Tagalog Christian Movie | "Seventeen? Ano Ngayon!" | Trailer

Mayo 29, 2018

"Bata! Alam mo ba'ng ang Partido Komunista ay ateista at tutol sa paniniwala sa Diyos? Sa China, Ano'ng Diyos ang naroon para sa iyo para paniwalaan mo? Nasaan ba ang Diyos mo?" "Huwag mo'ng ipalagay na dahil bata ka, magiging maluwag kami sa iyo! Kung patuloy ka'ng maniniwala sa Diyos, mamatay ka agad!" Hawak ang mga de-kuryenteng pamalo, sinugod ng mga pulis ng Komunistang Tsino ang binatilyo na puno ng mga pasa.

Ang pangalan ng binatilyo ay Gao Liang at labimpitong taong gulang lang siya nuong taong iyon. Pauwi siya ng bahay niya mula sa pagpapakalat ng ebanghelyo kasama ang nakatatanda niyang kapatid nuong inaresto siya ng mga pulis ng Komunistang Tsino. Hindi siya binigyan ng mga pulis ng kahit na ano'ng makakain at hindi rin siya hinayaang matulog ng tatlong araw at tatlong gabi. Tinanong siya, pinilit siyang pinaamin at isinailalim siya sa malupit na tortyur. Ginamit nila ang mga de-kuryenteng pamalo para sindakin siya, kinuryente nila ang baba, at ang kanyang ari. Sinubukan nilang puwersahin siya para ipagkanulo ang Diyos at ibigay sa kanila ang mga impormasyon tungkol sa mga pinuno ng simbahan at sa pinagkukunan ng pondo ng iglesya sa pamamagitan ng panggigipit sa kanya. Kasama na rito ang pagbabantang pag-aresto sa mga magulang niya at ang utusan ang eskuwelahan niya na patalsikin siya. Dahil sa pagkabigong maisakatuparan ang layunin nila, sinentensyahan siya ng Pamahalaang Komunista ng Tsino ng isang taon ng pagbabalik-aral sa pamamagitan ng mabigat na paggawa. Sa loob ng bilangguan, hindi lang hirap sa sobrang paggawa ang tiniis ni Gao Liang, ipinapahiya rin siya at sinasaktan. Sa loob ng kulungan, naranasan niya ang tinatawag na impiyerno sa lupa. Habang nagdurusa siya sa pagkakakulong niya, nagdasal si Gao Liang at nanalig sa Diyos. Naliwanagan siya ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos upang maunawaan niya ang layunin ng Diyos. Binigyan siya nito ng pananampalataya at lakas at ginabayan siya nang sa ganoon ay malampasan niya ang isang taon sa loob ng bilangguan. Ang pag-uusig at pag-aresto ng Pamalaang Komunista ng Tsino ay nakaukit na sa puso ni Gao Liang. Malinaw niyang nakikita at labis niyang naranasan ang masamang kakanyahan ng Pamahalaang Komunista ng Tsino at ang pagsalungat nito sa Diyos. Sa mundong ito kung saan ang kapangyarihan ni Satanas ang nangingibabaw, tanging Diyos lang ang nagmamahal sa tao. Tanging Diyos lang ang makapagliligtas sa tao. Ang pananampalataya at kagustuhan niyang sundin ang Diyos ay lalong naging matatag. Sinabi ni Gao Liang na ang mga pagsubok at paghihirap ay mga mahahalagang kayamanan para sa paglago at pag-unlad ng buhay niya. Isa iyong espesyal na regalo na ibinigay sa kanya ng Diyos para sa ika-labimpitong kaarawan niya …

Ang ilang materyal sa video na ito ay galing sa:

Cork Hit 05 - Green Screen Green Screen Chroma Key Effects AAE(https://youtu.be/G_D5ZZQ2fJA) by HD Green Screen/CC BY 3.0 (https://creativecommons.org/licenses/by/3.0/)

FireCracker 08 - Green Screen Green Screen Chroma Key Effects AAE(https://youtu.be/G_D5ZZQ2fJA)by HD Green Screen/CC BY 3.0 (https://creativecommons.org/licenses/by/3.0/)

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin