Christian Dance | "Palaging Mamahalin ng Puso Ko ang Diyos" | Praise Song
Pebrero 8, 2025
I
O Diyos! Sa araw na ito dumadalo ako sa piging ng kaharian sa langit,
at ginugugol ko ang aking mga araw at gabi sa pagsasanay ng kaharian.
Araw-araw, kinakain at iniinom ko ang salita ng Diyos,
inuunawa ang katotohanan, at ginagawa ang aking tungkulin.
Lumalago ako sa buhay bawat araw, at ito ang pagmamahal ng Diyos.
Makapangyarihang Diyos, mamahalin Kita anuman ang gawin ng iba.
Alam ko na nananabik Kang tunay akong magbago;
hindi na ako puwedeng maging mahina, negatibo, o walang ginagawa.
Hinahangad ko lang na gawin ang aking tungkulin nang maayos at mapalugod Ka.
II
O Diyos! Sa araw na ito tinatahak ko ang daan patungo sa kaharian.
Nakaranas ako ng maraming balakid, pero palagi Mo akong ginagabayan.
Pinahihintulutan Mo ang aking pagdurusa at mga kapighatian,
at Ikaw ay nasa aking tabi.
Napakaraming beses akong nakaranas ng pagkabalisa,
kahinaan, kalungkutan, at dalamhati,
at napakaraming beses na akong nahulog sa mga patibong ni Satanas,
pero ang Iyong salita ang
palaging nagbibigay sa akin ng pananalig at nagpapalakas sa aking loob.
Paanong hindi ako makararamdam ng pasasalamat o maluluha?
Paanong hindi Kita mamahalin, bagaman maliit at mahina ako?
Gusto Kitang bigyan ng pagmamahal, tunay at dalisay.
Anuman ang mga pagsubok at kapighatian,
malulugod ako basta't mayroon ako ng Iyong salita.
Gaano man kalaki ang mga panganib o kapighatian,
aasa ako sa Iyo para makasulong.
Anuman ang oras o lugar, palagi Kang mamahalin ng aking puso.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video