Tagalog Testimony Video | "Ang Pagbitiw sa Banidad ay Nagparamdam sa Akin ng Lubos na Pagpapalaya"
Hulyo 1, 2025
Isa siyang lider ng iglesia. Sa tuwing nakikita niyang ang taong pinangangasiwaan niya ay mas mahusay sa pag-arok ng mga prinsipyo at mga kasanayan, nag-aatubili siyang subaybayan at pangasiwaan ang gawain nito, sa takot na baka maliitin siya kung hindi niya malulutas ang mga problema nito. Nagdulot ito ng mga pagkaantala sa gawain. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan niya na ang kanyang pag-aatubili na mangasiwa sa gawain ay dahil sa napipigilan siya at ginagapusan siya ng mga alalahanin dahil sa pagpapahalaga sa sarili at katayuan. Napagtanto niyang tunay na nakapipinsala ang paghahangad ng reputasyon at katayuan, at naging handa siyang maghimagsik laban sa sarili niya at magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos, na nagbunga ng ilang pagbabago.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video