Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Pagkakatawang-tao | Sipi 118

Oktubre 20, 2022

Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang bagay na walang katawan, kundi ang tao, na may laman at nagawa nang tiwali ni Satanas. Mismong dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang tao na may laman bilang pakay ng Kanyang gawain; dagdag pa rito, dahil ang tao ang pakay ng katiwalian, ginawa ng Diyos ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang mortal na nilalang, binubuo ng laman at dugo, at ang Diyos lamang ang Siyang makapagliligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng mga katangiang katulad ng sa tao upang magawa ang Kanyang gawain, upang matamo ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain mismong dahil ang tao ay sa laman, at walang kakayahang mapangibabawan ang kasalanan o hubaran ng laman ang kanyang sarili. Bagama’t malaki ang pagkakaiba ng diwa at pagkakakilanlan ng Diyos na nagkatawang-tao sa diwa at pagkakakilanlan ng tao, ang Kanyang kaanyuan ay katulad pa rin ng sa tao; may kaanyuan Siya ng isang karaniwang tao, at namumuhay bilang isang karaniwang tao, at yaong mga nakakakita sa Kanya ay walang mapapansing pagkakaiba sa isang karaniwang tao. Sapat na ang karaniwang kaanyuan at karaniwang pagkatao na ito upang magawa Niya ang Kanyang maka-Diyos na gawain sa karaniwang pagkatao. Tinutulutan Siya ng Kanyang katawang-tao na magawa sa karaniwang pagkatao ang Kanyang gawain, at tumutulong ito sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa piling ng tao, at ang Kanyang karaniwang pagkatao, dagdag pa, ay tumutulong sa Kanya na isagawa ang gawain ng pagliligtas sa piling ng tao. Bagama’t ang Kanyang normal na pagkatao ay naging sanhi ng malaking kaguluhan sa mga tao, ang ganoong kaguluhan ay hindi nakaapekto sa mga karaniwang kalalabasan ng Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain ng Kanyang normal na katawang-tao ay may sukdulang pakinabang sa tao. Bagama’t hindi tinatanggap ng karamihan ng mga tao ang Kanyang karaniwang pagkatao, nakapagkakamit pa rin ng mga resulta ang Kanyang gawain, at ang mga epektong ito ay nakakamit dahil sa Kanyang normal na pagkatao. Ito ay hindi mapag-aalinlanganan. Mula sa Kanyang gawain sa katawang-tao, nagkakamit ang tao ng sampung ulit o dose-dosenang ulit pang mga bagay kaysa sa mga kuru-kuro na umiiral sa mga tao tungkol sa Kanyang karaniwang pagkatao, at ang ganoong mga kuru-kuro, sa huli, ay lulunuking lahat ng Kanyang gawain. At ang epekto na nakamit na ng Kanyang gawain, na ang ibig sabihin ay ang kaalaman ng tao tungkol sa Kanya, ay higit na matimbang kaysa sa mga kuru-kuro ng tao tungkol sa Kanya. Walang paraan upang ipalagay o sukatin ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao, dahil ang Kanyang katawang-tao ay hindi katulad ng sa sinumang taong may laman; bagama’t magkatulad ang panlabas na kaanyuan, ang diwa ay hindi magkatulad. Ang Kanyang katawang-tao ay nagbubunga ng maraming kuru-kuro sa mga tao tungkol sa Diyos, ngunit ang Kanyang katawang-tao ay maaari ding magpahintulot sa tao na makakuha ng maraming kaalaman, at maaari pa ngang lumupig sa sinumang tao na nagtataglay ng isang katulad na panlabas na kaanyuan. Dahil Siya ay hindi lamang isang tao, kundi Diyos na may panlabas na kaanyuan ng isang tao, at walang maaaring ganap na makaarok o makaunawa sa Kanya. Minamahal at tinatanggap ng lahat ang isang hindi nakikita at hindi nahahawakang Diyos. Kung ang Diyos ay isa lamang Espiritu na hindi nakikita ng tao, napakadali para sa tao na maniwala sa Diyos. Mapapakawalan ng mga tao ang kanilang mga imahinasyon, maaari silang pumili ng anumang larawan na ibig nila bilang larawan ng Diyos upang mabigyang-kasiyahan ang kanilang mga sarili at makapagpaligaya sa kanila. Sa ganitong paraan, maaaring gawin ng tao ang anumang pinakaibig at pinakanais ipagawa sa kanila ng sarili nilang Diyos, nang walang anumang pag-aalinlangan. Higit pa rito, naniniwala ang mga tao na walang sinuman ang mas tapat at masugid kaysa sa kanila tungo sa Diyos, at na ang lahat ng iba pa ay mga asong Gentil, at di-matapat sa Diyos. Maaaring sabihin na ito ang hinahangad ng mga yaong ang paniniwala sa Diyos ay malabo at nakabatay sa doktrina; ang kanilang hinahanap ay magkakatulad halos, na may kaunting pagkakaiba. Magkakaiba lamang ang mga larawan ng Diyos sa kanilang imahinasyon, ngunit ang kanilang diwa sa katunayan ay magkatulad.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin