Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 231

Setyembre 27, 2020

Masasabi na lahat ng binigkas ngayon ay nagpopropesiya ng mga mangyayari sa hinaharap; ang mga pahayag na ito ay ang paraan ng Diyos sa pagsasaayos para sa susunod na hakbang ng Kanyang gawain. Halos tapos na ng Diyos ang Kanyang gawain sa mga tao ng iglesia, at pagkatapos ay magpapakita Siya sa lahat ng tao nang may galit. Sabi nga ng Diyos, “Papangyarihin Ko na kilalanin ng mga tao sa lupa ang Aking mga ginagawa, at mapapatunayan ang Aking mga gawa sa harap ng ‘hukuman,’ upang ang mga iyon ay kilalanin ng mga tao sa buong daigdig, na magsisisukong lahat.” May nakita ba kayong anuman sa mga salitang ito? Narito ang buod ng susunod na bahagi ng gawain ng Diyos. Una, papangyarihin ng Diyos na lubos na makumbinsi ang lahat ng asong bantay na may-kapangyarihan sa pulitika at paaatrasin sila nang may pagkukusa mula sa yugto ng kasaysayan, upang hindi na muling makipag-agawan kailanman para sa katayuan, at hindi na muling mag-abala kailanman sa mga pakana at intriga. Ang gawaing ito ay kailangang isakatuparan sa pamamagitan ng Diyos, sa pamamagitan ng pagpapadala ng iba-ibang kalamidad sa lupa. Ngunit hindi talaga sa ganitong sitwasyon magpapakita ang Diyos. Sa panahong ito, ang bansa ng malaking pulang dragon ay magiging lupain pa rin ng karumihan, at samakatuwid ay hindi magpapakita ang Diyos, kundi lalabas lamang sa pamamagitan ng pagkastigo. Ganyan ang matuwid na disposisyon ng Diyos, na hindi matatakasan ninuman. Sa panahong ito, lahat ng nananahan sa bansa ng malaking pulang dragon ay daranas ng kalamidad, na natural lamang na kasama ang kaharian sa lupa (ang iglesia). Ito ang mismong panahon kung kailan lalabas ang mga katunayan, kaya nga mararanasan ito ng lahat ng tao, at walang sinumang makakatakas. Itinalaga na ito ng Diyos. Dahil mismo sa hakbang na ito ng gawain kaya sinasabi ng Diyos, “Ngayon ang panahon upang isakatuparan ang malalaking plano.” Dahil, sa hinaharap, wala nang iglesia sa lupa, at dahil sa pagdating ng matinding kapahamakan, ang makakaya lamang isipin ng mga tao ay ang nasa harapan nila, at kaliligtaan na nila ang iba pa, at magiging mahirap para sa kanila na matamasa ang Diyos sa gitna ng matinding kapahamakan. Sa gayon, hinihiling sa mga tao na buong-puso nilang mahalin ang Diyos sa kamangha-manghang panahong ito, upang hindi sila malagpasan ng pagkakataon. Kapag lumipas na ang katunayang ito, lubusan nang natalo ng Diyos ang malaking pulang dragon, at sa gayon ay nagwakas na ang gawain ng patotoo ng mga tao ng Diyos; pagkatapos, sisimulan ng Diyos ang susunod na hakbang ng gawain, ang pagwasak sa bansa ng malaking pulang dragon, at sa kahuli-hulihan ay ipapako sa krus nang pabaligtad ang lahat ng tao sa buong sansinukob, at pagkatapos ay lilipulin Niya ang buong sangkatauhan—ito ang mga hakbang ng gawain ng Diyos sa hinaharap. Sa gayon, dapat ninyong hangaring gawin ang lahat para mahalin ang Diyos sa payapang kapaligirang ito. Sa hinaharap mawawalan na kayo ng mga pagkakataong mahalin ang Diyos, sapagkat may pagkakataon lamang ang mga tao na mahalin ang Diyos sa laman; kapag nabubuhay na sila sa ibang mundo, wala nang sinumang magsasalita tungkol sa pagmamahal sa Diyos. Hindi ba ito ang responsibilidad ng isang nilalang? Kaya nga paano ninyo dapat mahalin ang Diyos sa mga panahon ng inyong buhay? Naisip mo na ba ito kahit kailan? Naghihintay ka ba hanggang sa mamatay ka para mahalin ang Diyos? Hindi ba ito hungkag na pananalita? Ngayon, bakit hindi mo patuloy na sinisikap mahalin ang Diyos? Tunay na pagmamahal ba sa Diyos ang mahalin Siya habang nananatili kang abala? Kaya sinabi na ang hakbang na ito ng gawain ng Diyos ay magwawakas na ay dahil may patotoo na ang Diyos sa harap ni Satanas. Sa gayon, wala nang kailangang gawin ang tao; hinihiling lamang sa tao na patuloy na sikaping mahalin ang Diyos sa mga taon ng kanyang buhay—ito ang susi. Dahil ang mga hinihiling ng Diyos ay hindi malaki, at, bukod pa riyan, dahil may nag-aalab na pagkabalisa sa Kanyang puso, nagbunyag na Siya ng isang buod ng susunod na hakbang ng gawain bago matapos ang hakbang na ito ng gawain, na malinaw na nagpapakita kung gaanong panahon pa ang natitira; kung hindi nababalisa ang Diyos sa Kanyang puso, bibigkasin ba Niya ang mga salitang ito nang napakaaga? Dahil maikli ang panahon kung kaya gumagawa ang Diyos sa ganitong paraan. Sana’y makaya ninyong mahalin ang Diyos nang buong puso, buong isipan, at buong lakas, tulad ng pagmamahal ninyo sa inyong sariling buhay. Hindi ba ito isang buhay na napakamakahulugan? Saan pa ninyo matatagpuan ang kahulugan ng buhay? Hindi ba kayo nagpapakabulag? Handa ka bang mahalin ang Diyos? Nararapat ba ang Diyos sa pagmamahal ng tao? Nararapat ba ang mga tao sa pagsamba ng tao? Kaya, ano ang dapat mong gawin? Mahalin mo ang Diyos nang may tapang, nang walang pag-aalinlangan, at tingnan mo kung ano ang gagawin ng Diyos sa iyo. Tingnan mo kung papaslangin ka Niya. Sa kabuuan, ang atas na mahalin ang Diyos ay mas mahalaga kaysa ang kopyahin at isulat ang mga bagay-bagay para sa Diyos. Dapat mong unahin kung ano ang pinakamahalaga, upang ang iyong buhay ay magkaroon ng higit na halaga at mapuspos ng kaligayahan, at pagkatapos ay dapat mong hintayin ang “hatol” ng Diyos para sa iyo. Iniisip Ko kung kasama kaya sa plano mo ang mahalin ang Diyos. Ang mga plano sana ng lahat ay yaong tinatapos ng Diyos, at sana magkatotoo ang lahat ng iyon.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 42

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger