Christian Dance | "Magkakahalong Damdamin ng Kagalakan at Kalungkutan" | Praise Song
Pebrero 4, 2025
I
Ang Diyos ay nagbabalik sa Sion at ngayon ay malapit na tayong maghiwalay.
Ang kalungkutan at kagalakan ay humahalo sa iba pang
magkakaugnay na damdamin sa aking puso.
Habang iniisip ko ang mga salita ng Diyos, taimtim at mapagmahal tulad ng isang ina,
napakalapit ng pakiramdam ng puso ko sa Kanya.
O … hindi tayo makapagkita nang madalas,
o … ang magagawa ko lang ay mangulila sa Iyo palagi.
O Makapangyarihang Diyos, nangungulila ako sa Iyo,
at hindi ko pa sapat na nakita ang Iyong mukha.
II
Sa pagninilay sa panahon ko kasama ang Diyos,
kung gaano karaming paghihimagsik ang naibunyag ko,
at kung gaano karaming kalungkutan ang naidulot ko sa Kanyang puso,
nag-uumapaw sa panghihinayang ang aking puso at tahimik akong lumuluha.
Lubos akong nagsisisi sa mga panghihinayang na iniwan ko sa Kanya.
O … habang binabalikan ang mga alaalang iyon,
o … sobrang kumikirot ang aking puso.
O Makapangyarihang Diyos, nangungulila ako sa Iyo,
at hinahangad kong tuparin ang aking tungkulin para suklian ang Iyong pagmamahal.
III
Ngayong aalis na ang Diyos, ang nananabik kong puso ay nahihirapang lumayo sa Kanya
at malinaw na nagbabalik ang mga alaala.
Sinamahan ako ng Diyos sa napakaraming araw at gabi, sa tawanan at mga luha.
O … bagaman madalas akong negatibo,
o … hindi ako kailanman inabandona ng Diyos.
Makapangyarihang Diyos, nangungulila ako sa Iyo,
at alam Mong minamahal Ka ng aking puso.
IV
Sa pagbabalik ng Diyos sa Sion, sa sandaling ito ng paghihiwalay,
nagpasya akong alalahanin ang Kanyang mga pangaral.
Ipakakalat ko ang ebanghelyo upang magpatotoo sa Diyos,
maayos na tinatahak ang huling yugto
at nagbibigay ng magandang patotoo upang pasiyahin Siya.
O … bagaman ang landas patungo sa kaharian ng langit ay puno ng panganib,
o … nasa akin ang mga salita ng Diyos.
O Makapangyarihang Diyos, nangungulila ako sa Iyo,
at makapagdarasal lang ako na makita Ka nang harapan.
V
Ang Diyos ay nasa langit, tayo ay nasa lupa.
Ang mga alaala ng mga taon na magkakasama tayo ay nananatili,
at ang malumanay Niyang mga salita ay hindi kailanman malilimutan.
Ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos ay madalas na sumasagi sa isipan,
ang Kanyang matuwid na disposisyon ay mananatili sa aking puso,
at ang Kanyang pagmamahal ay mag-uudyok sa akin na magpatuloy magpakailanpaman.
O … lubos na minamahal ng aking puso ang Diyos,
o … nangangako akong iaalay ang aking katapatan.
Sa kabila ng mga pagbabagong yumayanig sa mundo, mananatili pa ring hindi nagbabago ang aking puso.
Mamumuhay ako ayon sa mga salita ng Diyos, at magpapatotoo ako sa Diyos magpakailanman.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin, Magkakahalong Damdamin ng Kagalakan at Kalungkutan
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video