Sino ang Nakaayon sa Diyos

Abril 30, 2020

I

Naipahayag na ng Diyos 'di mabilang na mga salita,

Kanyang kalooba't disposisyon,

gayunman 'di kaya ng mga tao

na makilala, maniwala o sumunod sa Kanya.

Ang iniisip n'yo lang ay pagpapala't gantimpala,

hindi kung paano makaayon sa Diyos

o 'di maging Kanyang kaaway.

Labis na nasiphayo ang Diyos sa inyo,

napakarami N'yang naibigay na sa inyo,

pero kaunti lang ang natamo mula sa inyo.

Ang mga nabubuhay sa Biblia o sa krus,

sa gitna ng batas o ayon sa doktrina,

o sa gitna ng gawaing ginagawa ngayon ng Diyos,

alin sa kanila ang nakaayon sa Kanya?

II

Ang inyong kayabangan, kasakiman, labis na paghahangad,

inyong pagkakanulo, pagsuway,

alin dito ang makatatakas sa pansin ng Diyos?

Siya'y inyong ipinapahiya, niloloko, dinaraya, sinisingil,

para sa mga sakripisyo'y kinikikilan Siya,

paano matatakasan ng lahat ng ito ang Kanyang kaparusahan?

Ang inyong masamang gawain ay patunay

ng pakikipag-alitan n'yo sa Diyos

at 'di n'yo pagtugma sa Kanya.

Ang mga nabubuhay sa Biblia o sa krus,

sa gitna ng batas o ayon sa doktrina,

o sa gitna ng gawaing ginagawa ngayon ng Diyos,

alin sa kanila ang nakaayon sa Kanya?

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger