Tagalog Testimony Video | "Mga Napagnilayan Matapos Maiwasto"
Disyembre 25, 2021
Sa pagsisikap na protektahan ang reputasyon niya sa kanyang lider at magtamo ng pagsang-ayon nito, nagtuon lamang ang pangunahing tauhan sa gawaing nakakaagaw ng pansin; sa ibang aspeto ng gawain ng iglesia, pabaya siya at hindi taos-pusong ginagawa ang mga ito. Nagdulot ito ng isang malaking pagkakamali—isang kapatid na tunay na naniniwala at nagtataguyod ng gawain ng iglesia ay pinaalis sa kongregasyon. Malupit siyang tinabasan at iwinasto dahil dito. Pagkatapos nito, paano siya nagnilay sa kanyang sarili, at ano ang nalaman niya tungkol sa kanyang sarili? Ano ang natamo niya mula rito? Pakinggan natin ang kanyang kuwento.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video