Tagalog Testimony Video | "Natututo sa mga Panahon ng Paghihirap"

Oktubre 27, 2021

Ang bida, na maraming taon nang mananampalataya, ay nakulong dahil sa kanyang pananampalataya, ngunit hindi kailanman pinagtaksilan ang Diyos. Matapos mapalaya, iniwan niya ang kanyang bayang-kinalakhan para gawin ang tungkulin niya at hindi tumigil sa pagsasakripsyo at paggugol sa kanyang sarili. Naaresto siyang muli noong panahon ng pagkalat ng novel coronavirus. Pinayagan siyang maiuwi ng kanyang pamilya nang makitang may maiitim na batik sa mga baga niya, at sa puntong iyon ay nalaman niyang may malubhang sakit ang kanyang ama at ang pinagkukunan ng kabuhayan ng pamilya niya ay halos ganap nang naputol. Nang makita ang kanyang pamilya sa napakahirap na kalagayan, hindi niya naiwasang sisihin ang Diyos. Ngunit sa pamamagitan ng pagdarasal at pagbabasa ng mga salita ng Diyos, napagtanto niya na ang lahat ng isinuko niya ay para lang magkamit ng mga pagpapala, na nakikipagtransaksiyon siya sa Diyos. Naunawaan niya na ang pagganap ng tungkulin ay ang bagay na tamang gawin ng isang nilikha, at ganap na hiwalay sa pagiging pinagpala o sa pagdurusa ng kalamidad. Naging handa siyang bitiwan ang kanyang motibasyon na magtrabaho alang-alang sa mga pagpapala at gawin nang maayos ang kanyang tungkulin.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin