Tagalog Christian Song | "Ang Simbolo ng Disposisyon ng Diyos"

Mayo 4, 2020

Ang disposisyon ng Diyos kasamang pag-ibig

N'ya't pag-aliw sa sangkatauhan,

kasama poot N'ya't lubos na pag-unawa sa mga tao.

Ang disposisyon ng Diyos,

ang disposisyon ng Diyos

ay isang Pinuno sa lahat ng may buhay

o Diyos ng mga nilikha'y dapat nagtataglay.

Ang disposisyon ng Diyos

kumakatawan ng dangal, kapangyariha't maharlika,

kumakatawan ng kadakilaan at kataasan.

Diyos ay pinakamataas at marangal,

ang tao'y walang halaga't mababa.

Diyos isinakripisyo'y sarili para sa tao,

ngunit gawa ng tao'y pansarili lang.

Ang disposisyon ng Diyos

ay simbolo ng awtoridad, ng lahat ng matuwid,

at ng lahat ng maganda.

Ang disposisyon ng Diyos,

sinasagisag nito'y Diyos di mapipigilan

o maaatake ng kahit anong pwersa ng kalaban.

Walang nilikhang pinapayagang magkasala sa Kanya.

Disposisyon ng Diyos simbolo ng pinakamataas na kapangyarihan.

Walang may pahintulot na makialam

sa Kanyang gawain o ang Kanyang disposisyon.

Diyos nagpapagal para tao'y manatili,

ang tao'y walang binibigay sa liwanag o pagkamatuwid.

Ang tao'y nagsisikap man, isang ihip lang susuko rin.

Gawa'y para sa sarili niya lang, di para sa iba.

Diyos ay pinakamataas at marangal,

ang tao'y walang halaga't mababa.

Diyos isinakripisyo'y sarili para sa tao,

ngunit gawa ng tao'y pansarili lang.

Tao'y makasarili, Diyos ay di-makasarili.

Diyos bukal ng lahat na mabuti't maganda,

ang tao'y kahalili ng lahat nang kapangitan at kasamaan.

Katarunga't ganda ng Diyos ay di magbabago.

Diyos nagpapagal para tao'y manatili,

ang tao'y walang binibigay sa liwanag o pagkamatuwid.

Ang tao'y nagsisikap man, isang ihip lang susuko rin,

pagka't tao'y laging makasarili.

Diyos ay pinakamataas at marangal,

ang tao'y walang halaga't mababa.

Maganda't matuwid na nilalaman ng Diyos di magbabago,

nilalamang taglay N'ya'y di magbabago kailanman.

Nguni't anumang oras tao'y maaaring tumalikod

at lumáyô sa Diyos.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger