Tagalog Testimony Video | "Pagkatuto Mula sa Pagpuna"

Pebrero 11, 2022

Ang bida ay isang lider, at isang tao ang nag-ulat sa kanya na sinasabi ni Sister Lu sa harap ng mga kapatid na ilang lider ang hindi gumagawa ng praktikal na gawain at mga huwad na lider sila. Matapos marinig iyon, nadama niya na dahil hindi iniulat ni Sister Lu ang mga lider ayon sa karaniwang proseso, at sa halip ay sinabi ito sa mga kapatid sa likuran ng mga lider, hinuhusgahan ni Sister Lu ang mga lider at mayroon itong mapagmataas na disposisyon. Kaya nagsimula siyang imbestigahan si Sister Lu at binalaan ito, na naging dahilan kaya napalitan si Sister Lu. Matapos malaman ng lider ng bida ang sitwasyon, iwinasto siya dahil sa pagtrato kay Sister Lu sa ganitong paraan, dahil sinabi ng lider niya na sinupil niya si Sister Lu. Kaya nagpunta siya sa harapan ng Diyos para hanapin ang katotohanan at magnilay sa kanyang sarili. Anong mga aral ang natutunan niya sa pamamagitan ng pagtabas at pagwawastong ito? Anong kaalaman tungkol sa kanyang sarili ang natamo niya? Panoorin ang video na ito para malaman.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin