Christian Dance | "Ang Landas ay Lalong Lumiliwanag Habang Sumusunod Tayo sa Diyos" | Praise Song

Nobyembre 16, 2024

I

Ipinapahayag ng Anak ng tao ang katotohanan,

ang Cristo ng mga huling araw ay nagpakita na.

Naririnig natin ang tinig ng Diyos at dumadalo tayo sa piging ng kaharian sa langit.

Talagang napakalaking pagpapala nito.

Araw-araw tayong kumakain at umiinom ng salita ng Diyos

at nagagawa nating maunawaan ang di-mabilang na katotohanan.

Iniwaksi na natin ang malabong pananalig at pumasok na tayo sa katotohanang realidad.

Sa pagdidilig at pagtutustos ng salita ng Diyos,

ang ating buhay ay unti-unting lumalago.

Nakatakas na tayo mula sa impluwensiya ni Satanas

at namumuhay tayo sa harap ng Diyos.

Pinalalakas natin ang ating tinig sa awit

at pinupuri ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos.

Ipinagkaloob sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at buhay.

Naunawaan na natin ang mga misteryo ng buhay,

at ang landas ay lalong lumiliwanag habang sumusunod tayo sa Diyos.

II

Sa pamamagitan ng paghatol ng Diyos, ang ating katiwalian ay nalinis.

Nagkaroon na tayo ng takot sa Diyos

habang nakikilala natin ang pagiging matuwid ng Diyos.

Nagpapasakop tayo sa mga pamamatnugot ng Diyos

nang walang ni katiting na reklamo.

O, minamahal na Makapangyarihang Diyos,

salamat sa Iyo sa pagpapahayag Mo sa katotohanan;

nagtiis Ka ng napakalaking kahihiyan at pasakit para iligtas kami.

Sa mga pagsubok at kapighatian, ang Iyong salita ay nasa aming piling.

Wasto naming tinatahak itong huling bahagi ng landas

at nagpapatotoo kami nang matunog sa Iyo.

Sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos napakarami nating nakakamit.

Ito ang biyaya at pagpapala ng Makapangyarihang Diyos.

Taos-puso tayong nagpapasalamat para sa malalim na pagmamahal ng Diyos,

at mamahalin natin ang Diyos

at magpapatotoo tayo sa Kanya sa magpasawalang-hanggan.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin