Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Tatlong Yugto ng Gawain | Sipi 30

Agosto 18, 2020

Ang kasalukuyang gawaing panlulupig ay naglalayong ipakita ang magiging katapusan ng tao. Bakit Ko sinasabi na ang pagkastigo at paghatol ngayon ay ang paghatol sa harap ng malaking puting trono sa mga huling araw? Hindi mo ba nakikita ito? Bakit ang gawaing panlulupig ang huling yugto? Hindi ba ito ay upang tiyak na ipamalas kung anong klaseng katapusan ang sasapitin ng bawa’t uri ng tao? Hindi ba ito ay para hayaan ang lahat, sa pagpapatuloy ng gawaing panlulupig ng pagkastigo at paghatol, na ipakita ang kanilang tunay na mga kulay at sa gayon ay mapangkat ayon sa kanilang uri pagkatapos? Sa halip na sabihing ito ay panlulupig sa sangkatauhan, baka mas maiging sabihin na ipinapakita nito kung ano ang uri ng magiging katapusan para sa bawa’t uri ng tao. Ito ay tungkol sa paghatol sa mga kasalanan ng mga tao at pagkatapos ay paghahayag ng iba’t ibang uri ng tao, sa gayon ay pinagpapasyahan kung sila ay masama o matuwid. Matapos ang gawaing panlulupig, susunod naman ang gawain ng paggantimpala sa mabuti at pagpaparusa sa masama. Ang mga tao na buung-buong sumusunod—ibig sabihin ang mga lubusang nalupig—ay ilalagay sa susunod na hakbang ng pagpapalaganap ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob; ang mga hindi nalupig ay ilalagay sa kadiliman at mahaharap sa kalamidad. Sa gayon, ang tao ay papangkatin ayon sa uri, ang mga gumagawa ng masama ay isasama sa masama, hindi na kailanman muling makakakita ng sikat ng araw, at ang mga matuwid ay isasama sa mabuti, upang tumanggap ng liwanag at mabuhay sa liwanag magpakailanman. Ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng bagay; ang katapusan ng tao ay maliwanag nang ipinakita sa kanyang mga mata, at ang lahat ng bagay ay papangkatin ayon sa uri. Paano, kung gayon, makatatakas ang mga tao sa dalamhati ng pagpapangkat ng bawa’t isa ayon sa uri? Ang iba’t ibang katapusan ng bawa’t klase ng tao ay inihahayag kapag ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng bagay, at ito ay ginagawa habang nasa gawain ng panlulupig sa buong sansinukob (kabilang ang lahat ng gawaing panlulupig, simula sa kasalukuyang gawain). Ang pagbubunyag ng katapusan ng buong sangkatauhan ay ginagawa sa harap ng luklukan ng paghatol, sa pagpapatuloy ng pagkastigo, at sa pagpapatuloy ng gawaing panlulupig sa mga huling araw. Ang pagbubukud-bukod sa mga tao ayon sa uri ay hindi pagbabalik sa mga tao sa kanilang orihinal na mga uri, dahil nang likhain ang tao noong panahon ng paglikha, mayroon lamang isang uri ng tao, ang tanging paghahati ay sa pagitan ng lalaki at babae. Walang maraming iba’t ibang uri ng mga tao. Pagkatapos lamang ng ilang libong taon ng katiwalian na lumitaw ang iba’t ibang uri ng mga tao, na ang ilan ay nasa sakop ng maruruming diyablo, ang ilan ay nasa sakop ng masasamang diyablo, at ang ilan, yaong mga naghahabol sa daan ng buhay, sa ilalim ng kapamahalaan ng Makapangyarihan sa lahat. Sa ganitong paraan lamang unti-unting umuusbong ang mga uri sa gitna ng mga tao, at sa gayon lamang naghihiwa-hiwalay ang mga tao tungo sa mga uri sa loob ng malaking pamilya ng tao. Nagkakaroon ng iba’t ibang “ama” ang lahat ng tao; hindi ito ang kalagayan na ang bawa’t isa ay ganap na nasa ilalim ng kapamahalaan ng Makapangyarihan sa lahat, sapagka’t labis ang pagiging mapanghimagsik ng tao. Ibinubunyag ng matuwid na paghatol ang tunay na sarili ng bawa’t tipo ng tao, walang anumang iniiwang nakatago. Ipinakikita ng bawa’t isa ang kanyang tunay na mukha sa liwanag. Sa puntong ito, ang tao ay hindi na ang dating siya, matagal nang naglaho ang orihinal na wangis ng kanyang mga ninuno, sapagka’t ang di-mabilang na mga inapo nina Adan at Eva ay matagal nang nabihag ni Satanas, hindi na kailanman muling malalaman ang langit-araw, at sapagka’t napuno na ang mga tao ng lahat ng uri ng mga lason ni Satanas. Kung kaya, ang mga tao ay mayroong kanilang angkop na mga hantungan. Bukod pa roon, sa batayan ng kanilang nagkakaibang mga lason na sila ay pinagbubukud-bukod ayon sa uri, na ang ibig sabihin ay pinagbubukud-bukod sila batay sa lawak ng pagkalupig sa kanila ngayon. Ang katapusan ng tao ay hindi isang bagay na paunang naitadhana sa simula ng paglikha ng mundo. Ito ay dahil sa pasimula ay mayroon lang iisang klase, ito ay ang sama-samang tinatawag na “sangkatauhan,” at ang tao ay hindi pa nagawang tiwali ni Satanas noong una, at lahat ng tao ay nabubuhay sa liwanag ng Diyos, nang walang kadilimang sumasapit sa kanila. Nguni’t matapos na ang tao ay nagawang tiwali ni Satanas, lahat ng tipo at uri ng tao ay lumaganap sa buong lupa—lahat ng tipo at uri ng tao na nanggaling sa isang pamilyang sama-samang pinangalanang “sangkatauhan” na binubuo ng mga lalaki at mga babae. Silang lahat ay inakay ng kanilang mga ninuno upang maligaw palayo sa kanilang pinakamatandang mga ninuno—ang sangkatauhang binubuo ng lalaki at babae (iyon ay, ang orihinal na sina Adan at Eva, ang kanilang pinakamatandang mga ninuno). Sa panahong iyon, ang tanging bayang ginagabayan ni Jehova ang mga buhay sa lupa ay ang mga Israelita. Ang iba’t ibang tipo ng mga tao na lumitaw mula sa buong Israel (ibig sabihin ay mula sa orihinal na angkan ng pamilya) ay naiwala pagkatapos ang paggabay ni Jehova. Itong mga sinaunang tao, na lubusang walang-muwang sa mga usaping tungkol sa mundo ng tao, ay sumama kalaunan sa kanilang mga ninuno upang mamuhay sa mga teritoryong kanilang inangkin, na nagpapatuloy magpahanggang sa ngayon. Sa gayon, sila ay nananatili pa ring walang-muwang tungkol sa kung paano sila napalayo kay Jehova, at tungkol sa kung paano sila nagawang tiwali hanggang sa araw na ito ng lahat ng uri ng maruruming diyablo at masasamang espiritu. Silang mga malalim na nagawang tiwali at nalason hanggang ngayon—silang mga hindi na masasagip sa kahuli-hulihan—ay wala nang pagpipilian pa kundi sumama sa kanilang mga ninuno, ang maruruming diyablo na gumawa sa kanilang tiwali. Silang mga maililigtas sa kahuli-hulihan ay pupunta sa naaangkop na hantungan ng sangkatauhan, nangangahulugang sa katapusang inilaan para sa mga naligtas at nalupig. Ang lahat ay gagawin upang iligtas ang lahat ng kayang mailigtas, nguni’t para sa mga taong manhid at walang-lunas, ang kanilang tanging pagpipilian ay ang sumunod sa kanilang mga ninuno papunta sa walang-hanggang kalaliman ng pagkastigo. Huwag mong isipin na ang iyong katapusan ay itinadhana sa pasimula at ngayon lang nabubunyag. Kung ganyan ka mag-isip, nakalimutan mo na ba na noong unang paglikha sa sangkatauhan, walang hiwalay na uring maka-Satanas ang nilikha? Nakalimutan mo na ba na tanging isang sangkatauhan na binubuo nina Adan at Eva ang nilikha (nangangahulugang tanging lalaki at babae ang mga nilikha)? Kung ikaw ay naging inapo ni Satanas sa pasimula, hindi ba nangangahulugan iyon na noong nilikha ni Jehova ang tao, nagsama Siya ng isang maka-Satanas na grupo sa Kanyang paglikha? Nakagawa kaya Siya ng isang bagay na ganoon? Nilikha Niya ang tao para sa kapakanan ng Kanyang patotoo; nilikha Niya ang tao para sa kapakanan ng Kanyang kaluwalhatian. Bakit Niya sadyang lilikhain ang isang klase na mula sa angkan ni Satanas upang kusang labanan Siya? Paano kaya magagawa ni Jehova ang gayong bagay? Kung nagawa Niya, sino ang magsasabing Siya ay isang matuwid na Diyos? Kapag sinasabi Ko ngayon na ang ilan sa inyo ay sasama kay Satanas sa katapusan, hindi ito nangangahulugang kasama ka ni Satanas mula sa pasimula; sa halip, ito ay nangangahulugang ikaw ay nagpakababa nang husto na kahit pa sinubukan ng Diyos na iligtas ka, ikaw ay nabigo pa rin na matamo ang kaligtasan na iyon. Walang pagpipilian kundi isama ka sa pangkat ni Satanas. Ito ay dahil lang ikaw ay hindi na maililigtas, hindi dahil ang Diyos ay di-matuwid sa iyo at sinadyang itakda ang iyong kapalaran bilang pagsasakatawan ni Satanas at sa gayon isinasama ka sa pangkat ni Satanas at sadyang gusto kang magdusa. Hindi iyan ang katotohanang napapaloob sa gawaing panlulupig. Kung iyan ang iyong pinaniniwalaan, ang iyong pagkaunawa ay lubhang nakahilig sa isang panig lang! Ang kahuli-hulihang yugto sa panlulupig ay naglalayong magligtas ng mga tao, at magbunyag din ng kanilang mga katapusan. Ito ay upang isiwalat ang pagpapakasama ng mga tao sa pamamagitan ng paghatol, sa gayon ay nagsasanhi sa kanila na magsisi, bumangon, at maghabol ng buhay at ng tamang landas ng buhay ng tao. Ito ay upang gisingin ang mga puso ng mga manhid at mapurol na tao at upang ipakita, sa pamamagitan ng paghatol, ang kanilang panloob na pagiging mapanghimagsik. Subali’t, kung ang mga tao ay hindi pa rin makayang magsisi, hindi pa rin makayang maghabol ng tamang landas ng buhay ng tao at hindi pa rin makayang itakwil ang mga katiwaliang ito, sila ay hindi na maililigtas, at lalamunin ni Satanas. Gayon ang kabuluhan ng panlulupig ng Diyos: upang iligtas ang mga tao, at upang ipakita rin ang kanilang mga katapusan. Magandang katapusan, masamang katapusan—itong lahat ay ibinubunyag ng gawaing panlulupig. Kung ang mga tao ay maliligtas o isusumpa ay ibinubunyag lahat sa panahon ng gawaing panlulupig.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 1

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin