Christian Dance | "Ang Aking Buhay ay Malaya at Napalaya" | Praise Song

Hunyo 25, 2024

I

Ang puso ko ay napalaya at ito ay lumipad na;

hindi na ako negatibo at pasibo, at sinusuklian ko ang pagmamahal ng Diyos.

Noon, hindi ko naintindihan ang mga layunin ng Diyos

at hindi ko Siya pinansin;

nagbigay sa akin ng motibasyon ang makita ang pagmamahal ng Diyos,

nagpasya ako na dapat kong mahalin ang Diyos.

Dapat kong suklian ang pagmamahal ng Diyos,

at hayaan Siyang kamtin ang puso ko.

Tingnan mo! Namumukadkad ang mga bulaklak sa lahat ng dako,

tumutugtog ang musika sa aking puso,

at inaawit ko ang aking pagmamahal sa Diyos.

II

Ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay pumupuno sa akin ng kagalakan;

ang pagmamahal ng Diyos ay nagbibigay-motibasyon sa akin.

Aking nauunawaan ang katotohanan,

minamahal at pinupuri ko ang Makapangyarihang Diyos.

Ginagawa ko nang maayos ang aking tungkulin at ipinapalaganap ang ebanghelyo;

bagamat ako’y nagdurusa, mayroong kagalakan.

Ako’y nasasabik at lalo pang nagaganyak na umawit ng isang kanta ng pagmamahal.

Dapat kong suklian ang pagmamahal ng Diyos,

at hayaan Siyang kamtin ang puso ko.

Tingnan mo! Namumukadkad ang mga bulaklak sa lahat ng dako,

tumutugtog ang musika sa aking puso,

at inaawit ko ang aking pagmamahal sa Diyos.

III

Makapangyarihang Diyos, Ikaw ang nagbigay sa akin ng masayang buhay.

Nagpaalam na ako sa tiwali, bulok, walang kabuluhang buhay ng nakaraan;

nagsusumikap akong baguhin ang aking disposisyon,

isabuhay ang normal na pagkatao,

at gawin ang lahat ng aking makakaya sa sambahayan ng Diyos.

Dapat kong suklian ang pagmamahal ng Diyos,

at hayaan Siyang kamtin ang puso ko.

Tingnan mo! Namumukadkad ang mga bulaklak sa lahat ng dako,

tumutugtog ang musika sa aking puso,

at inaawit ko ang aking pagmamahal sa Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger