Christian Dance | "Nagpakita Na Ang Kaharian Ni Cristo" | Praise Song
Setyembre 9, 2024
I
Sa pasimula, nilikha ng Diyos ang mga langit at lupat at lahat ng bagay,
at pagkatapos ay nilikha Niya ang sangkatauhan.
Gumagawa ang Diyos para pangasiwaan at iligtas ang sangkatauhan
at inaakay Niya sila hanggang sa araw na ito.
Nagningning na sa Kanluran ang kidlat mula sa Silangan;
nagpakita na ang Anak ng tao sa mga huling araw.
Ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan,
na siyang ang Salita na nagpapakita sa katawang-tao.
Ito ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw;
magmadali kayo at sabayan ang mga yapak ng Diyos.
Kinakain at iniinom natin ang mga salita ng Diyos araw-araw,
kaya nauunawaan natin ang katotohanan.
Nilulupig ng mga salita ng Diyos ang lahat ng tao,
ipinoproklama nila sa lupa ang Kanyang banal na pangalan.
Nagpakita na sa lupa ang matuwid na kaharian ni Cristo.
II
Hinawi na ang mga tabing para sa paghatol ng mga huling araw;
nagsimula na ito sa sambahayan ng Diyos.
Ganap nang nabunyag ang matuwid na disposisyon ng Diyos,
at walang makakatakas sa paghatol Niya.
Ang mga tupa ng Diyos ay tiyak na nakikinig sa Kanyang tinig;
ibinubunyag at itinitiwalag yaong mga lumalaban sa Diyos.
Nililinis at inililigtas ng paghatol ng Diyos ang tao,
na siyang tunay na pagmamahal Niya sa kanila.
Ganap nang nagtagumpay ang Diyos laban kay Satanas
at gumawa na Siya ng isang grupo ng mga mananagumpay.
Gagawing perpekto ng Diyos ang mga nagmamahal sa Kanya,
lalakad sila sa loob ng Kanyang liwanag.
Nagpapatotoo sa Diyos ang mga tao Niya,
at walang pag-aalinlangan nilang sinusundan si Cristo.
Nagpakita na sa lupa ang matuwid na kaharian ni Cristo.
III
Pormal na umaalingawngaw ang pagpupugay ng kaharian,
at lumalaganap sa buong mundo ang ebanghelyo ng kaharian.
Malawak at makapangyarihan ang pwersa ng gawain ng Diyos,
walang sinuman o anuman ang posibleng makapigil dito.
Naisasakatuparan ang kaharian ni Cristo dahil sa mga salita ng Diyos;
ganap na nabunyag ang katarungan at katuwiran.
Ang lahat ng mga bansa ay tiyak na nagbabago dahil sa mga salita ng Diyos,
at ang Milenyong Kaharian ay bumaba sa mundo ng mga tao.
Ang kalooban ng Diyos ay natutupad sa lupa;
ganap nang nagapi ang malaking pulang dragon.
Ang Makapangyarihang Diyos ang may kapangyarihan at ang Siyang naghahari,
pumaparito ang lahat ng bansa at bayan para sambahin Siya.
Nagkamit na ng ganap na tagumpay ang plano ng pamamahala ng Diyos—
nakamit na Niya ang buong kaluwalhatian.
Nagpakita na sa lupa ang matuwid na kaharian ni Cristo.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video