Christian Dance | "Ngayong Nasa Amin Ka Na, Makapangyarihang Diyos" | Praise Song

Hulyo 20, 2024

I

Makapangyarihang Diyos, ngayong nasa amin Ka na,

ang aming kalungkutan ay naging galak, naging galak.

Araw-araw, kami'y kumakain, umiinom, at nagtatamasa ng Iyong mga salita,

at palagi Ka naming kasama, palagi Ka naming kasama.

Ang Iyong buhay na tubig ng buhay ay nagpapalusog sa amin

para makaunawa sa katotohanan, para makaunawa sa katotohanan.

Ang pagbabago ng aming disposisyon at ang aming karunungan

ay lahat nakasalalay sa Iyo, nakasalalay sa Iyo.

Mga brother, gawin natin nang maayos ang ating tungkulin,

basahin at tamasahin ang mga salita ng Diyos;

tayo ay sama-sama sa kaharian ng Diyos.

Mga sister, ialay natin ang ating tunay na puso,

isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos

nang may iisang puso sa Kanyang sambahayan.

II

Hangga't nasa akin na ang Makapangyarihang Diyos,

kontento na ako, kontento na ako.

Tatalikuran ko ang mga kasiyahan ng pamilya,

makamundong kasikatan at kayamanan.

Gagawin kong buhay ko ang mga salita ng Diyos

at isasabuhay ko ang realidad ng mga ito.

Malalampasan ko ang mga paghihirap, pag-uusig, at pagdurusa

upang makamit ako ng Diyos.

Mga brother, gawin natin nang maayos ang ating tungkulin,

basahin at tamasahin ang mga salita ng Diyos;

tayo ay sama-sama sa kaharian ng Diyos.

Mga sister, ialay natin ang ating tunay na puso,

isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos

nang may iisang puso sa Kanyang sambahayan.

III

Ginagawa natin nang maayos ang ating tungkulin at isinasagawa ang katotohanan,

namumuhay sa mga salita ng Diyos.

Nabigyan tayo ng katotohanan, ng daan, at ng buhay.

Kailangan lang nating iwaksi ang lahat ng ating kagusutan

para palagi tayong ngitian ng Makapangyarihang Diyos.

Mga brother, gawin natin nang maayos ang ating tungkulin,

basahin at tamasahin ang mga salita ng Diyos;

tayo ay sama-sama sa kaharian ng Diyos.

Mga sister, ialay natin ang ating tunay na puso,

isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos

nang may iisang puso sa Kanyang sambahayan.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin