Tagalog Christian Music Video | "Kapag Pumapasok ang Sangkatauhan sa Walang-Hanggang Hantungan"
Mayo 6, 2023
'Pag tao'y pumapasok sa walang-hanggang hantungan,
siya'y sasamba sa Lumikha.
At dahil tao'y nakamit na'ng walang hanggang kaligtasan,
siya'y wala nang hahangarin,
at 'di matatakot mabitag ni Satanas.
I
Malalaman ng tao'ng lugar niya.
Tungkulin niya'y gagawin, kahit 'di man husgahan.
Lahat ay likha lang ng Diyos, walang anumang ranggo.
Bawat isa'y gagampanan ang tungkulin niya.
Bawat isa'y gagampanan ang tungkulin niya.
Tao'y mabubuhay pa rin
sa isang maayos na mundong angkop sa mga tao.
Gagawin niya'ng tungkulin upang sambahin ang Lumikha
bilang sangkatauhan ng walang-hanggan.
II
Tao'y magkakamit ng buhay sa liwanag ng Diyos,
sa pangangalaga't proteksyon Niya,
kasama ang Diyos, kasama ang Diyos.
Tao'y hahantong sa maayos na buhay sa lupa,
at papasok sa tamang landas.
Anim-na-libong taong plano ng pamamahala ng Diyos
ang tatalo kay Satanas.
'Pag gawaing ito'y natapos saka lang
magsisimula ang buhay ng tao sa mundong ito,
magsisimula ang buhay ng tao sa mundong ito.
Sa gayon lang tao'y magkakaro'n ng magandang buhay.
Mababawi ng Diyos ang orihinal na layunin Niya
para sa paglikha ng tao
at orihinal na wangis ng tao,
at orihinal na wangis ng tao.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video