Tagalog Christian Dance | "Naging Determinado Akong Sumunod sa Diyos" | Praise Song

Hunyo 9, 2025

I

Nananampalataya ako sa Diyos hanggang sa sandaling ito

at nakita ko sa wakas ang liwanag.

Naging baku-bako ang daan ng pag-uusig at kapighatian.

Masakit ang laging tumatakas, nang walang lugar na mapagpapahingahan.

Napakaraming gabi akong nagdasal, hindi makatulog.

Tinalikuran ako ng mga makamundong tao, iniwasan ng mga mahal ko.

Sa gitna ng tamis at pait, dagat ang niluha ko.

Pangalan lang ang kalayaang mayroon. Nasaan ang karapatang pantao?

Lubos kong kinamumuhian si Satanas at nananabik ako sa paghahari ni Cristo.

Ang kadiliman at kasamaan ng mundo

ang nagtutulak sa 'kin na hanapin ang liwanag ng buhay.

Si Cristo ang katotohanan, daan, at buhay,

at determinado akong sumunod, sumunod sa Kanya hanggang sa huli!

II

Hinahampas ng Diyos ang mga pastol, dumaranas tayo ng matitinding kapighatian.

Nagbabadya ang madidilim na ulap, nasa paligid ang sindak.

Ilang beses akong nag-agaw-buhay at nakaligtas sa bingit ng kamatayan.

Inalo ako ng mga salita ng Diyos, pinalalakas ako.

Sa labis na paghihirap, nakilala ko ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos.

Ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat,

pero mahina ang pananalig ng tao.

Labis na nakikinabang ang mga tao sa matitinding pagsubok.

Nakikilatis ko si Satanas at kinamumuhian ang malaking pulang dragon!

Ang malaking pulang dragon, napakababa at mabagsik,

ay nagtiwali at lumamon sa napakaraming kaluluwa.

Hindi madaling makamit ang katotohanan at buhay,

dapat kong mahalin ang Diyos at aluin ang puso Niya!

III

Kapag naaalala ko ang gawain ng Diyos, damang-dama ko kung gaano Siya kabuti.

Sa pagtanggap sa Kanyang paghatol, nagbago ang disposisyon ko.

Mas nakilala ko ang Diyos sa mga paghihirap ng pagkastigo at pagpipino.

Isang karangalan ang manampalataya sa Makapangyarihang Diyos.

Ang pagpoproklama at pagpapatotoo sa Diyos ay umaaliw sa puso ko;

tapat na ginagawa ang tungkulin ko, bagaman may paghihirap, nagagalak ako.

Maikli ang buhay, at ang mahalin ang Diyos ang pinakamasaya.

Ngayong napaglilingkuran ko ang Diyos, nasisiyahan ang puso ko!

Iniligtas ako ng Makapangyarihang Diyos, at binigyan ako ng tunay na buhay.

Natupad na ang matagal ko nang pinangarap, at magsusumikap ako para sa kinabukasan!

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin