Tagalog Christian Song | "Yaong Mahal ang Diyos ay May Pagkakataong Maperpekto"

Setyembre 6, 2021

Pineperpekto ng Diyos ang tao

ayon sa tungkulin niya.

Hangga't kaya mo'ng lahat sa'yong kalakasan,

magpasakop sa gawain ng Diyos,

kayo'y mapeperpekto Niya.

Walang perpekto sa inyo ngayon.

Gampanan niyo man isa o dalawang tungkulin,

gamitin lang lakas niyo't gumugol sa Diyos,

sa huli'y peperpektuhin Niya kayo.

Maging bata o matanda man,

ang nagmamahal nang tunay sa Diyos

may pagkakataong maperpekto Niya.

Isapuso ang pagsunod sa Diyos

at gumalang din sa Kanya,

at kayo'y mapeperpekto Niya sa huli.

Alam niyo'ng tungkuling dapat niyong gampanan,

matanda o bata man sa simbahan.

Kabataa'y 'di mapagmataas,

matanda'y 'di umuurong, 'di walang-kibo.

Walang pagkiling, sa isa't isa'y naglilingkod,

natututo nang sarili'y pagbutihin.

Nabubuo'ng tulay ng samahan.

Sa pag-ibig ng Diyos nagkakaunawaan.

Sa magkakapatid sa simbahan,

mga mas bata'y 'di hinahamak mas matatanda,

mas matatanda'y 'di mapagmagaling.

'Di ba 'to maayos na samahan?

Maging bata o matanda man,

ang nagmamahal nang tunay sa Diyos

may pagkakataong maperpekto Niya.

Isapuso ang pagsunod sa Diyos

at gumalang din sa Kanya,

at kayo'y mapeperpekto Niya sa huli.

Kung ito'ng inyong pagpapasiya,

matutupad kalooban ng Diyos.

Oo, ito'y matutupad sa inyong henerasyon.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin