Tagalog Testimony Video | "Patotoo sa Gitna ng Pagpapahirap"
Pebrero 26, 2022
Inaresto ng mga pulis ng Partido Komunista ang bida dahil isa siyang mananampalataya at nagbabahagi ng ebanghelyo. Sa pagsisikap na puwersahin siyang magbigay ng impormasyon tungkol sa iglesia, binugbog siya ng mga pulis gamit ang mga gomang batuta at pamalong kawayan, sinabihan ang ibang bilanggo na abusuhin siya at sabuyan ng malamig na tubig, itali at ibitin siya mula sa dingding, at marami pa. Pinahirapan siya hanggang sa siya'y maging sugatan mula ulo hanggang paa, at pagkatapos ay ipinadala sa labor camp para pagsilbihan ang sentensya ng isang taon at siyam na buwan. Ang mga salita ng Diyos ang gumabay sa kanya para tumayong saksi sa lahat ng pagpapahirap na ito. Tapos, makalipas ang isang taon, naaresto ulit siya habang nasa isang pagtitipon. Paano siya sumandal sa Diyos sa pagkakataong ito para manalo kay Satanas at magpatotoo para sa Diyos? Pakinggan natin ang kanyang kuwento.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video