Tagalog Testimony Video | "Pagkatutong Matukoy ang Isang Anticristo"

Hulyo 15, 2022

Nalaman ng pangunahing tauhan na labis ang pagkahumaling ng kapartner niyang si Chen sa reputasyon at katayuan, at kapag hindi nabigyang-kasiyahan ang pagnanasa nito sa mga bagay na iyon, may gawi itong maging negatibo at mainitin ang ulo, at nagiging tamad sa trabaho. Pero pagkaraan niyon, umiiyak ito at sinasabing naunawaan na nito ang sarili. Noong una hindi iyon masyadong inisip ng pangunahing tauhan, naniniwala na bata pa si Chen at medyo matigas ang ulo, pero matapos itong makaugnayan sa paglipas ng panahon, natuklasan niya na anumang klaseng pagbabahagi ang gawin ni Chen o gaano man karaming kaalaman tungkol sa sarili ang natamo nito, kailanma'y hindi ito nagbago kahit kaunti. Inilalabas pa ni Chen ang galit nito sa trabaho at binabalewala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, na lubhang nakaapekto sa pagsulong ng kanilang gawain. At nang malinaw na makita ni Chen ang mga huwad na lider at manggagawa sa mga iglesia, hindi nito tinanggal ang mga iyon, na lubhang nakagambala sa gawain ng iglesia. Naharap sa iba't ibang ugali ni Chen, paano niya unti-unting natanto na si Chen ay isang anticristo? Pagkatapos niyon, ano ang isinagawa at pinasok niya?

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin