Tagalog Testimony Video | "Ano Ba ang Problema ng Pagkatakot sa Responsabilidad sa Aking Tungkulin?"
Agosto 21, 2025
Dati siyang nagsilbi bilang isang mangangaral sa iglesia. Dahil sa bulag na pagsunod sa iba, nagkamali siya sa pag-uulat tungkol sa isang lider ng distrito, na nakagambala sa gawain ng iglesia at nag-iwan sa kanya ng mga pagsalangsang. Kalaunan, nahalal siya bilang isang lider ng distrito, pero habang ginagampanan niya ang kanyang tungkulin, patuloy siyang umuurong at umiiwas na umako ng malalaking responsibilidad. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nagsimula siyang magnilay: Bakit palagi siyang takot na umako ng responsabilidad sa kanyang tungkulin? Anong mga kabatiran ang natamo niya sa pamamagitan ng kanyang paghahanap?
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video