Christian Music Video | "Dapat Maunawaan ng mga Tao ang Kabuluhan at Halaga ng Pagiging Buhay"
Hunyo 26, 2025
I
Dahil sa kataas-taasang kapangyarihan at paunang pagtatalaga ng Lumikha, ang isang malungkot na kaluluwa na nagsimula nang walang-wala ay nagkakaroon ng mga magulang at isang pamilya, ng pagkakataon na maging kasapi ng sangkatauhan, at ng pagkakataon na maranasan ang buhay ng tao at makapaglakbay sa mundo ng tao; nagtatamo rin ito ng pagkakataon na maranasan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, na malaman ang kamangha-manghang bagay ng paglikha ng Lumikha, at higit pa riyan ay ang pagkakataon na makilala at magpasailalim sa awtoridad ng Lumikha. Subalit hindi tunay na sinusunggaban ng karamihan ng mga tao ang pambihira at madaling lumipas na pagkakataong ito. Inuubos ng mga tao ang panghabambuhay na enerhiya sa paglaban sa kapalaran, at ginugugol ang buong buhay nila sa pagiging abala para tustusan ang kanilang pamilya at pabalik-balik silang nagmamadali alang-alang sa katanyagan at pakinabang.
II
Ang mga bagay na pinahahalagahan ng mga tao ay ang pagmamahal ng pamilya, salapi, at kasikatan at pakinabang at itinuturing nila ang mga ito bilang ang pinakamahahalagang bagay sa buhay. Lahat ng tao ay nagrereklamo tungkol sa pagiging malas, subalit isinasantabi pa rin nila sa kanilang isipan ang mga usapin na pinakanararapat na unawain at siyasatin ng mga tao: bakit buhay ang tao, paano dapat mamuhay ang tao, at ano ang kahalagahan at kabuluhan ng buhay. Ilang taon man silang mabubuhay, ginugugol lamang nila ang buong buhay nila nagkukumahog lang sa paghahanap ng kasikatan at pakinabang, hanggang sa lumipas na ang kabataan nila at nagkaroon na sila ng uban at kulubot, hanggang sa mapagtanto nila na hindi mapapahinto ng kasikatan at pakinabang ang pagtanda nila, na hindi maaaring punan ng salapi ang kahungkagan ng puso nila, at hanggang sa maunawaan nila na walang sinuman ang makakatakas mula sa mga batas ng pagsilang, pagtanda, pagkakasakit, at kamatayan, at na walang makakatakas sa mga pagsasaayos ng kapalaran.
III
Kapag malapit nang magpaalam ang mga tao sa mundo, unti-unti nilang natatanto na ang lahat ng bagay sa mundo ay lumilipas, na wala na silang lakas upang panatilihin ang anumang bagay na orihinal na kanila; sa panahong ito, talagang nararamdaman nila na, kung tutuusin, katulad lang sila ng isang bagong silang, pumapalahaw na sanggol, wala pa ring kahit na anuman. Sa puntong ito, napipilitan silang simulang pagnilayan kung ano ang ginawa nila sa buhay nila, kung ano ang halaga ng pagiging buhay, ano ang kabuluhan ng pagiging buhay, at kung bakit dumating sa mundo ang mga tao. At sa mismong puntong ito ay mas ninanais nilang malaman kung tunay na may kabilang buhay, kung tunay na mayroong Langit, kung talagang mayroong karma….
IV
Kapag ang isang tao ay talagang nakarating na sa puntong ito ay saka pa lamang niya matatanto na kapag ang isang tao ay pumapasok sa mundong ito, dapat muna niyang maunawaan kung saan nanggaling ang mga tao, bakit buhay ang mga tao, sino ang may kataas-taasang kapangyarihan sa kapalaran ng tao, sino ang nagtutustos at may kataas-taasang kapangyarihan sa pag-iral ng tao—ang pagkaunawang ito ang kapital sa pamumuhay ng isang tao, at ito ang kinakailangang batayan para patuloy na mabuhay ang tao. Bagaman ang iba't ibang kasanayan sa pamumuhay kung saan nagpapakadalubhasa ang mga tao sa buong buhay nila ay nagpapahintulot sa kanila na magkaroon ng kasaganaan sa mga materyal na kaginhawahan, ang mga kasanayang iyon ay di-kailanman nakapagdadala ng tunay na konsuwelo at kapanatagan sa puso nila. Sa halip ay patuloy na nagiging dahilan ang mga ito para ang mga tao ay mawalan ng direksiyon, mahirapang kontrolin ang kanilang mga sarili, at mapalampas ang sunod-sunod na pagkakataon na matutuhan ang kabuluhan ng buhay, at nagdudulot ito ng mga nakatagong problema sa mga tao hinggil sa kung paano tamang haharapin ang kamatayan—nasisira ang buhay ng mga tao sa ganitong paraan.
mula sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video