Tagalog Testimony Video | "Nang si Mama ay Makulong"
Nobyembre 19, 2021
Matapos magdiborsyo ang mga magulang ng bida noong siya ay bata pa, siya at ang kanyang ina ay hindi na mapaghiwalay. Subalit nang siya ay labinlimang taong gulang, napilitan ang kanyang ina na lisanin ang kanilang tahanan nang tangkain itong tugisin at arestuhin ng CCP dahil sa pananampalataya sa Diyos. Mula sa puntong iyon, siya at ang kanyang ina ay sapilitang pinaghiwalay. Sa sumunod na labing isang taon, ang kanyang ina ay tatlong beses naaaresto at isinailalim sa pagpapahirap at muling pagtuturo sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Pinagmalupitan at pinahirapan ito. Sa tuwing naririnig ng bida ang tungkol sa pag-aresto sa kanyang ina, dumaranas siya ng maraming paghihirap at pagdurusa. Anong uri ng mga karanasan ang nagkaroon siya sa panahong ito? Paano silang mag-ina pinatnubayan ng Diyos sa mahirap na mga araw na iyon noong nakakulong ang kanyang ina? Para malaman, panoorin ang Nang si Mama ay Makulong.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video