Christian Dance | "Purihin ang Pagkabuo ng Dakilang Gawain ng Diyos" | Praise Song

Abril 4, 2024

Sa mga huling araw, ginagamit ni Cristo ang salita upang hatulan ang sangkatauhan,

binubuksan Niya ang isang bagong kapanahunan— ang Kapanahunan ng Kaharian.

Ang lahat ng bagay ay pinapanibago

sa pamamagitan ng mga salitang sinasabi ng Diyos.

Ang lahat ng bagay ay ginawang maganda at bago.

Bawat bagay ay binubuhay muli, lahat pinapanibago, lahat binabago.

Nagagalak tayong umaawit ng papuri sa Diyos.

Ang tunog ng ating mga papuri ay umaalingawngaw hanggang sa kalangitan.

O, purihin Siya! O, ipagsigawan ito at kantahin!

Ang lahat ng mga tao ng Diyos ay nag-uumapaw sa papuri sa Diyos.

O, purihin Siya! O, ipagsigawan ito at kantahin!

Ang lahat ng mga tao ng Diyos ay nag-uumapaw sa papuri sa Diyos.

Ang paghatol ay nagsimula na sa sambahayan ng Diyos,

ibinubunyag ang Kanyang matuwid na disposisyon.

Yumuyukod sa harap Niya ang mga tao ng Diyos

upang tanggapin ang Kanyang paghatol at madalisay.

Ginagabayan tayo ng mga salita ng Diyos

sa gitna ng mga pagsubok at paghihirap,

nagpapatotoo tayo at nakakamit natin ang Kanyang pagsang-ayon.

Pinarangalan ng atas ng Diyos,

ipinapahayag at pinapatotohanan natin ang Kanyang mga gawa.

O, purihin Siya! O, ipagsigawan ito at kantahin!

Ang lahat ng mga tao ng Diyos ay nag-uumapaw sa papuri sa Diyos.

O, purihin Siya! O, ipagsigawan ito at kantahin!

Ang lahat ng mga tao ng Diyos ay nag-uumapaw sa papuri sa Diyos.

Ang mga salita ng Diyos ay makapangyarihan sa lahat at marunong,

mahirap ang mga itong maarok at napaniwala tayo.

Ang mga salita ng Diyos ay isinasakatuparan ang lahat ng bagay,

pinagsasama ng mga ito ang mga tao ayon sa kanilang uri.

Ang mga nagmamahal sa Diyos ay sumusunod sa Kanya,

ngunit ang mga lumalaban ay winawasak.

Pinupuri natin ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan sa lahat,

at pinupuri natin ang Kanyang matuwid na disposisyon.

O, purihin Siya! O, ipagsigawan ito at kantahin!

Ang lahat ng mga tao ng Diyos ay nag-uumapaw sa papuri sa Diyos.

O, purihin Siya! O, ipagsigawan ito at kantahin!

Ang lahat ng mga tao ng Diyos ay nag-uumapaw sa papuri sa Diyos.

Purihin ang pagtatapos ng dakilang gawain ng Diyos,

nakagawa na siya ng isang grupo ng mga mananagumpay.

Tinatanggap ng mga hinirang ng Diyos ang Kanyang pagsisiyasat,

ginagampanan ang kanilang tungkulin sa kanilang posisyon.

Buong puso at kaluluwa nilang sinisikap na palugurin ang Diyos.

Ang mga nagmamahal sa Diyos ay pineperpekto Niya.

Ang buong mundo ay punong-puno ng Kanyang pagiging matuwid at kabanalan,

ang kaharian ay maganda at laging bago.

O, purihin Siya! O, ipagsigawan ito at kantahin!

Hindi matatapos ang ating mga awit ng papuri kailanman!

O, purihin Siya! O, ipagsigawan ito at kantahin!

Hindi matatapos ang ating mga awit ng papuri kailanman!

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger