Tagalog Christian Music "Ang Paggising sa katotohanan sa Iyong Banig ng Kamatayan ay Labis na Huli"

Abril 3, 2022

I

Maraming tao ang nagsasalita ng labis na kaalaman

ngunit sa huli, umiiyak sa kanilang banig ng kamatayan.

Kinamumuhian nila'ng sarili dahil sa pag-aaksaya ng kanilang buhay

at nabubuhay ng mahaba para sa wala.

Nauunawaan lamang nila ang mga doktrina,

pero katotohanan ay 'di maisakatuparan.

Sa halip na magpatotoo sa Diyos,

sila'y parang bubuyog na tumatakbo paroo't parito.

Sa bingit lamang ng kamatayan

na nakikita nila sa wakas ang totoo:

Nakikita nilang 'di talaga nila kilala ang Diyos,

at sila'y kulang sa tunay na patotoo.

Bakit 'di samantalahin ang araw?

Ba't 'di hanapin ang katotohanang mahal mo?

Bakit pa maghihintay hanggang bukas?

Hindi pa ba huli ang lahat?

Bakit 'di hanapin ang katotohanan,

magdusa para sa katotohanan habang ika'y nabubuhay?

Nais mo bang mamatay na may panghihinayang?

Kaya bakit naniniwala sa Diyos?

II

Maraming bagay kung saan ang mga tao'y

maaaring isakatuparan ang katotohanan

sa kaunting pagsusumikap,

at sa paggawa nito, binibigyang-kasiyahan ang Diyos.

Ngunit sinasapian ng mga demonyo ang kanilang puso,

kaya sila ay 'di makakilos para sa kapakanan ng Diyos.

Sa halip sila'y kumikilos alang-alang sa laman

at walang natatamo sa huli.

Ito ang dahilan bakit ligalig ang tao

at nagdurusa sa kahirapan.

Hindi ba ito ang mga pahirap ni Satanas?

Hindi ba ito ang katiwalian ng laman?

Huwag subukang lokohin ang Diyos nang walang laman na salita,

ngunit gumawa ng natitiyak na pagkilos.

Ano'ng silbi na linlangin ang iyong sarili?

Ano'ng mapapala ng pamumuhay para sa laman at katanyagan?

Bakit 'di samantalahin ang araw?

Ba't 'di hanapin ang katotohanang mahal mo?

Bakit pa maghihintay hanggang bukas?

Hindi pa ba huli ang lahat?

Bakit 'di hanapin ang katotohanan,

magdusa para sa katotohanan habang ika'y nabubuhay?

Nais mo bang mamatay na may panghihinayang?

Kaya bakit naniniwala sa Diyos?

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger