Sa Unang Araw, ang Araw at Gabi ng Sangkatauhan ay Isinilang at Itinatag, Salamat sa Awtoridad ng Diyos

Abril 18, 2018

Tingnan natin ang unang talata: “At sinabi ng Diyos, ‘Magkaroon ng liwanag;’ at nagkaroon ng liwanag. At nakita ng Diyos ang liwanag, na ito ay mabuti, at inihiwalay ng Diyos ang liwanag sa kadiliman. At tinawag ng Diyos ang liwanag na Araw, at tinawag Niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw” (Genesis 1:3–5). Inilalarawan ng talatang ito ang unang kilos ng Diyos sa simula ng paglikha, at ang unang araw na pinalipas ng Diyos kung saan ay mayroong gabi at umaga. Ngunit ito ay isang hindi pangkaraniwang araw: Nagsimula ang Diyos na ihanda ang liwanag para sa lahat ng bagay, at, dagdag pa rito, hinati Niya ang liwanag mula sa kadiliman. Sa araw na ito, nagsimulang magsalita ang Diyos, at magkasamang umiral ang Kanyang mga salita at awtoridad. Nagsimulang makita ang Kanyang awtoridad sa lahat ng bagay, at ang kapangyarihan Niya ay kumalat sa lahat ng bagay bilang resulta ng Kanyang mga salita. Simula sa araw na ito, ang lahat ng bagay ay nabuo at naitatag dahil sa mga salita ng Diyos, sa awtoridad ng Diyos, at sa kapangyarihan ng Diyos, at nagsimula silang gumana, salamat sa mga salita ng Diyos, sa awtoridad ng Diyos, at sa kapangyarihan ng Diyos. Nang sinabi ng Diyos ang mga salitang “Magkaroon ng liwanag,” nagkaroon nga ng liwanag. Hindi sumabak ang Diyos sa anumang sapalaran; lumitaw ang liwanag bilang resulta ng Kanyang mga salita. Ito ang liwanag na tinawag ng Diyos na araw, at kung saan nakadepende pa rin ngayon ang tao para sa kanyang pag-iral. Sa pamamagitan ng utos ng Diyos, ang diwa at halaga nito ay hindi kailanman nagbago, at hindi ito kailanman naglaho. Ipinapakita ng pag-iral nito ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, at ipinoproklama ang pag-iral ng Lumikha. Pinagtitibay nito, nang paulit-ulit, ang pagkakakilanlan at katayuan ng Lumikha. Hindi ito bagay na di-nahahawakan, o ilusyon, kundi isang tunay na liwanag na makikita ng tao. Simula sa mga oras na iyon, dito sa mundong walang-laman na kung saan “ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman,” nagawa ang unang materyal na bagay. Ang bagay na ito ay nanggaling mula sa mga salita ng bibig ng Diyos, at lumitaw sa unang gawain ng paglikha ng lahat ng bagay dahil sa awtoridad at mga pagbigkas ng Diyos. Hindi nagtagal, inutusan ng Diyos na maghiwalay ang liwanag at kadiliman…. Nagbago at nakumpleto ang lahat dahil sa mga salita ng Diyos…. Tinawag ng Diyos itong liwanag na “Araw,” at tinawag Niya ang kadiliman na “Gabi.” Noong oras na iyon, ginawa ang unang gabi at ang unang umaga sa mundong nilayong likhain ng Diyos, at sinabi ng Diyos na ito ang unang araw. Ang araw na ito ang unang araw ng paglikha sa lahat ng bagay ng Lumikha, at ang simula ng paglikha ng lahat ng bagay, at ang unang pagkakataon na ang awtoridad at kapangyarihan ng Lumikha ay naipakita sa mundong ito na Kanyang nilikha.

Sa pamamagitan ng mga salitang ito, nagagawa ng tao na mamasdan ang awtoridad ng Diyos at ng mga salita ng Diyos, at gayundin ng kapangyarihan ng Diyos. Dahil Diyos lamang ang may angkin ng naturang kapangyarihan, kaya Diyos lamang ang mayroong naturang awtoridad; dahil angkin ng Diyos ang naturang awtoridad, kaya Diyos lamang ang mayroon ng naturang kapangyarihan. Maaari bang magtaglay ang sinumang tao o bagay ng awtoridad at kapangyarihang tulad nito? Mayroon bang sagot sa inyong mga puso? Bukod sa Diyos, mayroon bang nilikha o di-nilikha na may angkin ng gayong awtoridad? Nakakita na ba kayo ng halimbawa ng gayong bagay sa anumang libro o lathalain? Mayroon bang anumang tala na may isang lumikha ng kalangitan at lupa at ng lahat ng bagay? Wala ito sa anumang ibang libro o talaan; siyempre, ang mga ito ang tanging mga salita tungkol sa kagila-gilalas na paglikha ng Diyos sa mundo na may awtoridad at makapangyarihan, na nakatala sa Bibliya; ang mga salitang ito ay nangungusap para sa natatanging awtoridad at pagkakakilanlan ng Diyos. Maaari bang sabihing ang naturang awtoridad at kapangyarihan ay sumasagisag sa natatanging pagkakakilanlan ng Diyos? Maaari bang sabihin na ang mga iyon ay taglay ng Diyos, at ng Diyos lamang? Walang alinlangang ang Diyos Mismo lamang ang may angkin ng naturang awtoridad at kapangyarihan! Ang awtoridad at kapangyarihang ito ay hindi maaaring angkinin o palitan ng anumang nilikha o di-nilikha! Isa ba ito sa mga katangian ng natatanging Diyos Mismo? Nasaksihan na ba ninyo ito? Ang mga salitang ito ay mabilis at malinaw na nagpapaunawa sa mga tao sa katunayan na ang Diyos ay nagtataglay ng natatanging awtoridad, at natatanging kapangyarihan, at ng pinakamataas na pagkakakilanlan at katayuan. Mula sa pagbabahaginan sa itaas, masasabi ba ninyo na ang Diyos na pinaniniwalaan ninyo ay ang natatanging Diyos Mismo?

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman