Christian Music Video | "Kailangang Magpasakop sa Gawain ng Banal na Espiritu Upang Makasunod Hanggang Wakas"
Hunyo 29, 2025
I
Nagbabago ang gawain ng Banal na Espiritu araw-araw. Mas tumataas ito sa bawat hakbang, ang pahayag ng bukas ay mas mataas kaysa sa ngayon, umaakyat nang mas mataas sa bawat hakbang. Ganito ang gawain ng pagperpekto ng Diyos sa tao. Kung hindi makasasabay ang mga tao, maaari silang itiwalag anumang oras. Kung wala silang puso ng pagpapasakop, hindi sila makasusunod hanggang sa pinakahuli. Lahat ng mga may mapaghimagsik na kalikasan na sinasadyang sumalungat ay ititiwalag ng yugtong ito ng matulin at malakas na pagsulong na gawain ng Diyos; tanging ang mga sadyang nagpapasakop at handang magpakumbaba ng sarili ang makasusulong hanggang sa katapusan ng daan.
II
Nakalipas na ang dating kapanahunan; ito ay isang bagong kapanahunan. At sa isang bagong kapanahunan, isang bagong gawain ang dapat isakatuparan. Lalung-lalo na sa huling kapanahunan kung saan ay gagawing perpekto ang tao, magsasagawa ang Diyos ng mas bagong gawain, nang mas mabilis, kaya kung ang mga tao ay hindi sadyang magpapasakop, mahihirapan silang sumunod sa mga yapak ng Diyos. Lahat ng mga may mapaghimagsik na kalikasan na sinasadyang sumalungat ay ititiwalag ng yugtong ito ng matulin at malakas na pagsulong na gawain ng Diyos; tanging ang mga sadyang nagpapasakop at handang magpakumbaba ng sarili ang makasusulong hanggang sa katapusan ng daan.
III
Hindi sumusunod ang Diyos sa anumang mga regulasyon, at hindi rin Niya itinuturing na walang-hanggang hindi nagbabago ang anumang yugto ng gawain Niya. Sa halip, palagi Siyang gumagawa ng gawaing mas bago pa at mas mataas pa. Sa bawat yugto, nagiging higit na praktikal ang gawain Niya, at lalong umaayon sa aktwal na mga pangangailangan ng tao. Sa pamamagitan lang ng pagdanas sa gayong gawain matatamo ng mga tao ang huling pagpapabago ng disposisyon nila. Lahat ng mga may mapaghimagsik na kalikasan na sinasadyang sumalungat ay ititiwalag ng yugtong ito ng matulin at malakas na pagsulong na gawain ng Diyos; tanging ang mga sadyang nagpapasakop at handang magpakumbaba ng sarili ang makasusulong hanggang sa katapusan ng daan.
IV
Ang kaalaman ng tao sa buhay ay umaabot sa mas mataas pang mga antas, at kaya, gayundin, ang gawain ng Diyos ay umaabot sa mas mataas pang mga antas. Sa gayon lamang magagawang perpekto ang tao at magiging marapat na magamit ng Diyos. Gumagawa ang Diyos sa ganitong paraan sa isang banda upang pabulaanan at baligtarin ang mga kuru-kuro ng tao, at sa kabilang banda naman ay upang akayin ang tao tungo sa isang mas mataas at mas makatotohanang kalagayan, tungo sa pinakamataas na dako ng pananampalataya sa Diyos, upang sa huli, matutupad ang kalooban ng Diyos. Lahat ng mga may mapaghimagsik na kalikasan na sinasadyang sumalungat ay ititiwalag ng yugtong ito ng matulin at malakas na pagsulong na gawain ng Diyos; tanging ang mga sadyang nagpapasakop at handang magpakumbaba ng sarili ang makasusulong hanggang sa katapusan ng daan.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagpapasakop sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video