Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Mga Hiwaga Tungkol sa Biblia | Sipi 276

Agosto 18, 2020

Ngayon, sino sa inyo ang mangangahas na magsabi na ang lahat ng mga salitang sinabi ng yaong mga ginamit ng Banal na Espiritu ay mula sa Banal na Espiritu? Mayroon ba sa inyo ang mangangahas sabihin ang gayong mga bagay? Kapag sinabi mo ang gayong mga bagay, bakit iwinaksi ang aklat ng hula ni Ezra, at bakit ganoon din ang ginawa sa mga aklat ng mga sinaunang banal at propeta? Kung ang lahat ng iyon ay mula sa Banal na Espiritu, bakit kayo nagtatangkang gumawa ng ganoong mga pabago-bagong pagpili? Ikaw ba ay karapat-dapat na pumili ng gawain ng Banal na Espiritu? Maraming mga kwento mula sa Israel ang iwinaksi rin. At kung ikaw ay naniniwala na ang mga kasulatang ito ng nakaraan ay pawang mula sa Banal na Espiritu, sa gayon bakit iwinaksi ang ilan sa mga aklat? Kung ang lahat ng ito ay mula sa Banal na Espiritu, ang lahat ng mga ito ay dapat itago, at ipadala sa mga kapatid ng mga iglesia upang basahin. Hindi dapat piliin at iwaksi ang mga ito batay sa kalooban ng tao; mali ang gawin iyon. Ang pagsabi na ang mga karanasan nina Pablo at Juan ay nakahalo sa kanilang mga sariling nakikita ay hindi nangangahulugan na ang kanilang mga karanasan at kaalaman ay mula kay Satanas, sa halip ay dahil mayroon silang mga bagay na nagmula sa kanilang mga sariling karanasan at nakikita. Ang kanilang kaalaman ay ayon sa pinagmulan ng mga aktwal na karanasan sa panahong iyon, at sino ang siguradong makapagsasabi na ang lahat ng ito ay mula sa Banal na Espiritu? Kung ang lahat ng Apat na Ebanghelyo ay nagmula sa Banal na Espiritu, kung gayon bakit si Mateo, Marcos, Lukas, at Juan ay iba’t iba ang nasabi tungkol sa gawain ni Jesus? Kung hindi kayo naniniwala rito, tingnan ninyo ang mga tala sa Biblia kung paanong tatlong beses na itinanggi ni Pedro ang Panginoon: Magkakaiba silang lahat, at bawat isa ay mayroong kani-kanyang mga katangian. Maraming mga mangmang ang nagsasabing, ang Diyos na nagkatawang-tao ay isa ring tao, kaya ang mga salita ba na Kanyang ipinahayag ay ganap na mula sa Banal na Espiritu? Kung ang mga salita nina Pablo at Juan ay ihinalo sa kalooban ng tao, kung gayon ang mga salita bang Kanyang ipinahayag ay hindi talaga nahaluan ng kalooban ng tao? Ang mga taong nagsasabi ng ganoong bagay ay mga bulag, at mangmang! Basahin nang mabuti ang Apat na Ebanghelyo; basahin kung ano ang kanilang itinala tungkol sa mga bagay na ginawa ni Jesus, at ang mga salitang sinabi Niya. Ang bawat ulat ay, talagang simple, kakaiba, at bawat isa ay mayroong sariling pananaw. Kung ang isinulat ng mga manunulat sa mga aklat na ito ay mula lahat sa Banal na Espiritu, kung gayon ang lahat ng ito ay dapat magkakatulad at hindi pabago-bago. Kaya bakit mayroong mga hindi pagkakaayon?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin