Christian Music Video | "Purihin ang Diyos Nang Buong Puso"

Hunyo 26, 2025

I

Kung gusto mong umawit, umawit ka nang malakas;

kung gusto mong sumayaw, tumayo ka at sumayaw.

Kumakain at umiinom tayo ng mga salita ng Diyos at nananalangin sa Kanya;

nagninilay, nagmumuni-muni, at nakikipagbahaginan tayo sa Diyos.

Kapag nananabik tayo sa Diyos, nananalangin at lumalapit tayo sa Kanya,

nagagalak ang puso natin sa Kanyang pagmamahal.

Napakaraming paraan para purihin ang Diyos;

ang taimtim na pagpupuri sa Kanya ay nagdudulot sa atin ng kagalakan.

Hindi tayo nakagapos sa mga relihiyosong ritwal,

nakasusumpong ng pagpapalaya ang ating espiritu.

Isinasagawa natin ang mga salita ng Diyos sa lahat ng bagay,

at darating sa atin ang mga pagpapala ng Diyos.

II

Kapag nagbabahagi tayo ng mga salita ng Diyos sa mga pagtitipon,

tayo ay dalisay na naghahayag at napapalaya ang ating espiritu.

Huwag mag-alala tungkol sa iyong imahe o banidad,

at sabihin mo lang kung ano talaga ang nasa iyong puso.

Lahat tayo ay hinirang na mga tao ng Diyos—

obligado tayong ihandog ang ating bahagi.

Huwag mag-alala na mababaw ang iyong pagbabahagi;

kung ito ay tunay na kaalaman, sapat na iyon.

Dumating ka sa pagtitipon at ihandog ang iyong bahagi

at pumupunta ako sa pagtitipon at naghahandog ng sa akin.

Kapag nagiging bukas tayo at nagbabahagi ng mga salita ng Diyos,

makakamtan natin ang gawain ng Banal na Espiritu.

III

Kung gusto mong makasumpong ng kagalakan sa mga pagtitipon,

mas pagmuni-munihan mo pa ang mga salita ng Diyos.

Sa pagkaunawa sa katotohanan, nagkakaroon tayo ng landas ng pagsasagawa,

at nakasusumpong ang ating espiritu ng kalayaan at pagpapalaya.

Binubuksan natin ang ating puso, ibinabahagi ang ating karanasan,

at ibinabahagi ang ating mga patotoo.

Sinusuportahan natin ang isa't isa,

at humuhugot tayo mula sa mga kalakasan ng isa't isa,

at inuunawa ang katotohanan nang mas malinaw.

Nakakakuha tayo ng mga resulta sa tuwing

kumakain at umiinom tayo ng mga salita ng Diyos,

at may nakakamit tayo mula sa bawat pagtitipon.

Napupuno ng tamis ang aking puso, busog ang aking espiritu.

Nagagalak ang puso ng Diyos at masaya ang aking puso.

IV

Patuloy nating sinusundan ang Diyos hanggang ngayon,

at dumaranas ng maraming balakid at paghihirap,

humaharap sa pang-aapi, kapighatian, panlalait, paninirang-puri,

at sa pag-uusig at maling pamamaratang ng malaking pulang dragon.

Sa pagdanas ng lahat ng uri ng kagalakan at kalungkutan,

kapiling natin ang mga salita ng Diyos, ginagabayan tayo.

Ginagamit ng Diyos ang malaking pulang dragon para magserbisyo,

para maperpekto ang ating pananalig at pagmamahal.

Dahil lahat ito sa pagpapala at biyaya ng Diyos na nagagawa nating lumago sa buhay.

Tapat nating tutuparin ang ating mga tungkulin,

magmamahal at magpapatotoo tayo sa Diyos magpakailanman.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin