Tagalog Christian Song With Lyrics | "Ang Likas na Pagkakakilanlan ng Tao at ang Kanyang Halaga"

Setyembre 27, 2021

I

Inihiwalay kayo mula sa putik,

pinili mula sa mga latak.

Kahit ano man, kayo'y mula rito,

marumi't kinasusuklaman ng Diyos.

Totoo, kayo'y kay Satanas dati,

niyuraka't dinungisan nito.

Kaya sinasabing pinili kayo sa putik,

malayo sa pagiging banal,

sa halip kayo'y 'di-taong bagay,

matagal nang ginawang hangal ni Satanas.

Ito'ng pinakaangkop na pagtatantiya sa inyo.

Karumihan kayo sa simula pa lang,

nahanap sa 'di umaagos na tubig at putik,

kabaligtaran ng kanais-nais na huli,

'di katulad ng mga isda at hipon,

dahil walang kasiya-siyang mula sa inyo.

II

Lugar niyo sa mababang lipuna'y

yaong sa pinakamababang hayop.

Mas malala pa kayo sa baboy at aso.

Pagsasalita nang gan'to sa inyo

'di kalabisan o eksaherasyon;

sa halip, usapin ay pinapasimple.

Pagsasalita nang gan'to sa inyo

maa'ring ituring na pagrespeto.

Kabatiran, pananalita't asal niyo,

bawat parte ng buhay, katayuan sa putik,

lahat ay sapat na patunay

na pagkakakilanlan niyo ay "hindi pangkaraniwan."

Ito'ng pinakaangkop na pagtatantiya sa inyo.

Karumihan kayo sa simula pa lang,

nahanap sa 'di umaagos na tubig at putik,

kabaligtaran ng kanais-nais na huli,

'di katulad ng mga isda at hipon,

dahil walang kasiya-siyang mula sa inyo.

Ito'ng pinakaangkop na pagtatantiya sa inyo.

Karumihan kayo sa simula pa lang,

nahanap sa 'di umaagos na tubig at putik,

kabaligtaran ng kanais-nais na huli,

'di katulad ng mga isda at hipon,

dahil walang kasiya-siyang mula sa inyo.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger