Christian Dance | "Sumusumpa Ako na Hinding-hindi Susuko Hanggang sa Makamit Ko na ang Katotohanan" | Praise Song
Pebrero 7, 2025
I
Ang Salitang nagpapakita sa laman ay ang Diyos Mismo.
Siya ay ang praktikal na Diyos, nagkatawang-tao sa mga huling araw.
Bago pa man nagsimula ang panahon,
pauna na Niyang itinadhana ang aking kapanganakan sa mga huling araw.
Sa pamamagitan ng paglupig at pagliligtas,
ipinagkaloob Niya sa akin ang Kanyang buhay.
Ipinahahayag ng Diyos ang katotohanan para hatulan ang tiwaling sangkatauhan
at inilantad Niya ang kahindik-hindik nilang satanikong mukha.
Napahiya ako, nang walang mapagtataguan; lubos akong nahihiya,
at alam ko na ako'y isang dakot ng lupa lang.
Wala na akong maipagyayabang pa.
Nagpapatirapa ako sa lupa, nalupig ang aking puso.
Pinagtitibay ko na ang Diyos ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.
Nangangako ako na hinding-hindi susuko hanggang sa makamit ko na
ang katotohanan sa buhay na ito!
Kung hindi ko kayang pasanin ang bahagi ko ng pagdurusa,
hindi ako karapat-dapat na maging tao.
Kung hindi ko masusuklian ang pagmamahal ng Diyos, hindi ko Siya mahaharap.
II
Nakilala ko ang sarili ko sa pamamagitan ng paghatol ng Diyos,
at nakita ko ang aking matinding katiwalian
at pagiging hindi karapat-dapat na maglingkod sa Kanya.
Ibinubunyag ng katuwiran at kabanalan ng Diyos ang aking paghihimagsik,
at mas lalo ko pang kinamumuhian ang aking kababaan at pagiging kasuklam-suklam.
Kung ano ang buhay ng Diyos, ay ang lahat ng katotohanan.
Nauuhaw ang puso ko sa katotohanan, at magsisikap ako para umunlad.
Ang pagkilala sa Diyos ang nagbibigay-inspirasyon sa akin
na mas hangarin pa ang buhay.
Ang mamuhay sa Kanyang mga salita ay tunay na dakilang pagpapala.
Malugod kong iaalay ang aking buhay
at gagamitin ang aking puso para mahalin ang Diyos.
Nasisiyahan ako na nakapagpapatotoo ako sa Kanya.
Pinagtitibay ko na ang Diyos ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.
Nangangako ako na hinding-hindi susuko hanggang sa makamit ko na
ang katotohanan sa buhay na ito!
Kung hindi ko kayang pasanin ang bahagi ko ng pagdurusa,
hindi ako karapat-dapat na maging tao.
Kung hindi ko masusuklian ang pagmamahal ng Diyos, hindi ko Siya mahaharap.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video