Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Tatlong Yugto ng Gawain | Sipi 31

Agosto 23, 2020

Ang mga huling araw ay kung kailan ang lahat ng bagay ay pagpapangkat-pangkatin ayon sa uri sa pamamagitan ng panlulupig. Ang panlulupig ay ang gawain sa mga huling araw; sa ibang salita, ang paghatol sa mga kasalanan ng bawa’t tao ay ang gawain sa mga huling araw. Kung hindi, paano mapagpapangkat-pangkat ang mga tao? Ang gawain ng pagpapangkat-pangkat na ginagawa sa inyo ay ang umpisa ng gayong gawain sa buong sansinukob. Pagkatapos nito, yaong mga nasa lahat ng lupain at bayan ay isasailalim din sa gawaing panlulupig. Nangangahulugan ito na ang bawa’t tao sa sangnilikha ay pagpapangkat-pangkatin ayon sa uri, haharap sa luklukan ng paghatol upang mahatulan. Walang tao at walang bagay ang makakatakas sa pagdurusa ng pagkastigo at paghatol na ito, at wala ring sinumang tao o bagay ang hindi papangkat-pangkatin ayon sa uri; ang bawa’t tao ay pagsasama-samahin ayon sa klase, dahil ang katapusan ng lahat ng bagay ay nalalapit na, at lahat ng nasa kalangitan at nasa lupa ay nakarating na sa wakas nito. Paano makatatakas ang tao sa mga huling araw ng pantaong pag-iral? Kaya, gaano katagal pa makapagpapatuloy ang inyong mga gawaing pagsuway? Hindi ba ninyo nakikita na napakalapit na ang inyong mga huling araw? Paanong hindi makikita ng mga gumagalang sa Diyos at nasasabik para sa Kanya ang araw ng pagpapakita ng katuwiran ng Diyos? Paanong hindi nila matatanggap ang huling gantimpala para sa kabutihan? Ikaw ba ay isa na gumagawa ng mabuti, o isa na gumagawa ng masama? Ikaw ba ay isa na tumatanggap ng matuwid na paghatol at pagkatapos ay sumusunod, o ikaw ba ay isa na tumatanggap ng matuwid na paghatol at pagkatapos ay sinusumpa? Nabubuhay ka ba sa harap ng luklukan ng paghatol nang nasa liwanag, o nabubuhay ka ba sa gitna ng kadiliman sa Hades? Hindi ba ikaw mismo ang nakakaalam nang pinakamalinaw kung ang iyong wakas ay isa ng gantimpala o isa ng kaparusahan? Hindi ba ikaw ang isa na nakaaalam nang pinakamalinaw at nakauunawa nang pinakamalalim na ang Diyos ay matuwid? Kaya, ano ba talaga ang wangis ng iyong pag-uugali at puso? Habang nilulupig Kita ngayon, kailangan mo pa ba talagang idetalye Ko para sa iyo kung ang iyong pag-uugali ay mabuti o masama? Gaano na karami ang iyong naisuko para sa Akin? Gaano kalalim ang pagsamba mo sa Akin? Hindi ba’t alam na alam mo sa sarili mo kung paano ka umaasal tungo sa Akin? Dapat mas alam mo kaysa kaninuman kung ano ang iyong kahahantungan! Totohanang sinasabi Ko sa iyo: nilikha Ko lamang ang sangkatauhan, at ikaw ay nilikha Ko, nguni’t hindi Ko kayo ipinasa kay Satanas; at hindi Ko rin sinadyang papagrebeldehin kayo o labanan Ako at samakatuwid ay maparusahan Ko. Hindi ba ang lahat ng kalamidad at paghihirap na ito ay dahil ang inyong mga puso ay sobrang matigas at ang inyong pag-uugali ay sobrang karumal-dumal? Kaya hindi ba ang inyong kahahantungan ay kayo mismo ang nagpasya? Hindi ba nalalaman ninyo sa inyong mga puso, higit sa kaninuman, kung paano kayo magwawakas? Ang dahilan kung bakit nilulupig Ko ang mga tao ay upang ibunyag sila, at upang mas matiyak ang iyong kaligtasan. Hindi ito upang itulak kang gumawa ng masama, o sadyang itulak kang lumakad papunta sa impiyerno ng pagkawasak. Pagdating ng panahon, lahat ng iyong matinding pagdurusa, ang pagtangis at pagngangalit ng iyong mga ngipin—hindi ba ang lahat ng ito ay magiging dahil sa iyong mga kasalanan? Kaya, hindi ba ang iyong sariling kabutihan o ang iyong sariling kasamaan ang pinakamahusay na paghatol sa iyo? Hindi ba ito ang pinakamahusay na katibayan kung ano ang iyong magiging wakas?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 1

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin