Tagalog Christian Music Video | "Ang Ugat ng Paglaban ng mga Pariseo kay Jesus"

Hulyo 27, 2022

I

Alam niyo ba ang diwa ng mga Pariseo?

At ang ugat ng paglaban nila kay Jesus?

Ito ay dahil pagdating sa Mesiyas,

mga isip nila'y puno ng pantasya.

Bukod pa rito, mga Pariseo'y naniwala lang

na ang Mesiyas ay dadating,

ngunit 'di nila hangad ang katotohanan ng buhay.

Pati ngayon naghihintay sila sa Mesiyas,

'pagkat 'di nila alam ang daan ng buhay,

at walang alam sa daan ng katotohanan.

Sa tingin niyo ba'y mga taong mangmang,

hangal, matigas ang ulo'y matatamo'ng biyaya ng Diyos?

Pa'no mamamasdan ng mga taong ito ang Mesiyas?

II

Ang dahilan ng paglaban nila kay Jesus ay wala silang ideya

sa gawain at direksyon ng Banal na Espiritu

at ang daan ng katotohanang binanggit ni Jesus

ay ganap na 'di nila alam,

at ang Mesiyas ay 'di nila maunawaan.

Dahil 'di pa nila nakita o nakasama ang Mesiyas,

nagkamali silang kumapit sa pangalan Niya lang,

kinakalaban ang diwa Niya sa anumang posibleng paraan.

Mga Pariseo'y 'di sumunod sa katotohanan,

diwa nila'y mayabang at matigas ang ulo.

Prinsipyo ng paniniwala nila sa Diyos ay:

'Di mahalaga kung ga'no kalalim ang pangangaral,

o ang antas ng awtoridad Mo;

kung 'di ka pinangalanang "Mesiyas," 'di Ka si Cristo.

III

'Di ba 'to katawa-tawang paniniwala?

Gagawin ba ninyo ang kamalian ng mga Pariseo,

yamang 'di niyo nauunawaan ni katiting si Jesus?

Ika'y makakakilala ba sa daan ng katotohanan?

Sigurado bang 'di mo lalabanan si Cristo?

Kaya mo bang sundan ang gawain ng Banal na Espiritu?

Kung 'di mo alam kung lalabanan mo si Cristo,

ayon sa sinasabi ng Diyos, ika'y

nabubuhay na sa bingit ng kamatayan.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger