman, ang masailalim sa pananakit, at ang mapahirapan hanggang sa puntong hindi ka na mukhang tao, ay hindi nangangahulugan na binigo mo ang iyong mga magulang. Hindi mo kailangang magpaliwanag sa kanila. Ito ang iyong pasya. Nasa tamang landas ka sa buhay, sadyang hindi lang nila naiintindihan. Nag-iisip lamang sila mula sa perspektiba ng isang magulang, palaging gustong protektahan ka alang-alang sa kanilang mga damdamin, ayaw nilang makaranas ka ng pisikal na sakit. Ano ba ang matatamo ng kanilang pagnanais na protektahan ka? Makapagpapatotoo ba sila para sa iyo? Magagampanan ba nila ang tungkulin ng isang nilikha para sa iyo? Masusundan ba nila ang daan ng Diyos para sa iyo? (Hindi.) Tama ang iyong naging pasya, at dapat mong panindigan ito. Hindi ka dapat malinlang o maligaw ng mga salita ng iyong mga magulang. Hindi mo winawasak ang iyong sarili; tumatahak ka sa tamang landas. Sa iyong pagtitiyaga at sa lahat ng iyong kilos ay pinanghahawakan mo ang katotohanan, nagpapasakop ka sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos, at nagpapatotoo ka para sa Diyos sa harap ni Satanas, naghahatid ng kaluwalhatian sa pangalan ng Diyos. Tiniis mo lang ang pagdurusa ng brutal na pagmamalupit sa iyong laman, iyon lang. Ito ay pagdurusa na dapat tiisin ng mga tao; ito ang dapat ihandog ng mga tao sa Panginoon ng paglikha, at ito ang halagang dapat nilang bayaran. Ang buhay mo ay hindi nagmula sa iyong mga magulang, at ang iyong mga magulang ay walang karapatang magpasya kung anong landas ang iyong tatahakin. Wala silang karapatan na magpasya kung paano mo tatratuhin ang sarili mong katawan, o kung anong halaga ang babayaran mo upang makapanindigan ka sa iyong patotoo. Ayaw lang nilang magdusa ka ng pisikal na sakit, ito ay dahil sa mga pangangailangan ng mga damdamin ng kanilang laman, at dahil sa katunayan na silay ay nag-iisip mula sa perspektiba ng mga damdamin ng laman, iyon lang. Ngunit bilang isang nilikha, gaano man maghirap ang iyong laman, ito ay isang bagay na dapat mong tiisin. Ang mga tao ay kailangang magbayad ng maraming halaga para makamit ang kaligtasan at magampanan nang maayos ang tungkulin ng isang nilikha. Ito ang obligasyon at responsabilidad ng tao, at ito ang nararapat na ialay ng isang nilikha sa Panginoon ng paglikha. Dahil ang buhay ng mga tao ay nagmumula sa Diyos, at ang kanilang katawan ay nagmumula rin sa Diyos, ito ay pagdurusa na dapat tiisin ng mga tao. Samakatuwid, pagdating sa pagdurusang dapat tiisin ng mga tao, anuman ang uri ng pisikal na sakit na tinitiis ng iyong katawan, wala kang kailangang ipaliwanag sa iyong mga magulang. Sinasabi ng iyong mga magulang, “Ang iyong katawan ay ibinigay sa iyo ng iyong mga magulang,” pero ano ngayon? Bagamat ang mga tao ay isinilang at pinalaki ng kanilang mga magulang, hindi nangangahulugan na lahat ng mayroon sila ay galing sa kanilang mga magulang. Hindi ito nangangahulugan na ang mga tao ay dapat sumailalim sa pamimilit at panghihigpit ng kanilang mga magulang pagdating sa landas na tinatahak nila at sa mga halagang binabayaran nila. Hindi ito nangangahulugan na kailangang humingi ng pahintulot ang mga tao sa kanilang mga magulang upang matahak ang landas ng paghahangad sa katotohanan, o upang matupad ang tungkulin ng isang nilikha sa harap ng Panginoon ng paglikha. Samakatuwid, hindi mo kailangang magpaliwanag sa iyong mga magulang. Ang Siyang dapat mong paliwanagan ay ang Diyos. Hindi mahalaga kung nagdurusa ka o hindi, dapat mong ibigay ang lahat sa Diyos. Higit pa rito, kung sumusunod ka sa tamang landas, kung gayon ay tatanggapin at tatandaan ng Diyos ang lahat ng halagang binayaran mo. Dahil tatandaan at kikilalanin ng Diyos ang mga ito, magiging sulit ang pagbayad sa mga halagang iyon. Magdurusa ang iyong laman ng kaunting pisikal na sakit, ngunit ang mga halagang ito ay magbibigay sa iyo ng kakayahang makapanindigan sa iyong patotoo sa huli, upang matamo ang pagsang-ayon ng Diyos, at makamit ang kaligtasan, at tatandaan ng Diyos ang mga ito. Walang ibang maaaring maipagpalit para doon. Ang diumano’y mga ekspektasyon ng iyong mga magulang, o ang kanilang mga pamumuna sa iyo, ay hindi mahalaga at walang kabuluhan kapag ikinumpara sa tungkuling dapat mong gampanan, at sa patotoong dapat mong dalhin sa harapan ng Diyos, dahil ang paghihirap na tinitiis mo ay napakahalaga at napakamakabuluhan! Mula sa perspektiba ng isang nilikha, ito ang pinakamakabuluhan at pinakamahalagang bagay sa buhay. Samakatuwid, ang mga tao ay hindi dapat maging mahina at manlumo, o mahulog sa tukso dahil sa mga salita ng kanilang mga magulang, at lalong hindi sila dapat makaramdam ng panghihinayang, pagkakonsensiya, o na binigo nila ang kanilang mga magulang dahil sa mga sinabi ng mga ito. Dapat ikarangal ng mga tao ang pagdurusang tiniis nila, at sabihing: “Pinili ako ng Diyos, at binigyan Niya ng kakayahan ang aking laman na magbayad ng ganitong halaga, at marahas na abusuhin ni Satanas, upang magkaroon ako ng pagkakataong magpatotoo para sa Kanya.” Isang karangalan para sa iyo na mapili ng Diyos mula sa Kanyang napakaraming hinirang. Hindi mo ito dapat ikalungkot. Kung naninindigan ka sa iyong patotoo, at ipinapahiya mo si Satanas, kung gayon, ito ang pinakamalaking karangalan sa buhay para sa isang nilikha. Anumang uri ng karamdaman o epekto ang tinitiis ng iyong katawan pagkatapos itong brutal na mapagmalupitan, o gaano man kasakit para sa iyong pamilya at mga magulang na makita kang ganoon, hindi ka dapat mahiya o magalit, o makaramdam na binigo mo ang iyong mga magulang dahil dito, dahil ang lahat ng iyong nagawa ay pagbabayad ng halaga para sa isang makatarungang layon, at ito ay isang mabuting gawa. Walang taong kwalipikadong pumuna sa iyong mabubuting gawa, walang tao ang kwalipikado o may karapatang gumawa ng mga iresponsable, kritikal na komento o panghuhusga tungkol sa iyong pananampalataya sa Diyos, pagsunod sa Diyos, at paggampan sa iyong tungkulin. Tanging ang Panginoon ng paglikha ang kwalipikadong humusga sa iyong pag-uugali, sa mga halagang binayaran mo, at sa mga naging pasya mo. Walang ibang kwalipikadong humusga—wala sa kanila, kabilang na ang iyong mga magulang, ang kwalipikadong pumuna sa iyo. Kung sila ang mga taong pinakamalapit sa iyo, dapat ka nilang unawain, hikayatin, at pagaanin ang loob mo. Dapat ka nilang suportahan sa pagpupursige, sa paninindigan sa iyong patotoo, at sa pag-iwas na bumigay o sumuko kay Satanas. Dapat ka nilang ipagmalaki at dapat silang maging masaya para sa iyo. Dahil nagawa mong magpursige hanggang ngayon at hindi ka sumuko kay Satanas upang makapanindigan ka sa iyong patotoo, dapat nilang palakasin ang loob mo. Hindi ka nila dapat pigilan, at lalong hindi ka nila dapat sawayin. Kung may ginawa kang mali, magiging kwalipikado silang punahin ka. Kung tinahak mo ang maling landas, pinahiya ang Diyos, ipinagkanulo ang mga positibong bagay at ang katotohanan, kung gayon, magiging kwalipikado silang punahin ka. Subalit dahil lahat ng iyong kilos ay positibo, at tinatanggap at tinatandaan ng Diyos ang mga ito, kung pinupuna ka nila, ito ay dahil hindi nila matukoy ang kaibahan ng mabuti sa masama. Sila ang mali. Masama ang loob nila tungkol sa iyong pananampalataya sa Diyos, sa iyong pagtahak sa tamang landas, at sa pagiging mabuting tao mo—bakit ganoon, kapag inuusig ka ni Satanas, hindi ito ang kanilang pinupuna? Pinupuna ka nila dahil sa sarili nilang mga damdamin—ano ang ginawa mong mali? Hindi ba’t iniwasan mo lang na maging Hudas? Hindi ka naging Hudas, tumanggi kang makipagtulungan o makipagkompromiso kay Satanas, at dinanas mo ang pagpapahirap at hindi makataong pagtrato na ito upang makapanindigan sa iyong patotoo—ano ang mali roon? Wala kang ginawang mali. Mula sa perspektiba ng Diyos, nagagalak Siya para sa iyo, ipinagmamalaki ka Niya. Gayunpaman, ikinahihiya ka ng iyong mga magulang, at pinupuna nila ang iyong mabubuting gawa—hindi ba’t ito ay kagaya ng pagkalito sa kung alin ang puti at itim? Mabubuting magulang ba ang mga ito? Bakit hindi si Satanas ang pinupuna nila, at ang masasamang tao at diyablo na nagmamalupit sa iyo? Bukod sa hindi ka nakatatanggap ng anumang kaginhawahan, panghihikayat, o suporta mula sa iyong mga magulang, sa kabaligtaran, pinupuna at pinagagalitan ka pa nila, samantalang anuman ang masamang ginagawa ni Satanas, hindi nila ito kinokondena o sinusumpa. Hindi sila nangangahas na magsabi ng ni isang masamang salita tungkol dito o na sawayin ito. Hindi nila sinasabing: “Paano mo nagagawang pahirapan ang isang mabuting tao nang ganito? Ang ginawa lang niya ay manampalataya sa Diyos at tumahak sa tamang landas, hindi ba? Wala siyang ninakaw na anuman o hindi niya ninakawan ang sinuman, wala siyang nilabag na batas, kaya bakit ninyo siya pinapahirapan nang ganito? Dapat ay hinihikayat ninyo ang mga taong katulad niya. Kung ang lahat ng tao sa lipunan ay mananampalataya sa Diyos at tatahak sa tamang landas, kung gayon, hindi na mangangailangan ng mga batas ang lipunang ito, at hindi na magkakaroon ng anumang krimen.” Bakit hindi nila pinupuna si Satanas nang ganito? Bakit hindi sila nangangahas na punahin ang mga Satanas at diyablo na nagmamalupit sa iyo? Sinasaway ka nila sa pagtahak sa tamang landas, ngunit kapag gumagawa ng masasamang gawa ang masasamang tao, lihim nilang sinasang-ayunan ang mga ito. Ano ang tingin mo sa mga magulang na ito? Dapat ka bang maawa sa kanila? Dapat ka bang maging mabuting anak sa kanila? Dapat mo ba silang mahalin sa puso mo? Karapat-dapat ba sila sa iyong pagiging mabuting anak? (Hindi.) Hindi sila karapat-dapat. Hindi nila matukoy ang tama sa mali, o ang mabuti sa masama. Sila ay isang pares ng mga taong naguguluhan. Bukod sa mga damdamin, wala na silang ibang naiintindihan. Hindi nila naiintindihan kung ano ang hustisya, o kung ano ang ibig sabihin ng pagtahak sa tamang landas, hindi nila alam kung ano ang mga negatibong bagay, o kung ano ang masasamang pwersa, ang alam lang nila ay pangalagaan ang sarili nilang mga damdamin at ang kanilang laman. Bukod sa napakababaw na antas na ito ng mga ugnayan sa laman, ang tanging nilalamang ideya ng kanilang puso ay: “Hangga’t ligtas at maayos ang mga anak ko, magiging napakasaya ko na at mapupuno ako ng pasasalamat.” Iyon lang. Pagdating sa tamang landas sa buhay, mga makatarungang layon, o sa pinakamahalaga at pinakamakabuluhang bagay na maaaring gawin ng isang tao sa buhay na ito, hindi nila nauunawaan ang alinman sa mga bagay na ito. Hindi nila nauunawaan ang mga bagay na ito, at pinapagalitan ka nila dahil sa pagsunod sa tamang landas—talagang lubos silang naguguluhan. Ano ang tingin mo sa mga magulang na ito? Hindi ba’t isa silang pares ng matatandang diyablo? Dapat mong pagnilayan sa puso mo: “Ang dalawang matandang diyablong ito—hanggang ngayon ay nagdurusa ako sa napakaraming pambubugbog, at labis na pagpapahirap, sa mga araw na ito ay nananalangin ako sa Diyos buong araw at gabi, at binabantayan at inaalagaan Niya ako, kaya buhay pa rin ako hanggang ngayon. Nanindigan ako sa aking patotoo nang may matinding paghihirap, at sa ilang salita ay ganap ninyong itinatwa ito. Mali bang tahakin ko ang tamang landas? Mali bang gampanan ko ang tungkulin ng isang nilikha? Siguro naman ay hindi maling hindi ako naging Hudas? Ang dalawang matandang diyablong ito! ‘Ang iyong katawan ay ibinigay sa iyo ng iyong mga magulang’—lahat ng taglay ko ay malinaw na nagmumula sa Diyos, kayo ba ang nagbigay nito sa akin? Sadyang inorden lamang ng Diyos na kayo ang magsilang at magpalaki sa akin, na palakihin ako sa inyong mga kamay. Nababagabag kayo tungkol sa akin, at nasasaktan at sumasama ang loob ninyo para lang matugunan ang inyong emosyonal na mga pangangailangan. Natatakot kayo na kung mamatay ako, walang mag-aalaga sa inyo kapag kayo ay matanda na o na walang magsasaayos ng inyong lamay. Natatakot kayong pagtawanan ng mga tao, at na iisipin nilang pinahiya ko kayo.” Kung nakulong ka dahil nakagawa ka ng krimen, dahil nagnakaw ka ng isang bagay, o na ninakawan, dinaya, o niloko mo ang isang tao, maaaring ipaglaban ka nila, sasabihing: “Mabait ang anak ko, wala siyang ginawang masama. Hindi siya likas na masama, siya ay mabuting tao at mabait. Sadyang negatibong naimpluwensiyahan lamang siya ng masasamang kalakaran ng mundong ito. Sana ay maging maluwag sa kanya ang gobyerno.” Ipaglalaban ka nila, ngunit dahil tinatahak mo ang landas ng pananampalataya sa Diyos, dahil tinatahak mo ang tamang landas, hinahamak ka nila mula sa kaibuturan ng kanilang puso. Sa anong paraan ka nila hinahamak? “Tingnan mo nga ang ginawa mo sa sarili mo. Tama ba iyang ginagawa mo sa amin?” Dapat mong pag-isipan sa puso mo: “Ano ang ibig sabihin ng: ‘Tingnan mo nga ang ginawa mo sa sarili mo’? Tinatahak ko lang ang tamang landas sa buhay—ito ang tinatawag na pagiging totoong tao! Ito ay tinatawag na pagtataglay ng mabubuting gawa at patotoo; ito ay kalakasan. Tanging ang ganitong mga tao ang tunay na nagtataglay ng konsensiya at katwiran, at hindi mga duwag, walang kwenta, o mga Hudas. Anong ginawa ko sa sarili ko? Ito ang tunay na wangis ng tao! Bukod sa hindi kayo masaya para sa akin, sinasaway rin ninyo ako—anong klaseng mga magulang kayo? Hindi kayo karapat-dapat na maging mga magulang, dapat kayong sumpain!” Kung ganito ka mag-isip, iiyak ka pa rin ba kapag naririnig mo na sinasabi ng iyong mga magulang: “Ang iyong katawan ay ibinigay sa iyo ng iyong mga magulang, paanong hinayaan mong mawasak ang iyong sarili nang ganito”? (Hindi.) Ano ang iisipin mo pagkatapos marinig ang pananalitang iyon? “Malaking kalokohan. Tunay nga silang isang pares ng matatandang hangal! ‘Ang iyong katawan ay ibinigay sa iyo ng iyong mga magulang’—ni hindi mo nga alam kung sino ang nagbigay sa iyo ng iyong katawan, at ginagamit mo ang mga salitang ito para sawayin ako, talaga ngang naguguluhan ka! Malinaw na ang mga diyablo at si Satanas ang nagmamalupit sa akin. Bakit ka nalilito sa kung alin ang puti at itim at ako pa ang iyong pinupuna? Nilabag ko ba ang batas? May ninakaw ba ako o may ninakawan ba ako, may dinaya o niloko ba ako? Anong mga batas ang nilabag ko? Wala akong anumang batas na nilabag, pinagmalupitan ako nang ganito ni Satanas dahil sinusunod ko ang tamang landas. Wala akong ipinagkanulo na kahit isang salita hanggang ngayon, hindi ako naging Hudas—sino pa ba ang nagtataglay ng ganitong uri ng kalakasan? Bukod sa hindi mo ako pinupuri o hinihikayat, sinasaway mo pa ako. Isa kang diyablo!” Kung ganito ka mag-isip, hindi ka iiyak o manghihina, hindi ba? Hindi alam ng iyong mga magulang ang tama sa mali, pinagkakamalan nilang itim ang puti, dahil hindi sila nananampalataya sa Diyos, at hindi nila nauunawaan ang katotohanan. Nauunawaan mo ang katotohanan, kaya hindi ka dapat maimpluwensiyahan ng mga maladiyablong salita at ng mga maling paniniwala na sinasabi nila. Sa halip, dapat patuloy mong panghawakan ang katotohanan. Sa ganitong paraan, tunay kang makakapanindigan sa iyong patotoo. Hindi ba’t totoo iyon? (Totoo.)
Sabihin mo sa Akin, madali bang manindigan sa iyong patotoo? Una, dapat kang kumawala sa iyong mga damdamin, pangalawa, dapat mong maunawaan ang katotohanan. Sa paraang ito mo lamang hindi mararanasan ang anumang kahinaan, magagawang manindigan sa iyong patotoo, at makikilala at matatanggap ka ng Diyos sa mga ganitong espesyal na sitwasyon; saka ka lamang kikilalanin ng Diyos bilang isang mananagumpay at Kanyang tagasunod. Kapag nagtagumpay ka, kapag hindi mo binigo ang Diyos, sa halip na ang iyong mga magulang ang hindi mo binigo, magagawa mong bitiwan ang lahat ng ekspektasyon ng iyong mga magulang sa iyo, hindi ba? Hindi mahalaga ang mga ekspektasyon ng iyong mga magulang, walang saysay ang mga ito; ang pagtupad sa mga ekspektasyon ng Diyos, at ang paninindigan sa iyong patotoo para sa Diyos ang mga pinakamahalagang bagay, ang mga ito ang saloobin at mga paghahangad na dapat taglayin ng isang nilikha. Hindi ba’t totoo ito? (Totoo.) Kapag nanghihina ka, kapag naliligaw ka ng landas, lalo na kapag dinudumog at inuusig ka ng mga Satanas habang sumusunod ka sa tamang landas, o kaya ay itinataboy, kinukutya, at itinatakwil ka ng mga tao sa sekular na mundo, ang mga nasa paligid mo—ang iyong mga kamag-anak, kaibigan, at kakilala—ay mag-iisip na may ginawa kang kahiya-hiya, at walang sinuman ang makauunawa, manghihikayat, susuporta, o magbibigay-ginhawa sa iyo. Lalong walang sinumang tutulong sa iyo, magpapakita sa iyo ng daan, o magtuturo sa landas ng pagsasagawa. Kabilang dito ang mga magulang mo. Dahil wala ka sa kanilang tabi, hindi ka nagiging isang mabuting anak, o dahil hindi mo sila natutulungang mamuhay nang maayos o nasusuklian ang kanilang kabutihan dahil nananampalataya ka sa Diyos at ginagampanan mo ang iyong tungkulin, hindi ka nila mauunawaan. Ang perspektiba nila ay magiging kapareho ng sa mga tao sa sekular na mundo—iisipin nilang pinahiya mo sila, na wala silang nakuhang kapalit sa pagpapalaki sa iyo, na wala silang natanggap na mga pakinabang mula sa iyo, na hindi mo natupad ang kanilang mga ekspektasyon, na binigo mo sila, at na isa kang walang malasakit na ingrata. Hindi ka mauunawaan ng iyong mga magulang, at hindi ka nila mabibigyan ng anumang positibong gabay, lalo na ng iyong mga kamag-anak at kaibigan. Habang tumatahak ka sa tamang landas, tanging ang Diyos ang walang sawang nanghihikayat, tumutulong, nagbibigay-ginhawa, at nagtutustos sa iyo. Kapag pinahihirapan at sinasaktan ka sa kulungan, tanging ang salita ng Diyos at ang pananalig na ibinigay Niya sa iyo ang makapagpapalakas sa iyo sa bawat segundo, minuto, at araw. Kaya, kapag nagtitiis ka ng matinding pambubugbog, magagawa mong patuloy na gustuhing manindigan sa iyong patotoo para sa Diyos, na patuloy na umiwas sa pagiging Hudas, at patuloy na naising magbigay ng kaluwalhatian sa pangalan ng Diyos at ipahiya si Satanas, dahil sa salita ng Diyos at sa pananalig na ibinigay ng Diyos sa iyo. Magagawa mo ang mga bagay na ito sa isang aspekto dahil sa iyong determinasyon, at sa isa pang mas mahalagang aspekto, dahil sa gabay, pangangalaga, at pamumuno ng Diyos. Samantalang ang iyong mga magulang, kapag sa oras na kailangang-kailangan mo ng karamay at tulong, ang tanging iniisip pa rin nila ay ang kanilang sarili, sinasabi nilang isa kang walang malasakit na ingrata, na hinding-hindi sila makakaasa sa iyo sa buhay na ito, at na walang saysay ang pagpapalaki nila sa iyo. Hindi pa rin nila nakakalimutan na sila ang nagpalaki sa iyo, na nais nilang umasa sa iyo para matulungan silang mamuhay nang maganda, para mabigyan ng kaluwalhatian ang iyong mga ninuno, at para maging taas-noo sila at maipagmalaki ka sa harap ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan. Ang mga magulang na hindi nananampalataya sa Diyos ay hindi kailanman nakadarama ng karangalan at pagkamapalad dahil sa iyong pananampalataya. Sa kabaligtaran, madalas ka nilang pagsabihan dahil wala kang oras para bisitahin o alagaan sila dahil nananampalataya ka sa Diyos at abala ka sa pagtupad ng iyong tungkulin. Bukod sa pinagsasabihan ka nila, madalas ka rin nilang pinagagalitan, tinatawag kang isang “walang malasakit na ingrata” at “walang utang na loob na anak.” Hindi ba’t nararamdaman mong mahirap para sa iyo na tumahak sa tamang landas habang dala-dala ang masasamang katawagang ito? Hindi ba’t pakiramdam mo ay naaagrabyado ka? Hindi ba’t kailangan mo ang suporta, pampatibay-loob, at pang-unawa ng iyong mga magulang habang dinaranas mo ang mga bagay na ito? Hindi ba’t madalas mong nararamdaman na binigo mo ang iyong mga magulang? Dahil dito, ang ilang tao ay nakakaisip pa nga ng kahangalan: “Sa buhay na ito, hindi ako nakatadhanang magpakita ng pagkamabuting anak sa mga magulang ko o na manirahan kasama nila. Kung gayon, sa susunod na buhay ko ipapakita sa kanila ang pagiging mabuting anak!” Hindi ba’t kahangalan ang kaisipang ito? (Oo.) Hindi ka dapat nag-iisip nang ganito; dapat mong lutasin ang mga ito mula sa ugat. Tumatahak ka sa tamang landas, pinili mong gampanan ang tungkulin ng isang nilikha, at humarap sa Panginoon ng paglikha upang matanggap ang kaligtasan ng Diyos. Iyon lang ang tamang landas sa mundong ito. Tama ang ginawa mong pasya. Gaano man karami sa mga hindi nananampalataya, kabilang na ang iyong mga magulang, ang nagkakamali ng pagkaunawa sa iyo o nadidismaya sa iyo, hindi ito dapat makaapekto sa iyong pagpapasya na tumahak sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos o sa iyong determinasyon na gampanan ang iyong tungkulin, at hindi rin ito dapat makaapekto sa iyong pananalig sa Diyos. Dapat kang magtiyaga, dahil tumatahak ka sa tamang landas. Higit pa rito, dapat mong bitiwan ang mga ekspektasyon ng iyong mga magulang. Hindi sila dapat maging mga pabigat sa iyo habang tinatahak mo ang tamang landas. Sumusunod ka sa tamang landas, ginawa mo ang pinakatamang kapasyahan sa buhay; kung hindi ka sinusuportahan ng iyong mga magulang, kung palagi ka nilang pinagagalitan dahil sa pagiging isang walang malasakit na ingrata, mas lalong dapat mo silang makilatis, at bitiwan sila sa emosyonal na aspekto, at hindi magpapigil sa kanila. Kung hindi ka nila sinusuportahan, pinapatibay-ang-loob, o binibigyang-ginhawa, magiging ayos ka lang—hindi ka makapagkakamit o mawawalan ng anumang bagay kung mayroon ang mga bagay na ito o wala. Ang pinakamahalaga ay ang mga ekspektasyon ng Diyos para sa iyo. Hinihikayat ka ng Diyos, tinutustusan ka, at ginagabayan ka. Hindi ka nag-iisa. Kung wala ang mga ekspektasyon ng iyong mga magulang, magagampanan mo pa rin ang tungkulin ng isang nilikha, at sa batayang ito, magiging isang mabuting tao ka pa rin. Ang pagbitiw sa mga ekspektasyon ng iyong mga magulang ay hindi nangangahulugang wala ka nang etika at moral, at lalong hindi ito nangangahulugan na tinalikuran mo na ang iyong pagkatao, o moralidad at katarungan. Ang dahilan kung bakit hindi mo natupad ang mga ekspektasyon ng iyong mga magulang ay dahil pinili mo ang mga positibong bagay, at pinili mong gampanan ang tungkulin ng isang nilikha. Walang mali rito, ito ang pinakatamang landas. Dapat kang magtiyaga at manatiling matatag sa iyong pananampalataya. Posible na hindi mo makukuha ang suporta ng iyong mga magulang, at lalong hindi ang kanilang pagsang-ayon, dahil nananampalataya ka sa Diyos at ginagampanan mo ang tungkulin ng isang nilikha, ngunit hindi ito mahalaga. Hindi ito mahalaga, walang anumang nawala sa iyo. Ang pinakamahalagang bagay ay na kapag pinili mong tahakin ang landas ng pananampalataya sa Diyos at ng paggampan sa tungkulin ng isang nilikha, nagkakaroon ang Diyos ng mga ekspektasyon at mataas na inaasam para sa iyo. Habang nabubuhay sa mundong ito, kung malalayo ang mga tao sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak, makapamumuhay pa rin sila nang maayos. Siyempre, maaari silang mamuhay nang normal pagkatapos na mawalay sa kanilang mga magulang. Kapag nalalayo sila sa patnubay at mga pagpapala ng Diyos, saka sila nasasadlak sa kadiliman. Kung ikukumpara sa mga ekspektasyon ng Diyos sa mga tao at sa Kanyang patnubay, ang mga ekspektasyon ng magulang ay talagang hindi mahalaga at walang kabuluhan. Hindi mahalaga kung anong uri ng tao ang nais ng iyong mga magulang na tularan mo, o kung anong uri ng buhay ang inaasahan nilang ipamuhay mo sa emosyonal na antas, hindi ka nila ginagabayan sa tamang landas, o sa landas ng kaligtasan. Samakatuwid, dapat mong baguhin ang iyong pananaw, at bitiwan ang mga ekspektasyon ng iyong mga magulang mula sa kaibuturan ng iyong puso, at sa emosyonal na antas. Hindi mo dapat patuloy na balikatin ang ganitong uri ng pasanin, o makonsensiya sa iyong mga magulang dahil pinili mong gampanan ang tungkulin ng isang nilikha. Wala kang anumang ginawa para biguin ang sinuman. Pinili mong sundin ang Diyos at tanggapin ang Kanyang kaligtasan. Hindi ito pagpapabaya sa iyong mga magulang, sa kabaligtaran, dapat ipagmalaki at ikarangal ng iyong mga magulang dahil pinili mong gampanan ang tungkulin ng isang nilikha at tanggapin ang pagliligtas ng Lumikha. Kung hindi nila ito magagawa, hindi sila mabubuting tao. Hindi sila karapat-dapat sa iyong respeto, at hindi sila karapat-dapat sa iyong pagiging mabuting anak, at, siyempre, mas lalong hindi sila karapat-dapat sa iyong malasakit. Hindi ba’t totoo iyon? (Totoo.)
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.