Bakit ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ginagawa sa China at hindi sa Israel?

Agosto 14, 2020

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Sapagka’t mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil…, sabi ni Jehova ng mga hukbo” (Malakias 1:11).

“Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Saan man naroon ang bangkay, ay doon mangagkakatipon ang mga uwak” (Mateo 24:27-28).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang mga kapanahunan ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa alinmang yugto ng gawaing ito ang umalis sa Israel; ang mga iyon ay ang mga yugto ng gawain na isinakatuparan sa gitna ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehova ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagtatapos sa gawain ng pagpapapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang iba pang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na nagtutubos sa mga Ingles, ni ang Panginoon na nagtutubos sa mga Amerikano, kundi Siya ang Panginoon na nagtutubos sa mga Israelita, at sa Israel ang mga Judio ang Kanyang tinutubos. Sa totoo lang, ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng mga bagay. Siya ang Diyos ng buong sangnilikha. Hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Judio; Siya ang Diyos ng buong sangnilikha. Ang nakaraang dalawang yugto ng Kanyang gawain ay naganap sa Israel, at sa ganitong paraan, ilang mga pagkaintindi ang nabuo sa mga tao. Iniisip ng mga tao na si Jehova ay gumawa sa Israel at isinakatuparan ni Jesus Mismo ang Kanyang gawain sa Judea—bukod pa rito, sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao kaya Siya ay nasa gawain sa Judea—at anuman ang katayuan, ang gawain na ito ay hindi na lumawak sa labas ng Israel. Hindi Siya gumawa kasama ng mga taga-Egipto; hindi Siya gumawa kasama ng mga Indiyano; gumawa lamang Siya kasama ng mga Israelita. Dahil dito ang mga tao ay bumubuo ng sari-saring mga pagkaintindi; dagdag pa rito, pinaplano nila ang gawain ng Diyos sa loob ng isang tiyak na saklaw. Sinasabi nila na kapag ang Diyos ay gumagawa, dapat itong maisakatuparan sa gitna ng mga piniling tao at sa Israel; maliban sa mga Israelita, ang Diyos ay wala nang iba pang taga-tanggap ng Kanyang gawain, ni mayroon Siyang iba pang saklaw para sa Kanyang gawain; sila ay lalo pang mahigpit sa “pagdidisiplina” sa Diyos na nagkatawang-tao, hindi Siya pinapahintulutan na lumampas sa sakop ng Israel. Hindi ba lahat ng ito ay mga pagkaintindi ng tao? Ginawa ng Diyos ang lahat ng mga kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, at ginawa ang buong sangnilikha; paanong lilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa Israel lamang? Kung magkagayon, ano ang silbi para sa Kanya na gawin ang kabuuan ng Kanyang sangnilikha? Nilikha Niya ang buong mundo; naisakatuparan Niya ang Kanyang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala hindi lamang sa Israel kundi pati na rin sa bawat tao sa sansinukob. Kung sila man ay nakatira sa Tsina, sa Estados Unidos, sa United Kingdom o Rusya, isang inapo ni Adan ang bawat tao; silang lahat ay ginawa ng Diyos. Walang kahit isang tao ang nakakaalis mula sa saklaw ng sangnilikha ng Diyos, at walang kahit isang tao ang nakakatakas sa tatak na “inapo ni Adan.” Nilalang silang lahat ng Diyos, at lahat sila ay mga inapo ni Adan; sila rin ay mga ginawang tiwaling inapo nina Adan at Eva. Hindi lamang ang mga Israelita ang nilalang ng Diyos, kundi ang lahat ng tao; gayon pa man, isinumpa ang ilan sa mga nilikha, at pinagpala ang ilan. Maraming kanais-nais na mga bagay ang tungkol sa mga Israelita; ang Diyos sa simula ay gumawa nang kasama nila dahil sila ang mga taong pinakabahagyang-tiwali. Ang mga Tsino ay walang sinabi kung ihahambing sa kanila, at hindi man lamang makaaasang makakapantay nila; kaya, ang Diyos ay unang gumawa sa gitna ng mga tao ng Israel, at ang pangalawang yugto ng Kanyang gawain ay isinakatuparan lamang sa Judea. Bilang resulta nito, bumubuo ang mga tao ng maraming pagkaintindi at maraming patakaran. Sa totoo lang, kung kikilos Siya nang ayon sa mga pagkaintindi ng tao, ang Diyos ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita; sa ganitong paraan hindi Niya makakayanang palawakin ang Kanyang gawain tungo sa mga bansang Gentil, sapagka’t Siya ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita sa halip na Diyos ng buong sangnilikha. Sinabi ng mga propesiya na magiging dakila sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehova at kakalat sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehova—bakit nila sasabihin ito? Kung ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, kung gayon Siya ay gagawa lamang sa Israel. Karagdagan pa, hindi Niya palalawakin ang gawaing ito, at hindi Niya gagawin ang propesiyang ito. Dahil ginawa Niya ang propesiyang ito, kailangan Niyang palawakin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil at tungo sa bawat bansa at lugar. Dahil sinabi Niya ito, gagawin Niya ito. Ito ang Kanyang plano, dahil Siya ang Panginoong lumalang ng mga kalangitan at lupa at lahat ng bagay, at ang Diyos ng buong sangnilikha. Kung Siya man ay gumagawa kasama ang mga Israelita o sa buong Judea, ang gawaing ginagawa Niya ay ang gawain ng buong sansinukob at ang gawain ng buong sangkatauhan. Ang gawain na ginagawa Niya ngayon sa bansa ng malaking pulang dragon—sa isang bansang Gentil—ay gawain pa rin ng buong sangkatauhan. Maaaring maging batayan ang Israel para sa Kanyang gawain sa lupa; gayon din naman, maaari ding ang Tsina ang maging batayan para sa Kanyang gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Hindi ba natutupad na Niya ngayon ang hula na “ang pangalan ni Jehova ay magiging dakila sa mga bansang Gentil”? Ang unang hakbang ng Kanyang gawain sa gitna ng mga bansang Gentil ay tumutukoy sa gawaing ito na Kanyang ginagawa sa bansa ng malaking pulang dragon.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diyos ang Panginoon ng Lahat ng Nilikha

Kapag ang Tagapagligtas ay dumarating sa panahon ng mga huling araw, kung Siya ay tinatawag pa ring Jesus, at muling isinilang sa Judea, at ginawa ang Kanyang gawain sa Judea, samakatwid ito ay magpapatunay na nilikha Ko lamang ang bayang Israel at tinubos lamang ang bayang Israel, at na wala Akong kinalaman sa mga Gentil. Hindi kaya ito sasalungat sa Aking mga salita na “Ako ang Panginoon na lumikha ng mga kalangitan at lupa at lahat ng bagay”? Umalis Ako sa Judea at ginagawa ang Aking gawain sa gitna ng mga Gentil sapagka’t hindi lamang Ako ang Diyos ng bayang Israel, kundi ang Diyos ng lahat ng nilikha. Nagpapakita Ako sa gitna ng mga Gentil sa panahon ng mga huling araw dahil hindi lamang Ako si Jehova, ang Diyos ng bayan ng Israel, kundi, bukod diyan, dahil Ako ang Maylalang ng lahat ng Aking mga pinili sa gitna ng mga Gentil. Hindi Ko lamang nilikha ang Israel, Egipto, at Lebanon, kundi nilikha Ko rin ang mga bansang Gentil sa ibayo ng Israel. At dahil dito, Ako ang Panginoon ng lahat ng nilikha. Ginamit Ko lamang ang Israel bilang panimulang punto para sa Aking gawain, kinasangkapan ang Judea at Galilea bilang matibay na mga tanggulan ng Aking gawain ng pagtubos, at ginagamit ang mga bansang Gentil bilang base na mula kung saan Aking dadalhin ang buong kapanahunan sa katapusan. Ginawa Ko ang dalawang yugto ng gawain sa Israel (ang dalawang yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya), at naisasakatuparan Ko na ang dalawang karagdagang yugto ng gawain (ang Kapanahunan ng Biyaya at ang Kapanahunan ng Kaharian) sa buong mga lupain sa ibayo ng Israel. Sa gitna ng mga bansang Gentil, gagawin Ko ang gawaing panlulupig at sa gayon winawakasan ang kapanahunan.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”

Ang gawain ni Jehova ay ang paglikha sa mundo, ito ang simula; ang yugto na ito ng gawain ay ang katapusan ng gawain, at ito ang konklusyon. Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga napiling tao sa Israel, at ito ang simula ng isang bagong panahon sa pinakabanal sa lahat ng lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinasagawa sa pinakamarumi sa lahat ng bansa, upang hatulan ang mundo at ihatid ang kapanahunan sa isang katapusan. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto ay isinasagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay mapapaalis, ibibigay ang liwanag, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao nitong pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, at ang buong populasyon ay kinilalang mayroong isang Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat isa ay lubusang nakumbinsi, kung gayon ang katotohanang ito ay magagamit upang maisagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ng gawain ay makahulugan: Kapag natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain ng 6,000 taon ng pamamahala ay makakarating sa isang ganap na katapusan. Sa oras na yaong mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba’t ibang lugar. Sa gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng makabuluhang sagisag. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng nasa laman, kay Satanas, at ang mga mula sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang siyang mga pinakalubos na ginawang tiwali ng malaking pulang dragon, na siyang may pinakamasidhing pagsalungat sa Diyos, na ang pagkatao ay pinakamasama at marumi, at kaya sila ang mga orihinal na modelo ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Hindi ito nangangahulugan na ang ibang mga bansa ay walang anumang mga suliranin; ang mga pagkaintindi ng tao ay magkakaparehong lahat, at bagama’t ang mga tao sa mga bansang ito ay mayroong mahusay na kakayahan, kung hindi nila nakikilala ang Diyos, kung gayon tiyak na kinakalaban nila Siya. Bakit sinalungat at kinalaban din ng mga Judio ang Diyos? Bakit kinalaban din Siya ng mga Fariseo? Bakit pinagtaksilan ni Judas si Jesus? Sa panahong iyon, marami sa mga disipulo ang hindi nakakilala kay Jesus. Bakit, pagkatapos ipako sa krus si Jesus at muling nabuhay, ay hindi pa rin naniwala sa Kanya ang mga tao? Hindi ba pare-pareho lamang ang pagkamasuwayin ng tao? Ang mga tao ng Tsina ay ginawa lamang halimbawa, at kapag sila ay nilupig, sila ay magiging isang modelo at halimbawa at magsisilbing sanggunian para sa iba. Bakit Ko palaging sinasabi na kayo ay mga karagdagan sa Aking plano ng pamamahala? Sa mga tao sa Tsina naipakikita nang pinakabuong-buo at nabubunyag sa iba’t ibang mga anyo nito ang katiwalian, karumihan, di-pagkamakatuwiran, pagtutol, at ang pagiging-mapanghimagsik. Sa isang banda, sila ay may mahinang kakayahan, at sa kabilang banda, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan—ang lahat ay kaawa-awa at paurong. Ang kanilang katayuan, ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay makahulugan, at matapos maisagawa ang gawaing pagsusuri sa kabuuan nito, ang Kanyang mga susunod na gawain ay magiging higit na mabuti. Kung maisasakatuparan ang hakbang ng gawain na ito, kung gayon ang mga susunod na gawain ay matitiyak. Sa oras na matapos ang hakbang ng gawain na ito, makakamit nang lubusan ang dakilang tagumpay, at ang gawain ng panlulupig sa lahat ng dako ng buong sansinukob ay darating sa isang ganap na katapusan. Sa katotohanan, kapag nagtagumpay ang gawain sa inyo, ito ay magiging katumbas ng tagumpay sa lahat ng dako ng buong sansinukob. Ito ang kahalagahan ng kung bakit pinakilos Ko kayo bilang huwaran at uliran. Ang pagkasuwail, pagsalungat, karumihan, at kawalan ng katarungan—ang lahat ay matatagpuan sa mga taong ito, at sa kanila ay kumakatawan ang lahat ng pagkasuwail ng sangkatauhan. Sila ay tunay ngang mahalaga. Kaya, sila ay itinuturing na halimbawa ng panlulupig, at sa oras na sila ay nalupig na sila ay natural na magiging mga huwaran at uliran para sa iba.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 2

Ang lahat ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok na sa kalipunang ito ng mga tao. Nailaan na Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at isinakripisyo ang lahat para sa inyo; Kanyang nabawi na at naibigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Iyan ang dahilan kung bakit Ko sinasabing, kayo ang mapalad. Higit pa rito, nailipat na Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang hinirang na bayan, sa inyo, nang sa gayon ay lubusang maipamalas ang layunin ng Kanyang plano sa pamamagitan ninyong kalipunan ng mga tao. Samakatwid, kayo yaong mga tatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos. Marahil ay naaalala ninyong lahat ang mga salitang ito: “Sapagka’t ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan.” Dati, narinig na ninyong lahat ang kasabihang ito, ngunit walang nakaunawa ng tunay na kahulugan ng mga salita. Ngayon, alam na alam ninyo ang tunay na kahalagahan ng mga ito. Ang mga salitang ito ang isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw. At ang mga ito ay mangyayari doon sa mga malupit na pinahirapan ng malaking pulang dragon sa lupain kung saan ito namamalagi. Inuusig ng malaking pulang dragon ang Diyos at ito ang kaaway ng Diyos, kaya sa lupaing ito, yaong mga naniniwala sa Diyos ay isinasailalim sa panghihiya at pang-uusig. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga salitang ito ay magiging realidad sa inyong kalipunan ng mga tao. Habang ang gawain ay isinasakatuparan sa isang lupain na tumututol sa Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay sinasalubong ng labis na pang-aabala, at marami sa Kanyang mga salita ay hindi maisasakatuparan sa tamang panahon; kaya, ang mga tao ay pinipino dahil sa mga salita ng Diyos. Ito rin ay bahagi ng paghihirap. Labis na nakakapagod para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon, ngunit ito’y sa pamamagitan ng naturang paghihirap na gumagawa ang Diyos ng isang yugto ng Kanyang gawain upang ipamalas ang Kanyang karunungan at mga nakakamanghang gawa. Kinukuha ng Diyos ang pagkakataong ito upang gawing ganap itong kalipunan ng mga tao. Dahil sa pagdurusa ng mga tao, sa kanilang kakayahan, at sa lahat ng mala-satanas na disposisyon ng mga tao sa maruming lupaing ito, ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagdadalisay at paglupig nang sa gayon, mula rito, Siya ay maaaring magkamit ng kaluwalhatian at makamit yaong mga tumatayong saksi sa Kanyang mga gawa. Ito ang lubos na kabuluhan ng lahat ng sakripisyo na nagawa na ng Diyos para sa kalipunan ng mga taong ito. Ibig sabihin, ginagawa ng Diyos ang gawain ng panlulupig sa pamamagitan lamang niyaong mga sumasalungat sa Kanya. Ang paggawa lamang ng gayon ang magpapamalas ng dakilang kapangyarihan ng Diyos. Sa madaling salita, yaon lamang mga nasa maruming lupain ang karapat-dapat na magmana ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito lamang ang makapagbibigay ng katanyagan sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Iyan ang dahilan kung bakit Ko sinasabing ang kaluwalhatian ng Diyos ay nakakamit sa maruming lupain at mula sa mga yaon na naninirahan doon. Ito ang kalooban ng Diyos. Ito ay katulad din sa yugto ng gawain ni Jesus; maaari lamang Siyang maluwalhati sa kalagitnaan ng mga Fariseong umusig sa Kanya. Kung hindi dahil sa pang-uusig na iyon at sa pagkakanulo ni Judas, hindi sana napagtawanan o nakaranas ng paninirang-puri si Jesus, lalong hindi sana Siya ipinako sa krus, at sa gayon hindi sana Siya nagkamit ng kaluwalhatian kailanman. Saan man gumagawa ang Diyos sa bawat kapanahunan at saan man Siya gumagawa ng Kanyang gawain sa katawang-tao, Siya ay nagkakamit ng kaluwalhatian doon at doon ay nakakamit yaong mga ninanais Niyang makamit. Ito ang plano ng gawain ng Diyos, at ito ang Kanyang pamamahala.

Sa plano ng Diyos ng ilang libong taon, ang gawaing ginagawa sa katawang-tao ay nahahati sa dalawang bahagi: Ang una ay ang gawaing pagpapapako sa krus, na kung saan Siya ay niluluwalhati; ang pangalawa ay ang gawain ng panlulupig at pagpeperpekto sa mga huling araw, na sa pamamagitan nito Siya ay magkakamit ng kaluwalhatian. Ito ang pamamahala ng Diyos. Kaya, huwag ipapalagay na napakapayak ng gawain ng Diyos o ng tagubilin ng Diyos sa inyo. Lahat kayo ay mga tagapagmana ng sobra-sobra at walang-hanggang bigat ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito ay natatanging itinalaga ng Diyos. Sa dalawang bahagi ng Kanyang kaluwalhatian, ang isa ay ibinubunyag sa inyo; ang kabuuan ng isang bahagi ng kaluwalhatian ng Diyos ay ipinagkakaloob sa inyo nang sa gayon ay maaari itong maging inyong pamana. Ito ang pagpaparangal mula sa Diyos at ang Kanyang plano na itinalaga matagal nang nakalipas. Dahil sa kadakilaan ng gawaing nagawa ng Diyos sa lupain kung saan nananahan ang malaking pulang dragon, ang ganoong gawain, kung inilipat sa ibang lugar, ay matagal na sanang nagbunga ng maraming bunga at madali nang natanggap ng tao. At ang ganoong gawain ay napakadaling matatanggap ng mga kleriko sa Kanluran na naniniwala sa Diyos, dahil ang yugto ng gawain ni Jesus ay nagsisilbing halimbawa. Ito ang dahilan kung bakit hindi Niya nakakamit itong yugto ng gawain ng pagluluwalhati saan mang dako; iyan ay, kapag may tulong na nanggagaling mula sa lahat ng tao at pagkilala mula sa lahat ng bansa, walang dako para ang kaluwalhatian ng Diyos ay mamasdan. At ito’y ang tiyak na hindi-pangkaraniwang kahalagahan na taglay ng yugtong ito ng gawain sa lupaing ito.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?

Sa maraming lugar, nahulaan na ng Diyos ang pagkakamit sa isang grupo ng mga mananagumpay sa lupain ng Sinim. Dahil sa Silangan ng mundo makakamit ang mga mananagumpay, kaya walang duda na tatapak ang Diyos sa Kanyang ikalawang pagkakatawang-tao sa lupain ng Sinim, sa mismong kinapupuluputan ng malaking pulang dragon. Doon tatamuhin ng Diyos ang mga inapo ng malaking pulang dragon upang ito ay lubusang matalo at mapahiya. Nais gisingin ng Diyos ang mga matinding naghihirap na mga taong ito, upang ganap silang gisingin, at upang lumakad sila palabas ng hamog at tanggihan ang malaking pulang dragon. Nais silang gisingin ng Diyos mula sa kanilang panaginip, ipakilala sa kanila ang kakanyahan ng malaking pulang dragon, ibigay ang kanilang buong puso sa Diyos, umahon mula sa pang-aapi ng mga pwersang madilim, tumayo sa Silangan ng mundo, at maging patunay ng tagumpay ng Diyos. Pagkatapos lamang noon matatamo ng Diyos ang kaluwalhatian. Sa dahilang ito, dinala ng Diyos ang gawaing natapos sa Israel sa lupain kung saan namamalaging nakapulupot ang malaking pulang dragon at, halos dalawang libong taon pagkatapos umalis, ay dumating muli sa laman upang ipagpatuloy ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Sa paningin ng tao, naglulunsad ang Diyos ng bagong gawain sa katawang-tao. Nguni’t sa Diyos, ipinagpapatuloy Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, na may pagkakahiwalay lamang sa panahon ng ilang libong taon, at may pagbabago lamang sa lokasyon ng gawain at proyekto ng gawain.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 6

Kahit na ikaw ay isang Amerikano, Ingles, o anumang iba pang lahi, nararapat kang humakbang sa labas ng mga hangganan ng iyong sariling lahi, hinihigitan ang iyong sarili, at tingnan ang gawain ng Diyos mula sa pananaw ng isang nilalang. Sa ganitong paraan, hindi ka maglalagay ng mga hangganan sa mga yapak ng Diyos. Ito ay dahil, ngayon, maraming tao ang nag-iisip na imposibleng magpapakita ang Diyos sa isang partikular na bansa o sa gitna ng ilang tao. Napakalalim ng kabuluhan ng gawain ng Diyos, at napakahalaga ng pagpapakita ng Diyos! Paano masusukat ang mga ito ng mga pagkaintindi at pag-iisip ng tao? At kaya sinasabi Ko, dapat kang kumawala sa iyong mga pagkaintindi tungkol sa lahi o katutubong pinagmulan upang hanapin ang pagpapakita ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang hindi ka masisikil ng sarili mong mga pagkaintindi; sa ganitong paraan lamang magiging karapat-dapat kang salubungin ang pagpapakita ng Diyos. Kung hindi, lagi kang mananatili sa walang-hanggang kadiliman, at hindi kailanman makakamtan ang pagsang-ayon ng Diyos.

Ang Diyos ay ang Diyos ng buong lahi ng tao. Hindi Niya ipinalalagay ang Sarili Niya bilang pribadong pag-aari ng anumang bansa o lahi, kundi ginagawa ang gawaing ayon sa Kanyang plano, nang hindi napipigilan ng anumang anyo, bansa, o lahi. Marahil hindi mo kailanman naisip na itong anyo, o marahil tinatanggihan sa iyong saloobin ang anyong ito, o marahil ang bansa kung saan ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang Sarili at sa mga tao kung kanino ibinubunyag ang Kanyang Sarili ay sadya lamang hindi kinalulugdan ng lahat at sadya lamang na ang pinaka-napag-iiwanan sa lupa. Nguni’t ang Diyos ay may Kanyang karunungan. Sa Kanyang dakilang kapangyarihan at sa pamamagitan ng Kanyang katotohanan at Kanyang disposisyon, tunay na nagtamo na Niya ang isang grupo ng mga tao na kaisa Niya sa pag-iisip, at ng isang grupo ng mga tao na nais Niyang gawing ganap—isang grupong nalupig Niya, na, dahil natitiis ang lahat ng uri ng mga pagsubok at mga kapighatian at lahat ng uri ng pag-uusig, ay makakasunod sa Kanya hanggang sa katapus-tapusan. Ang layunin ng pagpapakita ng Diyos, malaya mula sa mga paninikil ng kahit na anong anyo o bansa, ay upang makaya Niyang matapos ang gawain alinsunod sa Kanyang plano. Gaya lamang ito nang ang Diyos ay nagkatawang-tao sa Judea, ang Kanyang pakay ay tapusin ang gawain ng pagpapapako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan. Nguni’t naniwala ang mga Judio na imposibleng magawa ito ng Diyos, at inisip nila na imposibleng magiging katawang-tao ang Diyos sa anyo ng Panginoong Jesus. Ang kanilang “imposible” ang naging batayan ng kanilang paghatol at pagkontra sa Diyos, at sa kahuli-hulihan ay humantong sa pagkawasak ng Israel. Ngayon, maraming tao ang nakagawa na ng parehong pagkakamali. Buong-kalakasan nilang ipinahahayag ang nalalapit na pagpapakita ng Diyos, nguni’t sila rin ang bumabatikos sa Kanyang pagpapakita; ang kanilang “imposible” ang muling nagkukulong ng pagpapakita ng Diyos sa loob ng mga hangganan ng kanilang imahinasyon. At sa gayon nakita Ko na ang maraming tao na bumubunghalit sa pagtawa matapos matagpuan ang mga salita ng Diyos. Nguni’t hindi ba ang pagtawang ito ay walang ipinagkaiba sa pambabatikos at pagsalangsang ng mga Judio? Hindi kayo nagpipitagan sa harap ng katotohanan, lalong hindi ninyo hinahangad ang katotohanan. Ang ginagawa lamang ninyo ay nagsusuri nang walang pakundangan at walang-pakialam na naghihintay lamang. Ano ang mapapala ninyo sa pagsusuri at paghihintay nang ganito? Maaari kayang makuha ninyo ang personal na patnubay ng Diyos? Kung hindi mo matatalos ang mga pagbigkas ng Diyos, paano ka magiging karapat-dapat na saksihan ang pagpapakita ng Diyos? Kung saan man nagpapakita ang Diyos, naroon ang pagpapahayag ng katotohanan, at naroroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga makakatanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging ang mga ganitong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos. Isantabi mo nga ang iyong mga pagkaintindi! Huminto at basahing mabuti ang mga salitang ito. Kung naghahangad ka para sa katotohanan, liliwanagan ka ng Diyos at mauunawaan mo ang Kanyang kalooban at Kanyang mga salita. Isantabi mo nga ang iyong mga pananaw tungkol sa “imposible”! Habang lalong naniniwala ang mga tao na imposible ang isang bagay, mas lalong maaari itong mangyari, sapagka’t ang karunungan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang mga iniisip ng Diyos ay higit pa sa mga iniisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay lampas pa sa kakayanan ng pag-iisip at pagkaintindi ng tao. Mas imposible ang isang bagay, lalong higit na mayroon itong katotohanang mahahanap; mas lampas sa pagkaintindi at imahinasyon ng tao ang isang bagay, lalong higit na ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos. Ito ay dahil, kahit saan pa Niya ipinakikita ang Sarili Niya, ang Diyos ay nananatiling Diyos, at ang Kanyang sangkap ay hindi kailanman magbabago dahil lamang sa lugar o paraan ng Kanyang pagpapakita. Ang disposisyon ng Diyos ay nananatiling pareho saanman naroon ang Kanyang mga yapak, at nasaan man ang mga yapak ng Diyos, Siya ay ang Diyos ng buong sangkatauhan, gaya ng ang Panginoong Jesus ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos din ng lahat ng tao sa Asya, Europa, at Amerika, at higit pa rito ay ang nag-iisa at natatanging Diyos ng buong sansinukob. Kaya hanapin natin ang kalooban ng Diyos at tuklasin ang Kanyang pagpapakita mula sa Kanyang mga pagbigkas, at sabayan ang Kanyang mga yapak! Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang mga salita at Kanyang pagpapakita ay sabay na umiiral, at ang Kanyang disposisyon at mga yapak ay bukas sa sangkatauhan sa lahat ng sandali. Minamahal na mga kapatiran, umaasa Akong makikita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at inuumpisahang sundan ang Kanyang mga yapak sa paghakbang ninyo tungo sa isang bagong kapanahunan, at pagpasok tungo sa magandang bagong langit at lupa na naihanda na ng Diyos para sa mga naghihintay sa Kanyang pagpapakita!

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply